Most people would never understand when I say I was busy suffering in silence. Life is so cruel to me and will always break me in many ways I could never imagine. Wondering if how I\'m gonna end this nightmare.
Follow me on Facebook : @laughmercedez
https://www.facebook.com/laugh.mercedez
Bata palang si Clara ay bayad na s'ya ng lalaking hindi pa niya nakikilala. Palagi itong ipinapamuka ng kaniyang tiyo Oscar. Natalo kasi ito sa sabong, at lulong pa sa masamang bisyo. Kaya naman para may ipang tustos ay gumawa ito ng paraan, at iyon nga ay ang pagka kitaan na lamang siya.
Oras na tumungtong na si Clara sa hustong taong gulang ay kailangan na niyang lisanin ang baryo nila at sumama sa nakabili sakaniya. Ngunit mahigpit ang misteryosong lalaki. Kaylangan niyang mapanatili ang kaniyang puri at basal na ihaharap. Ngunit sa hindi inaasahang insedente ay na buntis si Clara. Dinukot siya ng hindi n'ya nakilalang mga tao at ginahasa siya ng paulit-ulit ng misteryosong estranghero. Dalawang linggo bago siya pinakawalan, at sa kasamaang palad ay nag bunga pa ang pangagahasa nito sakaniya.
Si Eva, matapat, mabait at simpleng babae. Isang taon palang ng makasal sila ni Echo ay ramdam na niya ang mga taong 'di sya tanggap. Ngunit alang-alang sa asawa niyang si Echo ay titiisin niya ang lahat. Ngunit pilit parin talagang kakapit Kay Echo ang lintang si Shane. Suportado pa ito ng beyanan niyang babae. Hanggang saan nga ba kayang ipaglaban ng legal na asawa ang pwesto niya? Makakaya ba niya ang lahat?Maipaglalaban parin ba niya ang asawa dahil sa kagagawan ng mga taong ayaw sakaniya?
Mayaman si Nadia ngunit hindi n'ya ito pinagsasabi o pinaalam sa kahit na sino. Nais kasi n'ya na mabuhay bilang simple gaya ng iba. Walang impluwensiya ng pera at hindi basta nakukuha agad ang lahat. Itinago niya ang totoong siya sa naging nobyo niya ng mamuhay siya sa labas mag isa. Nakilala niya ang naging asawa niya na si Rod. Ngunit malupit ang tadhana dahil hindi pala ito naging totoo sakaniya. Simula ng umayos ang trabaho nito dahil narin sa tulong niya ay nag iba na ang ugali ni Rod. Niloloko at sinasaktan na siya nito. Hanggang sa huli ay pinilit siya nitong pumirma upang mapawalang bisa ang kasal nila. Sa huli ay sawi si Nadia na makamit ang simpleng buhay na nais niya. Nagalit siya at nais gantihan ang ex-husband niya. Ngunit galit na si Nadia sa mga lalaking nag pa-panggap na mabait ngunit kapag nakuha na ang gusto at nakatikim na ng salapi ay nag i-iba na ang ugali. Hanggang sa makilala niya si Paul. Simpleng tindero na mag pa-patuloy sakaniya sa barung-barong nitong tahanan ng makita siya nitong walang malay sa gitna ng kalsada habang malakas ang ulan. Mabago kaya ni Paul ang tingin ni Nadia sa mga gaya niya?
Si Ariana Maria Isabel Lopez-Marques, ay inabandona ng kaniyang asawa. Alam n'yang kahit kailan hindi s'ya nito minahal at hinding-hindi talaga siya nito magagawang mahalin. Dahil tanging siya lang naman ang nag nais na maikasal kay Duce.
Sa huli, pag takas ang naging solusyon niya sa pagbabaka sakaling magagawa pa niyang i-tama ang naging desisyon niya.
Ngunit ba-balikan si Arian nang multo ng kaniyang nakaraan na pilit niyang tinatakasan. Makayanan parin kaya ng puso niya ang presensya ni Duce, o muling laruin ang apoy at lumambot na naman?
Ipinasok si Amelia ng tiyahin niya sa matagal na nitong pinaglingkuran na pamilya. Ang anak kasi ng amo ng kaniyang tiyahin ay kailangan ng magiging yaya para sa anak nito, at dahil nag retired na ang kaniyang tiya ay siya nalang ang ipinasok nito. Sa pag pasok niya sa buhay ng mag ama hindi ito magiging madali lalo na't napapalapit sakaniya ang anak ni Jace. Magagawang kalimutan ni Jace ang yumao nitong asawa dahil sakaniya. Ngunit magawa nga ba ni Amelia na ipag laban ang pag-ibig niya kay Jace gayong ang unang tumututol dito ay ang ina mismo nito?
Pinabukaka, Nagbunga at ngayo'y isa ng ganap na Ina. She enters motherhood that changes her life, forever.
Hindi biro ang pagiging isang ina. Kailangan itong pag handaan. Ngunit paano nga ba kung isang araw magising kana lang na magiging isang ganap kana palang ina? Isang napakalaking pagkakamali na makakapag pabago sa buhay n'ya.
Lahat ng taong gipit, madalas o karamihan sa patalim ang kapit at patuloy na kumakapit. Hindi alam at hindi na i-intindihan ng karamihan lalo na kung nasa sitwasyon kang kaylangan na kaylangan mo na dahil gipit na gipit ka.
Isa lang naman si Leaf Carrion sa mga taong gagawin ang lahat maisalba lang ang pamumuhay nilang lubog na lubog na sa utang.
Kaya kahit ang palihim na pag dadalang tao ay walang takot niyang pinatulan para sa malaking pera. Alam ni Leaf na mali at alam niyang kapag nalaman ito ng asawa ni Mr. Alcantara ay malaking problema ang kakaharapin niya. Ngunit sa kalagitnaan ng kagipitan ito ang hindi niya napag isipang mabuti. Kaya naman walang atubili niyang pinirmahan ang kontrata na inalok ng boss niyang si Dominick Alcantara.
And now she's carrying the billionaire triplets.
Dahil ang inaakala niyang isa ay tatlo pala. Kayanin nga ba ni Leaf kung dumating ang oras na kukuhanin na sakaniya ang tatlo?
Sa pag pasok ni Belinda sa mansion ng mga Amoroso ay magugulo rin ang kaniyang maayos na pamumuhay. Dahil ang panganay na anak ng amo niyang si Doña Gracia ay may lihim na pagnanasa sakaniya, at palihim itong kikilos makuha lang siya.
Blurb,
Ang buong akala ni Jessie ay mala fairy-tale na ang magiging buhay niya nang pakasalan ang anim na taon niyang kasintahan na si Melvin Samonte. Ngunit isang bangungot ang bumulaga sakaniya. Ilang buwan pa lamang nang mag pakasal sila ay unti-unting nag bago ang kaniyang asawa.
Para siyang hayop kung itrato nito. Sa una ay minumura, nilalait maging ang magulang niya, sinusumbatan at itinutulak lamang siya nito. But everything only got worse. Humantong na sa punto na ipinapahiya na siya ni Melvin sa kahit na sino, maging sa magulang nito. He was wounded and beaten.
Kaya naman lahat ay gagawin ni Jessie maitago lamang ang anak niya sa malupit niyang asawang si Melvin.
A/N : A better version of MY ABUSIVE HUSBAND. Kapag may time na balak kong i-revise 'yon upang mas luminaw 'yung plot. Salamat sa unawa! Hope you support this one!
Blurb,
Sa matagal na pamamalagi ni Maxine sa abroad kasama ang pamilya niya ay naisipan na rin niyang umuwi. Ngunit sa pag-uwi niya ay babalik lamang ang mga alaalang pinilit niyang ibaon sa limot.
Muli silang nag kita ng ex-husband niyang si Gavin Ambrosio ay muling babalik ang sakit at pait na dinanas niya sa kamay ng lalaki.
Isang ulirang kapatid at anak si Charm. Para sa pamilya ay kinakaya niya ang lahat maging mabibigat na trabaho dahil mataas ang pangarap niya sa buhay na maiahon ang pamilya sa kahirapan. Talagang napakapuro ng puso nang dalaga para sa lahat. Maging sa kapwa tao na hindi naman niya lubos pang kilala.
Si Alfredo ang maswerteng lalaki na kukupkupin ng dalaga upang alagaan. Si Alfredo nga ba ang maswerte o ang dalaga na tila ba nakajockpot sa mapag balat kayong binata?
Si Laura Madrigal, ay may abusadong asawa. Hindi lang s'ya nito sinasaktan emosyonal ngunit pati narin sa physical.
Hindi naman ganito ang asawa niya nung una niya itong makilala. Magalang, mabait at responsableng asawa si Justin, at maging ang isa nilang anak ay nasasaktan rin mg asawa n'ya. Hindi na kayang manatili ni Laura sa relasyong wala ng kahihinatnan. Ngunit paano s'ya makakatakas sa kamay ng abusado niyang asawa kung bantay sarado sila nito, at kayang-kaya nitong baliktarin ang lahat dahil sa pagiging mayor nito at mapera?
At kung makatakas man sya'y sino nga ba ang maaring makatulong sakaniya? Paano n'ya ka-kalabanin ang asawa n'yang mataas ang katungkulan at malawak ang impluwensya?
Dahil sa pagnanais na makatakas ni Anita sa pakikipag kasundong ginawa ng mga magulang n'ya, ay kinailangan niyang maging katulong sa ibang tao. Sa limang barako at gwapong mag ka-kapatid. Ngunit bago s'ya mapadpad sa poder ng mga ito ay may nagawa siyang isang malaking pagkakamali. Nakipag talik siya sa lalaking hindi naman niya kilala. At dahil sa kalasingan ay napakasalan pa n'ya ang misteryosong lalaki. At ang tanging palatandaan n'ya lamang ay ang tattoo nito sa balakang na paro-paro.
Paano pa kaya maayos ni Anita ang landas na pinili n'ya kung mas lalo lang palang magiging magulo dahil sa pag pa-panggap niya? Ang mapag birong tadhana kasi ay isa sa barakong mag ka-kapatid na pinagsisilbihan niya ang naka one night stand n'ya.