"Risa? Who is she? Yeah, i feel like I know you. Kaya lang hindi masyadong malinaw eh. Ikaw ba talaga si Ami? I don't know who's Ami pero lagi s'yang nasa utak ko.”
Puno ng patatakang sabi pa nito. "And I missed her so much," dagdag pa n'ya.
Weh? Ako laging nasa utak n'ya? Sa puso nga hindi ako makapasok sa utak pa kaya? Kahit nga yata sa bayag n'ya hindi ako umabot.
Bakit ba naalala pa n'ya pangalan ko? Sana nakalimutan na n'ya ako ng tuluyan para makapag let go narin ako. Gusto ko nalang talagang matahimik. Gusto kong makapag simula. Ngunit ayaw ko naman na may iniiwan akong galit sa isang tao. At mapapatawad ko s'ya once na 'di ko na dala-dala itong last name n'ya.
"Si Risa mahalaga s'ya sa'yo, at ako naman asawa mo. Kaya lang 3 years ago lumayas ka tapos ini—" Natigilan ako ng mapahawak s'ya sa ulo niya.
"Stop!" Sigaw n'ya sa'kin habang nahihirapan sa sakit ng ulo.
"Bakit may masakit ba? Sandali tatawag ako ng nurse."
Kaagad akong lumabas para tumawag ng nurse.
Sinuri nila ng kasama n'yang Doctor si Duce. "Ms. Arian uulitin ko po pakiingatan lang na pwersahin ang pasyente," bilin muli nito.
Naguilty tuloy ako bigla. Bakit parang s'ya pa 'yung biktima ngayon? Nakakapikon lang na ako dapat nag e-emote eh. Dapat sinipa-sipa ko na s'ya, o mas better kung ako na ang papatay sakaniya ngayon.
"Ayos kana ba?" Mahinahanong tanong ko.
Walang itong naging imik. Parang malalim ang iniisip at wala na naman sa mood. Palagi naman s'yang wala sa mood noon palang ugali na nya 'to, bwiset.
"Ang sama ko sigurong tao."
Gusto ko sanang sumagot at isigaw sa pagmumukha n'ya na.
Gago buti alam mo! Oo, sobrang sama mo. Iniwan mo ako! Inabandona! Hayop ka! Sabay sampal at suntok kaya lang wag nalang, may awa parin ako kahit paano.
"Malalaman mo 'yan pag nakaalala kana."
Tanging sagot ko bago dinampot ang shoulder bag ko at sinakbit, magpapaalam na ako. Marami pa akong aayusin bukas sa trabaho at sa hospital bills n'ya.
"Bakit pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa'yo?"
Pinigil ko ang luhang bigla nalang gustong kumawala.
"Karma ko ba 'to?"
Patuloy na tanong n'ya pero wala akong sinagot ni isa. "Magpahinga kana. Bukas babalik ako para ayusin ang babayaran ng makauwi kana." Bilin ko bago dirediretsong lumabas.
Kaagad na bumuhos ang luhang pinipigilan ko.
Hayop ka talaga Duce! Ang kapal ng mukha mong makalimot! Ako na nag dasal araw-araw pa para lang makalimot pero hindi nangyari, tapos s'ya na nauntog lang nakalimot na agad. Ako nalang ba palagi ang masasaktan? Bakit ba laging ako? Sana maranasan rin n'yang masaktan! Tipong mamamatay na s'ya sa sakit ng nararamdaman n'ya.
Maranasan man lang sana n'yang umiyak gabi-gabi kakaisip na 'yung taong iniwan n'ya nag durusa ng sobra-sobra.
Hindi man lang ba ako tumatak at nakapag iwan ng marka sa puso n'ya? Sana kahit bilang kapwa nalang n'ya, minahal n'ya rin 'ko.
Gustong-gusto ko maging parte ng buhay mo dati, pero ayaw mo.
Ngayon ayaw ko na. Hindi ko na ipipilit 'yung sarili ko kasi maayos naman na ako kahit paano. Kaya ko na mabuhay na wala s'ya.
I don't need you now.
Ang kaylangan ko lang sakaniya ay ang pirma n'ya at 'yung magiging hatian namin sa bahay. Gustong-gusto ko nang kumawala sa sumpa na 'to. Sana maranasan ko naman sumaya, at sa susunod na taong pag-aalayan ko ng puso ko sana hindi na tulad ni Duce.
Gusto ko ay lalaking mamahalin ako at mamahalin ko ng buong puso.
Nakakalungkot nga lang na hindi si Duce 'yung taong para sakin, baka si Martin talaga. Kasi simula sa umpisa hanggang ngayon si Martin 'yung laging nasa tabi ko bukod sa pamilya ko. Sinasabayan n'ya ako sa pag tawa at maging sa pinaka malungkot na bahagi ng buhay ko, hindi n'ya ako iniwan.
"Umiyak kaba?" Tanong ni Martin ng makasakay ako sa kotse. Hinintay n'ya ako dito sa parking lot at nakiusap rin ako na wag na s'yang sumama sakin na dumalaw kay Duce.
"Ha? H-hindi, baka napuwing lang ako sa alikabok kaya nagluluha mata ko hehe," palusot ko.
"Sana maayos pa 'yang puso mo. Don't forget si Martin ang laging nasa tabi mo."
Natawa ako at yinakap s'ya. "Thank you Martin, you always made my day."
“I really hate that guy! Lagi kana lang n'ya ginaganyan. Gosh! He's getting into my nerves na talaga ha! Why naman kasi he always hurting you. Ayos pa ba heart mo, sis? Hindi pa ba critically damage? Informed mo lang kami ha, para makahanap agad kami ng heart donor.”
Kanina pa ganyan si Raquel pag dating palang namin sinermonan na ako. Dinaig pa Daddy ko. Tinimbre na naman kasi ako ni Martin na umiyak daw ako dahil kay Duce, haysst.
"Anak kaba ni aling marites?" Inis na tanong ko kay Martin na tamang humihigop lang ng kape sa gilid.
"Anak ako ni Vivian at Lucas haha!” Sagot n'ya sabay kindat.
"Ay wait! Sandali lang guys, may pakindat si Daddy Martin oh! Umamin nga kayong dalawa kayo na ba? When is the wedding? Ako bridesmaid ha! Sa'kin mo rin banda ibato 'yung bulaklak! Gusto ko na kasi bumikangkang sa future husband ko eh."
Napailing na lamang ako bago tinapik sa balikat si Raquel. "Pupuntahan ko pa s'ya sa hospital bukas ang discharge n'ya eh." Sabi ko nalang.
"Aw! Oo nga pala paano ikakasal? E, kasal ka pa pala tapos hindi ka pa nakakamove-on haha. Martin sama ka nalang sakin sa club daming chikading dun at bebot!"
Natatawang lumabas ako ng bahay ni Martin. Bahay n'ya ang laging tambayan namin tuwing may free time kami, pero tiyak ko na madalang nalang ngayon dahil sa kinakailangan kung alagaan si Duce.
Graduate by profession ako tapos magiging alipin lang ako ng ex-husband ko?
Life is really unfair.
Sa hospital, inayos ko na ang lahat. Bills are fully paid, mga vitamins at kailangan inumin ay nabili na. Discharge na s'ya at uuwi na sa dati naming bahay.
"Makakabayad rin ako kapag gumaling na ako at nakapasok na ulit sa trabaho."
Hindi ko s'ya pinansin focus lang ako sa pag da-drive.
"Are you sure hindi ka kukulangin sa budget dahil sa'kin?" Tanong pa n'ya.
Hindi parin ako sumagot. Sinilip ko ang expression ng mukha n'ya dahil sa pang i-ignore ko.
"Kapag hindi ka pa nag salita gagawin ko ulit 'yung ginawa ko sa'yo sa hospital." Walang emosyong pag ba-banta n'ya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa gulat.
"Kumain kana? Ano gusto mong kainin Mcdo or ako?" Nanlaki mata ko at agad na napa- preno. "I m-mean a-ano baka gusto mong Mcdo?" Nauutal pero nakabawi rin ako agad.
Ano bang problema ng bibig ko bigla nalang linalabasan ng hindi kanais-nais na salita?!
"Well, I really want to eat you pero sige Mcdo nalang muna."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi n'ya.
"Papadeliver nalang ako.” Sabi ko bago tinuloy ang pag da-drive.
Putulin ko kaya 'tong dila ko? Para 'di na nakakapag salita ng kung ano-ano!