3

1016 Words
"Ano?!" Gulat na tanong ni Raquel ng ikwento ko sakaniya ang nangyari sa'kin ng ma-encounter ko si Duce. “Kamalasan!” Natawa ako sa nasambit nito. "Kamalasan lang ang dulot n'ya! Mrs. Marques para sabihin ko lang sa'yo na wag na wag kang magiging—" Kaagad ko s'yang pinutol. "Gusto mo masampal! Mrs. Marques talaga? Pang-asar lang?" Mataray na tanong ko. Humalakhak ito bago ako tinignan ng nakakaloko. "Aminin mo miss mo s'ya, noh?" Tanong pa nito. "Gwapo naman kasi s'ya, pero baka gipit lang talaga sis. Bakit hindi mo pagbigyan? Gawin mong katulong sa bahay mo. Gayahin mo 'yung iba na maghihiganti tapos gagawing slave 'yung lalaki." Lokaret talaga si Raquel, may aasahan pa ba ako sa kaybigan kong ito? Si Martin lang naman ang matino eh. Napairap na lamang ako sa suggestion nang gagang si Raquel. "Tantanan mo ako sa mga napapanuod mong lokaret ka. Reyalidad 'to hindi sweet love story na tulad ng mga napapanuod mo sa K-drama." Nakangising wika ko. "Suggestion ko lang 'yan baka lang naman gawin mo. Sandali nga, di'ba pinapa-rent mo naman 'yung bahay ninyo? Hindi mo mabenta kasi sainyong dalawa nakapangalan di'ba? Oh!Edi kumbinsihin mo na hatiin tapos doon na kayo matiwasay na makakapaghiwalay." Medyo may point si Raquel sa sinasabi n'ya pero hindi naman 'yun ang problema dahil iba ang pakay ni Duce sa'kin. "Hindi naman dapat s'ya magigipit kasi Doctor s'ya." Inis na sabi ko dahil nakakapagtaka lang kasi talaga. "Baka naman dahilan lang n'ya? Baka naman mahal ka talaga n'ya?! OMG! Binabalikan ka ng multo mo sis?!" Inambahan ko si gaga sa kalokohang pinagsasabi n'ya. Baka hindi n'ya nakuha ang mana n'ya sa pamilya kaya binabalikan ako ngayon? Siguro utos nila tito Miguel at tita Marga na makipag-ayos s'ya sa'kin. Wala naman kasi ako maisip na ibang dahilan eh. Hindi naman kapani-paniwala na dahil mahal n'ya ako kaya s'ya bumalik? 3 years s'yang nawala. Ano nauntog s'ya tapos naisip na mahal pala n'ya ako? Tatlong taon pinalipas para mahanap 'yung sarili? Parang tanga lang haha. Ako nga hanggang ngayon nasasaktan parin sa tuwing maaalala ko, tapos s'ya bumalik pa na parang wala lang? Sabagay nauntog nga pala s'ya at may amnesia. Kilala ang pangalan ko na Ami, pero hindi ako kilala sa mukha. Pambihirang parusa naman yata ito? "Dadalawin mo ba s'ya ngayon? I mean, hindi pa alam ng parents n'ya eh." Nagkibit balikat ako sa tanong ni Raquel. "Sige, dadalawin ko. Icancel mo muna lahat ng schedule natin ha. May mga kakausapin lang ako at mga gagawin," bilin ko bago ako lumabas sa office. Hindi rin ako maayos na nakatulog kagabi, tapos sumabay pa si Martin na gawin ko raw fake boyfriend. Hindi naman na ako teenager para sa mga kalokohang gusto n'ya eh. Kaya lang sige, susubukan ko matapos lang 'to at mapaniwalang masaya ako na wala si Duce sa piling ko, baka sakaling pirmahan na n'ya ang Divorce kapag ginawa ko ito. "Kamusta?" Tanong ko rito habang nag ba-balat ng mansanas. "Sabi ng Doctor bukas lang raw ay pwede kanang makalabas, pero may mga gamot kapang kaylangang inumin." Wala itong naging sagot. "Pipi kana rin ba? Sabihin mo lang para maipa-order na kita ng bagong dila sa shopee." "Bakit ba ang ingay mo? Sino kaba? Ikaw ba si Ami ha? Stop talking, will you?" Akala ko mataray na ako pero mas mataray parin pala sya. Sampalin ko kaya s'ya tapos sabihin ko ako si Ami? Nakakapikon na eh. Kaya lang binilin ng Doctor na wag raw patulan, bwiset talaga. "Nagugutom kana ba?" Tanong ko pa. "I'm fine, thank you makakaalis kana." Walang emosyong sagot nito. Iwanan nga kitang bwiset ka nakita mo! Tawagan ko na nga sila tita Marga at tito Miguel para masabi ang kalagayan ng bwiset nilang anak. Natitiyak ko na u-usok ang ilong ng magulang ko kapag nalaman na kasama at tinutulungan ko ang lalaking nag abandona sa'kin. "Hello, yes ako nga po. May importante lang po akong sasabihin about kay Duce." Kinabahan ako kung sasabihin ko ba kaya natigilan muna ako. "May amnesia po s'ya dahil sa aksidente." Napahagulhol si tita Marga sa sinabi ko. Pabagsak akong naupo dahil sa naging pag-uusap namin. Bakit ba sakin pa naiwan ang responsibilidad na 'to? Hindi raw sila makakauwi, bwiset! Hindi raw sila makakauwi dahil marami raw problema sa company nila kaya kahit gusto man nilang umuwi ay hindi nila magawa. Sabi ni tita na favor raw muna na alagaan ko ang anak nila. Asawa ko parin naman daw ito. Tama naman s'ya, pero matagal na kaming tapos ng anak nila. Gagawin ko lang 'to bilang pag-intindi sakanila. Bakit ako ba naging asawa ba turing ng anak nila sakin? Hindi nila alam ang sama ng loob, sakit at luhang naubos ko sa ka-kaiyak. Halos araw-araw humihingi ako ng tawad kay Duce kahit wala naman akong kasalanan sakaniya. Gustong-gusto kung isumbat 'to sakanila pero hindi ko magawa kasi mas lamang 'yung awa ko sa parents ni Duce. Kapag nalaman ng parents ko tiyak na mag aaway sila kaya naman isesekreto ko nalang hanggang sa makauwi sila at makarecover na si Duce. Binigyan ko sila ng dalawang buwan para makauwi kahit na hindi pa magaling sa amnesia si Duce. Pasensyahan kami pero gagawin ko rin ang ginawa ng anak nila sa'kin. A-abandonahin ko rin s'ya once na matapos ang palugit na ibinigay ko. "Kilala mo ba parents mo?" Tanong ko sakaniya. Napataas ang kilay nito. "Yes," tipid na sagot nito. "Kilala mo naman pala eh." Inis na wika ko habang nakapamewang. "Ako kilala mo? Si Risa kilala mo?" Nangunot ang nuo nito at itinigil ang pagiging abala sa binabasa nito. Si Risa ang dahilan ng lahat. Ito naman talaga ang mahal ni Duce. Sakanilang dalawa, kontrabida ako, pero sa sarili kong opinyon kabit si Risa. S'ya ang malanding sumira sa marriage namin ni Duce. Simula ng iwan n'ya ako napapatanong din ako sa sarili ko. Wala nga ba akong ginawang mali? Ngunit nasagot lahat iyon. Siguro nga ang maling naging desisyon ko, ay ang mahalin ang taong may minamahal ng iba. That was my biggest mistake na ngayon ay pinagdudusahan ko parin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD