2

1033 Words
Halos malunod ako sa halik n'ya at habulin ang hininga ko, pero hindi parin s'ya nakontento dahil pinangalawahan pa n'ya ang halik na sinimulan n'ya. Hindi ko napansing na tangay na pala n'ya ako, naramdaman ko lang 'to ng dumako ang malikot niyang kamay sa bewang ko. "Ano 'to bold?!" Gulat na sigaw ko bago tumakbo palabas. Sobrang tanga ko! Tanga! Tanga! Tanga! Bakit ako pumayag na halikan n'ya ako?! Napailing nalang ako sa sinabi ko. Wala akong ibang maisip eh. Iyon lang pumasok sa utak ko mukha tuloy akong tanga sa sinabi ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nandito ako sa labas ng kwarto n'ya at hindi alam kung papasok ba o uuwi nalang, pero sa katangahan ko naiwan ko 'yung bag ko. Nasa bag ang susi ng kotse kaya no choice ako nito ngayon. Well, it's just a kiss walang epekto. Mas matindi pa nga doon ang ginawa niya sa akin. Hindi ako marupok, linaplap lang naman n'ya ako. Bakit kasi nanlalaplap?! Bwiset naman kasi eh! Nakakapanghina ng loob parang obvious na obvious na apektado ako sa ginawa n'ya. "You forgot something?" Tanong n'ya ng makapasok ako. "Yeah, my bag." Agad kung hinablot ang bag ko at lalabas na ulit ng may sabihin s'ya. "Kissable lips ka pala, good kisser din." Matutuwa ba ako kasi compliment 'yun o mahihiya? I feel humiliated! "Stop making fun of me!" Galit na sigaw ko bago lumabas na naiiyak. Ginagawa na naman n'ya pinaglalaruan na naman n'ya ako. Binarurot ko ang sasakyan ko pauwi sa condo unit na nabili ko. Hindi na ako umuwi o tumungtong ulit sa bahay namin nang umalis s'ya. "Are you ok?" Nadatnan ko si Martin na nasa loob na ng unit ko. Alam n'ya naman password ko pati bestfriend ko, at may tiwala naman ako kay Martin. "Yes." Walang ganang sagot ko bago pabagsak na naupo sa sofa at pumikit. "Pinuyat ka pa n'ya? Ang tigas rin ng mukha ng ex-husband mo noh?" Galit na komento nito. "Sinabi mo pa," sagot ko nalang. Wala na ako lakas ipaliwanag pa lahat kay Martin, sobrang antok na ako. "Anong nangyari? Napakasama n'ya, after what he did? Ang daming tao na pwede n'yang lapitan bakit ikaw pa? Ibang klase strategy ng g*go na 'yun." Hindi ako sumagot at hinayaan lang si Martin. "Sinabi mo bang boyfriend mo ako para tigilan kana n'ya?" Tanong pa nito. "Martin," tawag ko. "Yes?" "Pwedeng matulog muna ako? Pagod at puyat tapos over think pa, at isa pa wala s'yang maalala eh." Napahilot ako sa sentido ko at humiga na sa sofa. "Sorry I won't bother you. Sleep kana, I'm here babantayan kita." "Thank you." Sagot ko bago tuluyang nilamon ng antok. Amoy itlog, bacon, adobo, sinangag. Agad akong napabangon at napansing nasa kama na pala ako. I'm sure si Martin ang bumuhat sa'kin. Napangiti ako bago tumayo pero napansin ko rin na wala akong saplot?! Nanlaki ang mata ko at agad na kinuha ang kumot ko bilang pantakip sa katawan ko. "Kain na bago pa ikaw ang kainin ko," nakangising sabi ni Duce. Totoo ba 'to?! Bakit nandito s'ya? Nasa hospital pa s'ya at hindi pa magaling eh! What happened?! Ginahasa n'ya akooooooooooooooooooooooo! Napakahayop mo Duuuuuuuuuuce! "Arian what's happening?!" Gulat na tanong ni Martin ng makalapit sa'kin. Naramdaman ko ang yugyog niya. Sabi n'ya ay sumisigaw daw ako. Panaginip lang pala. "Buti naman," bulong ko. "Ha?" Takang tanong nito sabay kamot sa ulo. "Ibang klaseng nightmare." Sabi ko kaya natawa s'ya. "Panaginip lang 'yun malabong mangyari." Napatango ako bago pumunta sa sa kusina para uminom. May nakita akong itlog, bacon, adobo at sinangag sa lamesa. Sign ba 'to na magiging totoo ang panaginip ko?! "No! Please no!" Tinampal-tampal ko ang sarili ko sa sobrang takot. "Sino ba kasi napanaginipan mo?" Tanong ni Martin. Ikinalma ko ang sarili ko. "S-si Duce," sagot ko. Mapait na ngumiti si Martin. "Ang swerte naman n'ya hanggang sa panaginip mo nakakarating, samantalang ako haha." Lumambot ang expression ko. Ayaw kong mag tanim ng sama ng loob si Matti o mag tampo. "Mas mahalaga ka, you're my bestfriend." "Awts," sabi n'ya bago ako pinaupo. "Tikman mo nalang 'tong niluto ko malilimutan mo pangalan mo." Ngumiti ako sakaniya, "sana pati 'yung sakit." Pasaring ko pa. Sumeryoso s'ya bago tumitig sa'kin. "Kaya ko basta bigyan mo lang ako ng chance Arian," sabi n'ya kaya mariin akong napapikit. "Alam mo namang hindi pa kami tapos hanggat kasal pa kami di'ba? Siguro kapag wala na talaga s'ya sa buhay ko Martin, makakamove-on na ako at hopefully sa'yo ko maibigay 'yung chance kapag ready na ulit ako." Paliwanag bago tinikman ang luto n'ya. "Gagawin ko lahat mawala lang s'ya sa landas mo, at tutulungan kitang mapirmahan n'ya ang divorce ninyo. Gamitin mo ako bilang fake boyfriend mo, at ayos lang sakin kaybigan mo ako." Natigilan ako at napatitig kay Martin. "S-sige.” Utal pang sagot ko. “Sa ginawa n'ya walang masama sa gagawin mo dahil ibabalik mo lang naman Arian.” “Martin wala s'yang maalala, tama ba iyon? Hindi ako magiging patas.” Pag da-dalawang isip ko. “Mahina parin ang puso't isip mo when it comes to him noh? Hindi rin naman s'ya naging patas sa'yo Arian. Don't worry nandito ako, at wag na wag kang matakot dahil ano't ano man ang mangyayari, palagi akong mananatili sa tabi mo.” Hinawakan ni Martin ang kamay ko habang nakangiti sa akin. “Tandaan mo na iniwan ka n'ya para sa malanding babaeng iyon. Ilang luha na ba ang naubos mo dahil inabandona ka n'ya? Galit na galit ang buong angkan mo dahil sa ginawa n'ya. Tibayan mo ang puso mo. Gumanti ka, tsaka mo lang magagawang mag let go.” Paliwanag ni Martin. Baka tama nga si Martin. Palalampasin ko pa ba ito? Dapat rin s'yang mag dusa. Hindi biro ang dinanas ko, pero bakit ang dali niyang bumalik na parang wala lang sakaniya ang lahat? Tahimik na ako, pero bumalik na naman s'ya para gawing impyerno ang buhay ko kaya uunahan ko na sya. Gusto ko nga siyang saktan gaya ng ginawa n'ya sa akin. Ito na siguro ang chance ko. Tadhana na ang gumawa ng paraan para makabawi man lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD