Hindi ikwinento sa akin ni Zavian ang lahat ng detalye. Basta ang sinabi niya lamang ay siya na ang bagong boss ng kanilang organisasyon at engaged na si Gio. Nabanggit niya rin sa akin na gusto akong dalawin ng mga pinsan niya pero gumawa na lamang ng dahilan sina Audrey para hindi sila makadalaw sa akin. Ang alam pa rin pala ng ilan, lalo na nina Neveah at Sera ay nasa bahay pa rin ako ni Javier kahit matagal na akong wala roon. “Sa taranta rin ni Audrey kanina nang mabuksan ang tungkol sa panganganak mo, nasabi niya na nasa bahay ka nila. Maganda na rin iyon kaysa ako ang tanungin nila kung nasaan ka. Ayoko nang may ibang makaalam ng lokasyon mo,” sabi ni Zavian sa akin. Nakaupo kami ngayon sa sala habang pinagmamasdan si Audrey na nilalaro ang mga pamangkin. “Hindi ba niya kayo sinun

