Nakatingin lamang sa akin si Mama na para bang pinag-aaralan niya ang aking reaksyon. Nanatili lamang naman akong nakatayo roon, wala sa sarili, at umiiyak dahil sa narinig. “Pinsan ko po si Z-Zavian?” Nanginginig ang aking boses. Ni hindi ko na nga matapos ang sasabihin ko nang maayos, eh. Para akong mababaliw sa lahat ng iniisip ko. Hindi kami pwedeng maging magpinsan ni Zav! Nakaligtas nga kami sa pagiging magkapatid pero…magpinsan? Naikuyom ko ang aking mga kamay upang mapigilan lamang ang panginginig ng aking buong katawan sa kilabot na binigay sa akin ng mga salita ni Mama. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. “Ma!” Napasigaw na ako sa kanya. Gusto ko ng kumpirmasyon sa sinabi niya. Hindi kami pwedeng maging magkamag-anak ni Zav! Hindi! Nag-iwas siya ng tingin at

