Rinig na rinig ko ang paghikbi ng aking ina. Na parang ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata’y kinimkim niya sa loob ng mahabang panahon. “P-Pero sabi ni Javier kanina…ikaw raw ang pumatay sa anak n-n’yo.” Nanginginig ang aking boses. Hindi ko makapa ang mga salitang dapat itanong o sabihin sa kanya. Nag-iingat na lang din siguro ako dahil baka lalo ko lamang mapabigat ang nararamdaman ni Mama. She looks defenseless and vulnerable. Na iyong mataray at matapang kong ina na kinalakihan ko ay hindi ko makita sa kanya. “Walang alam si Javier. Paano siya magkakaroon ng alam tungkol doon at sa lahat ng nangyari sa akin? Nang mga panahong iyon ay wala siya! Hindi siya nagpaparamdam o nagpapakita! Ang huling balita ko ay pumunta siya ng ibang bansa!” Muling bumalik ang galit sa boses ni

