Nang maramdaman ko ang pagtigil ng kotse ay naghintay lamang ako ng ilang sandali bago buksan ang compartment. Napag-aralan ko na rin naman ito nang mabuti kaya alam ko kung anong dapat hilahin sa loob para magbukas ang compartment na ito. Sumilip ako sa paligid at nang mapagtantong wala nang mga nakapaligid ay agad akong lumabas doon. Napatingin pa ako sa lugar kung saan pumasok ang dalawang tauhan ni Javier bago tuluyang tumakbo papalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin alam ang pasikot-sikot nang lugar na ito dahil…sa loob ng dalawang taon magmula nang dalhin ako rito ni Javier ay hindi naman ako lumabas ng bahay na iyon. Ang iniisip ko na lamang ay magpakalayo-layo mula sa pinanggalingan kong kotse. Tsaka na ako mag-iisip ng kung anu-ano kapag sigurado na akong mal

