Wala na ako sa sarili. Kung kanina ay panay ang pagpupumiglas ko at panlalaban kay Atlas, ngayon ay tila nawalan din ako ng buhay matapos kong masaksihan ang ginawa nito sa aking ina at umaakto siya na para bang balewala ang lahat ng iyon sa kanya. “Javier!” Bumalik lang ako sa ulirat ko nang marinig ko ang pagtawag ni Atlas sa pangalan ni Javier. Kinilabutan kaagad ako. Nilingon ko kung saang direksyon nakatingin si Atlas at laking gulat ko nga nang makita ko si Javier na nakatayo roon. May iilang mantsa ng dugo ang kanyang suot na polo pero mukhang hindi naman naging problema iyon sa kanya. “Naandito ka pala?” Tumaas ang isang kilay ni Javier kay Atlas nang makalapit kami. Tumingin siya sa direksyon ko bago panliitan ng mga mata si Atlas. “Oo, nagtatago ako tapos nakita ko ang nagi

