Panay pa ang tanong sa akin ni Alex ng kung anu-anong bagay na siya namang sinasagot ko. Minsanan ko pang nakikita ang panliliit ng kanyang mga mata na para bang may malalim na iniisip. “Mr. Vas—” Pinatigil ni Alex ang lalaking tumawag sa kanya na nakaupo sa unahan ng sasakyan. May sinabi siya sa isang lengwahe na hindi ko maintindihan na siyang ikinatango naman ng lalaki. Matapos iyon ay hindi na ulit siya nagsalita pa. Nakarating kami sa isang malaking bahay. Bumukas ang matayog na gate upang papasukin ang sasakyang kinaroroonan namin. Nagpapaalala sa akin ito ng bahay na pinagdalhan sa akin ni Jacvier; kung saan ako nakakulong ng dalawang taon. “You told me you have a fiancé,” he paused before continuing. “Why isn’t he looking for you?” Natahimik ako sandali sa sinabi niya. Siguro

