PART TWO: CHAPTER 30

2901 Words

“TRIANA…” Doon lamang ako natauhan nang marinig kong muli ang boses ni Zavian. Natahimik kami matapos niyang sabihin sa akin ang lahat. Simula noong nag-imbestiga siya sa kanyang ama hanggang sa naging magkasabwat sila. Ipinaalam niya rin sa akin ang nangyari kay Atlas at ang tungkol sa aking ama. Nasaktan man na malamang ang kayamanan lamang ang habol nito sa akin ay tinanggap ko naman. Matagal ko na namang tanggap na kung wala akong pakinabang sa isang tao ay hindi naman nila ako hahanapin o pag-aasakyahan ng oras. Nakalabas na ako ng ospital matapos ang ilang araw pang pamamalagi roon at ngayon ay nasa byahe na kami pauuwi sa bahay ni Zavian. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumampi sa balat ko. Tiningnan ko siya at bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. “I’m sorry. Ala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD