Dahan-dahan akong lumapit kay Triana. Para akong naglalakad sa buwan na wala akong maramdaman habang papalapit sa kanya kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Umawang ang aking labi. Gusto kong magsalita ngunit walang himig ang lumabas sa aking bibig. “Hi…” Bakas sa kanyang boses ang panghihina. Kita mo pa rin sa kanyang mga mata na tila ba hindi niya pa nare-recover ang kanyang lakas. “H-Hi.” Nanginig ang aking boses nang binabati siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na gising na siya. My feelings are overflowing, and the happiness is overwhelming; unconsciously, I didn’t notice a stream of tears escape my eyes. “Zav, you’re crying, again!” Kita ko ang bakas ng pag-aalala sa kanyang boses. She reached for my face and gently wiped the tears rolling on my cheeks. Nang maramdam

