Chapter 1
Pagkarating ni Amanda sa boarding house niya ay dumiretso ito sa kanyang silid at padapang humiga, niyakap ng mahigpit ang kanyang unan at mariing umiiyak.
''Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Sa tuwing nakikita ko si Richard at naaalala ko nanaman ang mga sadaling namagitan sa amin na kailan man ay hindi na mabubura,'' mahina't napapahikbi niyang wika at kausap ang sarili.
''kahit pa, alam ko nang ginawa lamang niya akong panakip butas at ang mas masakit pa ay binayaran niya ako ng dalawang milyong piso, kapalit ng puri ko."
Umupo ito saka napapa-isip,
''Dalawang milyong piso ang ibinigay sa akin ni Richard. Dapat akong matuwa ngayon, kasi hindi ko na kailangan pang magkandakuba pang magtrabaho sa bar at sa tinagal-tagal ko doon ay wala akong napapala.''
''Jusme! ngayon pa lamang ako nakahawak ng ganitong halaga at hindi ko na kailangan pang magtrabaho doon at bumalik pa kahit kailan,'' patuloy niya at natigilan din sa nasabi.
''ano nga bang gagawin ko dito sa dalawang milyon?'' naiiyak niyang tanong sa sarili.
Bukod sa pangbayad ng kanyang tuation fee sa school ay isang semester nalang, makakapagtapos na siya ng pag-aaral at pwede ng makapagtrabaho pa ng maayos. Makikita na rin niya ang lahat ng kanyang pinagpaguran at pinagpuyatan sa bar. Kung kaya imbis na malungkot ay iniisip na lamang niya ang mga magagandang manyayari, habang hawak-hawak ang pera.
''Amanda, ngayon ka pa ba maglulupasay at panghihinaan ng loob kung kailan malapit mo ng maabot ang mga pangarap mo?'' Aniya't kausap ang sarili.
''Kaya ko ito kahit na nag-iisa lang ako sa buhay ay kakayanin ko,'' pagpapanatag loob niyang sabi sa kanyang sarili.
PAGDATING ni Richard sa kanyang bahay ay hindi niya maiwasang isipin si Amanda, lalo na ang gabing nakasama niya ito sa hotel at alam niya sa kanyang sarili na kahit lasing ito no'ng gabing iyon, na siya ang naka-una sa kanya.
Kung kaya't hindi na niya mawaglit sa kanyang isipan ang babae magmula ng may mangyari sa kanilang dalawa. Gustong-gusto niya itong laging makita at makasama. Namimis na rin niya ang matamis na labi nito, ang mabangong amoy ng kanyang pabango, ang mahabang kulay itim na buhok ni Amanda at ang katawan nito na kaysarap angkinin. Kahit pa siguro ulit-ulitin niyang angkinin ito ay hindi siya kailanman magsasawa.
Habang naka-upo sa swivel chair ay napangiti siya ng bahagya. Pagkuway ipinatong niya ang kanyang dalawang paa sa ibabaw ng table at may hawak na ballpen ang kabilang kamay nito ng iniikot-ikot niya iyon.
Sandali siyang natigil ng may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. At nang bumukas ang pinto ay si Bryan ang bumungad. Si Bryan na nakakabatang kapatid niya.
"Hi! Kuya. Anong iniisip mo dyan?" tanong kaagad nito sa kanya.
"You look weird," nakangising usisang wika pa nito.
"mukha yatang ang lalim ng iniisip mo, ah? Hindi naman siguro si Andrea iyan kasi kinasal na siya,'' Dugtong pa nito sabay upo sa bakanteng upuan.
"Hindi, Bry. May nakilala kasi akong babae---'' hintong sabi ni Richard.
"Bry! may ipapahanap akong babae at gusto ko na gawin mo ang lahat para magtrabaho siya sa kompanya natin," seryoso ang mukhang utos niya.
Kumunot-noo ni Bryan at natawa sa inasta ng kausap.
"Are you serious kuya?" naitanong niya.
"Yes! I'm serious. Gusto kong mapalapit sa kanya," seryoso ang mukhang saad ni Richard.
"Wow! tinamaan kana yata bro!" hangang wika ni Bryan na may nakakalokong ngiti sa labi.
"Do your job Bry! magaling kang maghanap ng nawawalang tao, so...I trusted you,'' ngiting sabi ni Richard na ikina-iling ng huli.
"Okay, so... who is the lucky girl?" koryusidad na tanong ni Bryan.
"Amanda Lopez," walang pag-atubiling sagot ni Richard.
"Okay, pero wag ka masyadong umasa na mapapa-oo ko siya, kasi kilala mo naman ako. Maikli lamang ang pasensiya ko at hindi ko ugaling magmakaawa sa babae," paalalang wika ni Bryan.
"Don't worry, Bry! kapag umayaw siya, ako na mismo ang makikiusap at gagamitan ko ng santong paspasan," pilyong wika ni Richard.
Naiiling na sumagot si Bryan habang nakangisi nakatingin sa kapatid.
"Kaya ka hindi sinagot ni Andrea eh, masyado kang mabilis, hindi mo manlang pina-init,"
"I'll go ahead kuya at hahanapin ko pa si lucky girl. Gusto kong makilala ang nakaagaw ng iyong pansin," wikang saad ni Bryan pagkatapos ay tumalikod at lumabas na ito ng bahay.
LUMABAS ng bahay si Amanda at nagtungo sa Super Market upang mamili ng mga kailangan niya sa bahay. Suot nito ang Shadow Black Double-Layer Hood at pinaresan niya ng black jeans, at eto ang gusto niyang ayos kahit pa na tanghaling tapat. Natatakot rin siyang makilala ng mga taong nakilala niya dahil sa bar siya nagtrabaho ng matagal.
''Sana lang mabilis lamang ang pagtakbo ng panahon,'' naiusal niya sa sarili.
Balak niyang mangibang bansa at kakalimutan na ang lahat ng mga nanyari sa kanyang buhay. Kasama na doon si Richard.
''Hayst! sana lang hindi na kami muling magkita pa,'' naisatining ng kanyang isipan.
Pagkapasok niya sa Super Market ay may napansin siyang lalaking panaka-naka ang tingin sa gawi niya, kung kaya't nagmadali siyang naglakad at pumunta ng counter at agad na binayaran ang lahat ng pinamili nito. Nagmamadali siyang naglakad palabas pagkatapos niyang bumayad.
Huminto sa tapat niya ang isang cab na kaagad niya namang sinakyan at dali-daling ipinasok ang mga pinamili sa loob ng taxi. Noong nakalayo na ang sinakyan niya ay palinga-linga siya sa paligid at napansin niyang wala na ang lalaking nakasunod sa kanya. Napahinga siya ng maluwag dahil dun kung kaya't mariin siyang napa-pikit ng mata.
''Sino, kaya ang lalaking 'yon? Bakit lagi niya akong sinusundan kanina? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong pinagkakautangan, maliban nalang sa last client ko sa bar na pinalo ko ng vase sa ulo. Sino kaya 'yon?'' litong-litong niyang naitanong sa sarili't naiwan sa pag-iisip kung bakit siya sinusundan.
Napabuntong hininga na lamangs siya't pagkatapos ay ibinigay nito ang address ng kanyang bahay sa taxi driver.
Pagdating niya sa bahay ay ganun na lamang ang kanyang pagtataka dahil may lalakingg nakatayo at naka-abang sa tapat ng kanyang boarding-house.
"Sino naman kaya ito?" kunot-noong tanong niya.
''Imposible namang manliligaw, dahil wala akong manliligaw. Hindi rin ako nagpapaligaw at lalong wala akong pinagbigyan ng address ng bahay ko,'' nagtatakang aniya.
Pinagmasdam niya muna ang lalaki at ng makita niyang papalapit ito ay taas noo niya itong sinalubong.
NANG mapansin ni Bryan ang nakaparadang taxi ay naglakad ito patungo roon, kanina pa siya nag-aabang at mukhang nirayuma niya ang kanyang paa kakahintay. Bumaba mula sa loob ng sasakyan ang babaeng hinahanap niya, sumilay sa labi niya ang ngiting nakakaloko.
Pinasidahan niya ng titig ang mukha ng babae at dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na shades. Natural ang ganda ng babae, mapupulang-pisngi, mala-rosas ang kulay ng labi na alam niyang walang bakas ng lipstick, and he totally amazed.
This girl is georgeous and beautiful.
"Now I know, kung bakit hindi mapakali si kuya," naibulong niya sa kanyang isipan.
Nilapitan niya ito at inilahad ang palad patungo sa babaeng nakatitig sa kanya ng nakataas ang kilay.
"I'm Bryan Avelino, nakakabatang kapatid ni Richard Avelino...'' pagpapakilalala niya rito. "And you are?" pagpapatuloy niya.
Pagkarinig palang ni Amanda ng pangalan na Richard Avelino ay nakaramdam ito ng kaba at hindi mapakali, ngunit pinilit niyo na hindi magpahalata at nakipagkamayan sa kaharap.
"I-I'm Amanda Lopez, anong maipaglilingkod ko? Anong maitutulong ko?" tanong nito kanya.
Lumawak ang pagngisi ni Bryan at bahagyang inayos ang sarili.
"Sa akin wala, pero sa kuya ko ay malaki ang maitutulong mo. Here's my calling card, please call me anytime. Kung gusto mo pag-usapan na natin ngayon, ora-mismo sa loob ng bahay mo," wika ni Bryan na may matamis na ngiti sa labi.
Lalong napaangat ang kilay ni Amanda sa sinabi nito.
"Im sorry Mr. Avelino. Pero, busy kasi ako ngayon at marami pa akong gagawin. Salamat nalang, tatawagan na lamang kita pag hindi na ako busy," pagdadahilan ni Amanda.
Pagkasabi ni Amanda niyon ay dali-dali itong pumasok ng bahay at iniwan siyang mag-isa.
Lukot ang mukhang naisundan niya ng mata ang pintuang nakasara.
"Anong problema nag babaeng 'yon? Parang sinisilihan ang pwet ng binanggit ko ang pangalan ni kuya, nagmamadaling pang pumasok sa loob ng bahay,''
''Hmp, I smell something fishy..." nangingiting wika niya sa kanyang isipan.