Napabuntong hininga ako habang pinapasadahan ko nang tingin sa huling pagkakataon ang malaking bahay sa harapan ko. Apat na taon din akong namalagi dito kasama ang grandparents ko, at si Kuya Reiven. At ngayon ay handa na akong lisanin ito at balikan ang iniwanan kong bansa. Uuwi na ako. "Bibisita ka ng madalas ha, hija." sabi ni mami at saka yumakap sakin. Tumango ako at yumakap pabalik. "Dadi, Mami, mag iingat po kayo rito. Mamimiss ko po kayo." Niyakap ko pa silang dalawa. "Drop the drama, nababagot na ang pogi mong driver." sabat ni kuya Reiven na maghahatid sakin sa airport. "Hala sige na sumakay kana at baka maiwan ka ng eroplanong sasakyan mo." utos ni dadi Muli ko silang niyakap saka ako sumakay sa passenger seat ng kulay blue na kotse na nasa harap ko. Muli akong kumaway k

