"Akala namin di ka na pupunta." ani Hyun at nanulis ang nguso "Sus! Puwede ba yun? Saka alam n'yo namang lagi akong late diba?" pabirong sabi ko pa Nagtungo na kami sa pool ng guest house, pinaupo pa nila ako sa round table at saka ipinaghain ng pagkain. Nagsimula na kaming kumain at magkuwentuhan tungkol sa mga plano namin sa bakasyon. "Ikaw Kila, anong plano mo?" tanong ni Rye "Magbabakasyon sa Swit." "Alam mo, good choice na lumayo ka muna, kahit pa mamimiss ka namin." ani Kurt at ginulo ang buhok ko "Uso naman videochat ah, saka magkakasama parin naman tayo sa college, diba?" tanong ni Miel Napabaling naman silang lahat sa akin, naghihintay ng sagot. Bahagya lang akong ngumiti. "Luh! What's the meaning of that smile? Mahirap ba umoo?" Tinaasan pa ako ng kilay ni Kian. Napabun

