Story By TinkerNabi
author-avatar

TinkerNabi

ABOUTquote
Keep THINKING and Start WRITING!!! THANK YOU FOR VISITING MY ACCOUNT!!! I hope you all support me ♥Xoxo♥
bc
Finding The Missing Piece
Updated at Oct 24, 2022, 19:02
Paano kung tumakas ka sa sindikato na kumidnap sa ’yo? Pero sa pagtakas mo mapupunta ka din pala sa isang grupo din ng sindikato. Tulad nang nangyari kay Efrim, sa pagtakas nila sa mga sindikato ay nabaril s’ya. Sa pag-aakala na katapusan na niya ay wala na s’yang nagawa kundi pumikit na lamang, ngunit sa muli niyang pagdilat ay nasa kamay na siya ng isang matinik na lider ng mga sindikato. Kinupkop s’ya nito at inalagaan na parang tunay na anak, at yung ina-akala niya na magiging maayos na ang buhay niya, saka naman dadating ang ang isang tao na magpapagulong muli ng sa inaakala niyang maayos na buhay. Ang babaeng una niyang minahal, na nalalagay sa panganib ang buhay dahil din sa mga sindikato.
like
bc
My Heavy Love (Completed)
Updated at Jul 31, 2022, 15:17
Sa panahon ngayon napaka common na lang na problema sa isang babae ang pagiging mataba... Marami na ang katulad ko, mas marami na nga ang tulad kong babyana, kumpara sa barbie body dahil kaunti na lang sila, kame paparami na ng paparami pero bakit parang hindi tumatalab sa akin ang katagang "Chubby is a new sexy" Bakit ba ang sakit pakinggan lalo na kapag sa mismong bibig ng lalaking lihim mong hinahangan maririnig ang mga masasakit na salita na kung sa ibang tao manggagaling ay walang namang epekto? bakit kapag sa kanya, tagos hanggang bilbil ko? Ako si Dana ang tinaguriang pound for pound queen sa aming school dahil sa sobrang laki ng kanyang katawan ko, na may lihim na pagtingin sa aming campus crush at top student na si Jean Claude. Pero simula nang umamin s’ya at ipagtapat niya sa lalaki ang pagkagusto niya dito ay wala na s’ya ibang narinig kundi ang mga masasakit na salita at panlalait nito sa kan’ya. Halos araw-araw na lang na ginawa ng makapal, wala na s’yang narinig na maganda mula dito. Pero ano ito? mukhang bumabaliktad na ata ang mundo dahil bigla ito’ng naging mabait at malabing sa kanya?
like
bc
Miss Tomboy (Completed)
Updated at Feb 19, 2022, 07:28
Yung tipo na first time mong mararanasan ang lahat pag-dating sa pag-ibig, bumilis ang tibok ng iyong puso tuwing nalalapit ka sa kan’ya, yung lihim kang mapapangiti sa tuwing nakikita mo s’ya, na kahit madalas kayong mag-away pero masaya ka pag-masaya s’ya. Yung ganitong nakakalitong pakiramdam na hindi mo maintindihan basta ang alam mo masaya ka na kasama siya. Pero kailangan din ba na kasama sa first time mo na maramdaman ang sakit na hindi ka niya magugustuhan, dahil hindi pa rin nito makalimutan ang kasintahang matagal na siyang iniwan? Yung sinasabi ng iba na masaya, pero bakit na sasaktan ka?
like
bc
Vanishing Memory (Completed)
Updated at Dec 31, 2021, 06:04
Si Miles ay maagang naulila sa ina sa edad na 8 taong gulang, dahil sa lungkot na kaniyang nararamdaman ay binaling niya sa pagtingin ng mga lumang bagay ang lungkot na nadarama at sa pagpunta punta niya sa antique shop ng kaniyang Lolo ay mas marami siyang nalaman at nagustuhan niyang mapag-aralan ang mga lumang bagay at nag desiyon na kuning kurso ang pagiging isang archaeologist Simula ng maging intern si Miles sa isang private company at mapasama ang kaniyang team sa isang project na inorganisa ng kanilang kumpanya, dito niya makikilala si Lance na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag sa tuwing sila ay magkasama Nang makarating sila sa location ng kanilang project ay may kakaibang panaginip si Miles na tila ba nag time travel siya, sa una ay inakala niyang simpleng panaginip lang ito ngunit pa ulit ulit lang itong nangyayari sa kanya at para siyang gising na napadpad lang sa ibang lugar, sa kanyang panaginip makikilala niya si Landro Si Landro na sobrang kamukha ni Lance pero ibang ibang ang ugali nito sa Lance na kasama niya sa Sierra Madre kung saan ang kanilang project location, Si Landro ay mabait, caring, sweet at higit sa lahat ay mahal na mahal siya, samantalang si Lance ay hindi niya maintindihan ang ugali o kung bipolar ito dahil madalas na lang masama ang tingin nito sa kanya na para bang may ginawa siyang mali dito, pero minsan din ay mahahalata mo na nagaalala din ito, dahil din sa pinapakita nitong pag-aalala ay nahulog ang kanyang loob sa lalaki Pero naguguluhan siya sa kanyang nraramdaman dahil mahal na rin niya ang lalaking sa panaginip lang niya nakikita, at mas lalong nag pagulo ng kanyang sitwasyon ay nang malaman niya na may asawa na si Lance na sobrang kahawig niya, kung sa panaginip niya ay siya ang asawa ni Landro sa realidad naman ay kahawig niya ang asawa ng lalaking lihim niyang minamahal"
like