Mahilig po akong magsulat ng mga kuwentong kakaiba- mga istoryang nakakakilig, nakakalibog pero hitik sa aral ng buhay. Halina\'t tayo ay magbasa ng mga aklat na tiyak na magdadala sa inyo ng init ngunit magpapaiyak din at magpapakilig din sa huli.
Ako si Angel Castillo. Isang mabuti at mapagmahal na asawa. Umibig ako kay Joaquin at nagpadala sa mga pangako nito at matatamis na salita. Iniwan ko ang aking pangarap at masayang buhay para sa kanya. Pero nang ako ay kanyang pakasalan ay ginawa akong alila at pinagtaksilan ng harap-harapan. Wawakasan ko na sana ang buhay ko ngunit iniligtas ako ni Giordan Abuello. Sa tulong niya ay babangon akong muli. Naglaho ako ng isang taon at inakala ng lahat ay tumalon ako sa tulay at nagpakamatay. Pero babalik ako para gantihan ang taksil kong asawa, ngunit hini bilang si Angel Castillo. Kundi sa aking bagong katauhan bilang si GELLA ABUELLO.
Ako si Giordan Abuello. Isang lalaking nagparaya para sa kinabukasan ng pamilya. Pinabayaan ko ang aking sarili at inuna ang kapakanan ng aking anak at asawa. Pero sa bandang huli ay iniwan pa rin ako ni Melissa. Nilisan niya kami ni Garett dahil sa kahirapan at busabos kong hitsura. Mula noon ay isinara ko na ang puso ko sa babae at sinikap kong umangat. Akala ko ay tuluyan ng makakandado ang puso ko habambuhay. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala ko si Angel. Ang anghel sa lupa na gaya ko ay pinagkaitan ng tadhana. Makakayanan pa kaya naming magmahal muli kahit sugatan na ang puso namin sa pagdurusa?
Ako si Lieutenant Blake Marshall—Platoon Leader ng Special Action Force (SAF) Bulacan Chapter at bunso sa tatlong magkakapatid na lalaki. Dahil sa Royal Canadian Air Force (RCAF) nagtatrabaho ang aking ama, lahat kaming magkakapatid ay sumunod sa kanyang yapak. Magkakapareho man ang landasing tinahak, tanging ako lang ang nagkaroon ng interes na maiwan dito sa bansa at mangalaga sa aming ari-arian.
So in short, I am living luxuriously in our big mansion while serving the country by leading a team that handles high-risk operations such as counter-terrorism, hostage rescue, combatting organized crime, and peacekeeping in conflict areas.
Sanay ako sa mga atensyon ng mga babae. I stand six feet and two inches tall with blue eyes, so I know I grab everyone’s attention every time. But who’s to blame? I have a Canadian dad. I also have the kind of build that speaks for itself—broad shoulders and well-defined muscles resulting from hard work and discipline. I carry myself confidently, calmly, and unapologetically 'me.'
Ngunit sa kabila ng katotohanang pinag-aagawan ako ng lahat ay nabighani ang puso ko ng isang babaeng nagngangalang Lara Garcia. Maganda, responsableng kapatid at ubod ng bait.
Pero papaano ko mapapaibig ang babaeng pinapangarap ko kung ito ay isang "girlfriend for hire?"
Si Camilla Pascua ay isang 19 taong gulang na panganay sa limang magkakapatid na kanyang iniwan sa La Union para makipagsapalaran sa Macabebe, Pampanga. Namamasukan siya bilang isang kasambahay ngunit hindi pinalad sa trabaho. Inagos siya ng tadhana sa tukso ng kutitap ng Seducia Bar—isang sikat na bahay-aliw sa Red Street (Angeles City, Pampanga). Namasukan siya dito bilang serbidora at kinupkop naman siya ng isa sa mga G.R.O. ng club na si Violet. Makikilala niya sina Tonio, ang tahimik na bouncer ng bar at si Roger, isang Amerikano na s*x partner ni Violet. Tatawirin niya ang masalimuot na mundo ng pagnanasa sa piling ng dalawang lalaki at sa nakakubling pangil ni Violet laban sa kanya.
Hanggang saan siya mapapadpad kung sa mura niyang edad ay mabibitag na siya sa tukso ng tawag ng laman? Makakayanan pa kaya niyang umahon sa patibong ni Violet at sa alindog ni Roger para mahanap ang tunay na pag-ibig sa piling ni Tonio?
Limang istorya ang nakapaloob sa librong ito. Ang unang kuwento tungkol kay Camilla ay pinamagatang, "SILIP AT SISID."
AKO SI KHALIL ALONZO.
Isang dalubhasang duktor na may triple board certification, specializing in trauma, cardiothoracic, and pediatric surgeries. Ngunit sa kabila ng aking maningning na titulo ay nagpapanggap akong isang normal na duktor sa isang hospital.
Tama, isa akong duktor sa umaga.
Ngunit pagsapit ng gabi ay may iba akong katauhan.
DAHIL AKO DIN SI BLACKBIRD.
Isang male entertainer sa isang prestihiyosong strip club, tagabenta ng male adult videos at nagbibigay-aliw sa mga hayok sa laman tuwing gabi.
Isang manggagamot ng katawan sa umaga, at tagaturok ng mga uhaw sa maskuladong katawan sa gabi.
At paminsan-minsan, naghihilom ng sugat ng mga taong may mapait na nakaraan.
Bakit ko ito ginagawa?
Tara. Samahan mo ako. Para malaman mo.
Si Grace Lyne Smith (Gigi) ay ipinanganak sa Lipa, Batangas bilang nag-iisang anak ni Grasilinda, isang bilyonaryong may-ari ng malawak na taniman ng puno ng kape. Ngunit nang ito ay nagka-isip ay pumayag ang kanyang ina na palakihin siya sa puder ng kanyang ama na isang mayamang negosyante sa Pampanga upang mabigyan ito ng pagkakataong makapag-aral ng maayos at matuto sa buhay sa siyudad. Doon niya malalaman na isa pala siyang anak sa labas ng kanyang ama at titira sa iisang bubong kasama ang kanyang kapatid na si Bridgette. Ang kapatid nito ang maghahatid ng hirap at pasakit sa kanyang buhay dahil mag-aagawan sila sa kumpanyang iniwan ng kanilang pumanaw na ama. Guguluhin din ni Bridgette ang relasyon nito kay Miggy sapagkat siya ang unang umibig sa binata, ngunit mahuhulog ang loob ng gwapong pintor kay Gigi.
Lalo pang magiging masalimuot ang kani-kanilang mga buhay dahil lahat pala sila ay reinkanasyon ng tatlong nilalang na nabuhay noong 1800s, sa panahon ng pananakop ng Kastila sa Pilipinas. Nasa katauhan ni Gigi ang kaluluwa ni Graciella, ang bunsong anak ng mayamang si Don Victoriano. Tanyag ang kanilang angkan sapagkat napakabuti ni Don Victoriano sa mga tao. Marami siyang tinutulungang mga pamilya noon na naghihirap sa pamamalakad ng mga mananakop. Namana ni Graciella ang butihing puso ng kanyang ama kaya’t marami ang nahuhumaling sa kanya, lalo na’t itinuturing na wangis ng anghel ang kanyang hitsura.
Dahil nasungkit ni Graciella ang puso ng mga mamamayan sa kanilang bayan, uusbong ang selos at galit sa kalooban ni Leonora, ang nakatatandang kapatid ni Graciella. Mapupuno ng paghihiganti ang kanyang puso nang napag-alaman nito na ipinamana ang pamamalakad sa hacienda kay Graciella ng pumanaw niyang ama. Susukob din ang paninibugho sa puso ni Leonora dahil masusungkit ni Graciella ang puso ng kanyang pinakamamahal na si Miguelito. Sinuyod ni Leonora ang lahat ng paraan upang makamkam niya ang pinaniniwalaan niyang dapat ay sa kanya na napunta kay Graciella. Dahil sa sukdulan ang galit nito sa kanyang kapatid ay magtatangka itong paslangin si Graciella kasama si Miguelito. Malalaman naman ito agad ng magkasintahan at susubukan nilang tumakas sa kanyang masamang balak, ngunit magtatagumpay si Leonora sa kanyang hinahangad. Bago malagutan ng hininga si Miguelito ay nag-iwan siya ng pangako kay Graciella na hahanapin at iibigin nito ang dalaga hanggang sa susunod niyang buhay. Binaril din ni Leonora ang kanyang kapatid sa araw na iyon.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling magigising si Graciella sa katauhan ni Gigi sa taong 2024. Sisikapin nitong pag-aralan ang modernong pamumuhay bitbit ang misyong hanapin ang katauhan ni Miguelito dahil nangako itong siya pa rin ang kanyang iibigin hanggang sa susunod nilang buhay.
Babalik ang kaluluwa ni Miguelito sa katauhan ni Miggy, ang gwapong pintor, ngunit wala itong matatandaan sa kanyang nakalipas. Ngunit gaya noong 1800s, iibig pa rin ito kay Gigi ng hindi nalalaman ang kanyang nakaraan.
Mapupunta naman ang kaluluwa ni Leonora kay Bridgette, ang nakababatang kapatid sa ama ni Gigi. Siya ang magiging balakid sa pag-iibigan nina Miguelito at Graciella sa katauhan nina Miggy at Gigi sa kasalukuyang panahon at magpapahirap sa buhay ng kapatid nito. Susubukan niyang muling agawin ang lahat kay Gigi sa pangalawang pagkakaton.
Ngunit paano mahahanap ng dalawang magkasintahan ang isa’t isa kung tanging si Gigi lamang ang nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao? Tatawirin ba ng wagas na nagmamahal ang kabilang buhay upang muling makapiling ang iniibig? Muli bang itataya ng umiibig ang kanyang buhay para sa kapakanan ng isa?
Si Nathaniel Gonzales (Nate) ay lumaki sa hirap sa piling ng kanyang ina. Sa mura niyang edad ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay dahil sa kahirapan. Iniwan sila ng kanyang ama nang sumama ito sa mayamang negosyante papuntang Maynila. Dahil dito, tumayong haligi at ilaw ng tahanan ang kanyang ina upang maitaguyod siya at ang kanyang pag-aaral. Second year high school siya nang namatay ang kanyang ina at siya ay nag-iisang anak. Halos gumuho ang mundo ni Nate nang iwan siya ng kanyang kinagisnang magulang sapagkat mahal na mahal niya ito at hindi niya alam kung paano magpatuloy sa buhay. Ngunit hindi ito nagpadaig sa kapalaran. Pinagsabay nito ang pagtatrabaho at pag-aaral hanggang makapagtapos. Lumuwas ito ng Baguio upang doon ay makapagtrabaho. Dito niya nakilala ang kanyang Korean Manager na si Henry Park at ang estudyante niyang si Caleb Kim.
Napakaraming mga dilag ang magkakagusto sa kanya sa kanyang angking talino at kagwapuhan ngunit tila mag-iiba ang ihip ng pagmamahal sa kanyang puso nang makilala niya ang dalawang lalaki.
Maaari kayang umibig ang isang straight na lalaki sa kapareho niyang kasarian? Halina’t basahin ang kanyang kuwento dito sa LOVE, BAGUIO.