It Doesn't Matter (Love'sPain Duology) Book 2
Patay na patay si Ingrid Lou Genevieve kay Pierce Key Fourth. Pero kahit na anong papansin niya sa binata ay hindi siya nito mapansin. Ang tingin sa kanya ni Pierce ay isa lamang bata dahil walong taon ang agwat nila at napakalabong maging sila. Lalo na si Pierce ay kaibigan ng kanyang ama, kaya naman parang tiyuhin na niya ang binata. Para kay Ingrid ay gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito, pero paano na lang pala kung hindi talaga siya kayang mahalin nito? Susuko na ba siya o ipaglalaban pa rin niya ang pagmamahal kahit na malabong maging sila?
Painful Love (Love's Pain Duology) Book 1
Si Astriece Euryce Belarine ay kasal kay Persius Syd Fourth, ngunit hindi maganda ang takbo ng kanilang pagsasama. Si Persius ay may ibang kasintahan at ito ay si Kenney Bleir.
Minahal niya ang babae dahil sa kung anong kabaitan at simple nito. Samantalang si Astriece naman ay kabaligtaran nito, masama ang kanyang ugali at walang alam sa buhay.
Patay na patay siya kay Persius ngunit hindi siya mahal ng lalaking ito. Para kay Astriece, gagawin niya ang lahat para maging kanya si Persius.
Pero ano na lang ang gagawin ni Astriece kung si Kenney ang magtuturo sa kanya na maging mabuti tao at ituro sa kanya ang mga bagay na hindi niya alam?
Magawa pa niya kayang kamuhian ang dalaga o hindi na?
Pipirmahan na ba ni Astriece ang divorce papers para maging masaya ang dalawa o gagamitin niya ito para makuha niya ang puso ng taong minamahal niya?