Klaire’s POV Mag-isa akong pumunta sa address na ibinigay sa akin ng mga kidnapper, bitbit ang tatlong bag na puno ng pera. Halos nahirapan akong kumilos sa sobrang bigat. “Nandito na ang pera na hiningi niyo at ang testamento para sa kumpanya ko. I want my triplets back!” May lumabas na lalaki, nakasuot 'to ng itim na mask. “Kumpleto ba iyan?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking lumapit. Hindi ko siya makilala, ngunit may something sa kanyang mata na hindi ko maipaliwanag. “Ang testamento,” sagot ko, iniwas ang tingin. “Nasa loob ng isa sa mga bag. Pati ang perang hiningi niyo. Ngayon, ibalik niyo na ang mga anak ko!” Tumawa siya, ngunit walang saya sa tinig niya. “Hindi mo pa ba naiisip, miss, na hindi lang ito basta-bastang palitan ng pera at mga dokumento? Mas mal

