ADOLPHO “Pasok!” Malakas akong itinulak ng lalaki papasok sa kulungan. Masama ko itong tinitigan dahil kamuntikan nang tumama ang mukha ni Linda at Hazel sa bato. Mabuti na lang at nahawakan ko ang dalawa. “Papasok naman kami, hindi mo na kami kailangan pang itulak!” inis kong singhal sa lalaki na akmang hahampasin pa sana ako ng hawak nitong kahoy, ngunit pinigilan iyon ng babaeng ngayon ay may hawak ng sanggol. Oo, nakuha nila sa akin ang sanggol. May mga tao talaga na gusto nila na sila lang ang mas makapangyarihan at mas mataas sa kanino man, ayaw nilang nalalamangan sila. Dahil sa kapangyarihan ay tatraydorin nila ang mga kasamahan nilang tumulong sa kanila. “Simula sa araw na ito ay magiging anak na kita,” malambing nitong ani sa sanggol sabay tingin sa akin. May kung ano sa kaniy

