Lahat sila na mga nasa ibaba ay pawang nakatingin sa amin ni Jerson habang bumababa kami ng hagdanan. May isang mukha roon na pilit kong inaalala kung saan nakita dahil sa pakiwari ko’y nakita ko na siya. Namumukod tanging kakaiba talaga siya sa lahat ng mga taong naroon na pawang nakatingin lang. Hindi ko tuloy maalis-alis ang tingin ko sa kaniya dahil panay ang pagluha ng mga mata niya habang panay naman ang bulong ni Mommy Annalyn. Pakiramdam ko tuloy ay tinutusok na rin ang puso ko sa nakikitang kalungkutan at matinding emosyon sa mukha nito. Masuyong inalalayan ako ni Jerson sa bawat paghakbang ko hanggang sa tuluyan naming marating ang huling baitang ng hagdan. Hindi pa man kami nakakahakbang palapit sa kaniyang mga magulang ay tumakbo na sa kinatatayuan namin ni Jerson ang gi

