Hindi ko alam kung bakit aligaga ang mga tao rito sa bahay mula pa kanina pagkatapos naming kumain ng lunch. Nang tanungin ko si Jerson bago siya umalis, ang sabi niya lang ay hayaan si Mommy Annalyn sa kanilang ginagawa. Naglilinis lang daw kasi ang mga ‘to ng bahay at may parating daw silang bisita. Ang weird lang kasi sa pakiramdam ko na habang naglilinis ang mga tao rito ay panay naman ang ngiti nila sa’kin na animo’y may kung anong espesyal. “Mom...” tawag pansin ko sa ina ni Jerson. “Yes, Sweetie?” nakangiti niyang tugon sa’kin. Ito na ang madalas niyang itawag sa’kin mula nang malaman nila ang buong katotohanan tungkol sa amin ni Jela. Wala raw akong kailangang ikahiya sa kanila sa kung anuman ang nagdaang nakaraan sapagkat tunay nilang apo si Jela. Mahal daw ako ni Jerso

