Masaya naming pinagsaluhan ang hapunang inihanda ni Mommy Annalyn para sa pagtatagpong ito. Ito pala ang dahilan kung bakit sila abala at halos ayaw akong patulungin sa paggawa. “Laura...” Nilingon ko si Mama Lani na kanina’y abala sa pakikipag-usap kay Mommy Annalyn. “Ma...” nakangiting turan ko. “Salamat at tinanggap mo kami ng papa mo,” madamdaming wika nito. Masuyong hinawakan ko ang kamay niya saka dinala ko iyon sa tapat ng aking labi. “M-ma...” Hindi ko naiwasang gumaralgal ang aking tinig. “Hindi makabubuti sa anak natin ang palaging umiiyak lalo pa’t buntis siya,” sabad ni papa na bigla na lamang sumulpot sa aming tabi. Matamis na ngumiti ako at saka pilit nagsalita kahit pa tila may nakabara sa aking lalamunan. “Palagi kong dinarasal sa Panginoon na sana’y buhay pa an

