Wala na akong ibang mahihiling pa dahil kumpleto na ang pamilyang kaytagal na panahon kong inasam sa buhay. Napaka-supportive ng mga magulang ko at parati silang narito sa bahay upang bisitahin kami. Sa tuwing sasapit ang araw ng Linggo ay sama-sama rin kaming nagsisimba. Ano pa nga ba’ng hihilingin ko gayong ipinagkaloob na sa’kin ng Diyos ang buhay na hindi ko na inaakala pang magkakaroon ng katuparan. Mula sa pagsisimba, dumaan muna kami ni Jerson sa grocery upang mamili ng mga pagkaing dadalhin sa foundation. Na kay mama at papa si Jela upang mauna na silang umuwi. Hindi kasi pwedeng hindi mabili ang mga kailangan ng mga bata dahil gagamitin nila iyon. Lahat ng mga batang nakapisan sa foundation ay itinuturing na naming mga anak. Kumuha ako ng ilang pack ng gatas, biscuits, at mga

