Maagang umalis si Jerson at may meeting siyang dadaluhan sa ibang bayan kung kaya hindi niya na ako sinama pa roon. Si Jela naman ay naroon na kina mama at papa sapagkat maaga pa siyang kinuha rito sa bahay. Naisipan kong sumama kay Manang Diday papuntang palengke upang maalis ang aking pagkainip. “Nakakatuwa naman mamili rito Manang, ang daming sariwang isda. Pati mga gulay at karne ay puro sariwa rin,” aniko. “Ay opo! Iyan kasi ang kailangan mo lalo pa’t buntis ka,” tugon naman ni Manang Diday. “Salamat po, Manang Diday.” Yumakap pa ako sa matandang kasambahay namin. Nang una ay ayoko pa sanang kumuha ng kasambahay dahil kaya ko namang gawin ang gawaing bahay ng mag-isa. Sanay naman akong gawin iyon lalo pa at lumaki ako bilang alila nila Tiya Dolores kahit na anak akong ituring

