Kabanata 7: Kamatayan

1280 Words
Nathaniel's POV "Kamusta? Nahanap mo na ba?" Yan ang makailang ulit na tanong sakin ng kaklase kong si Vince. Kasalukuyan kaming nasa library ngayon at naghahanap ng kasagutan para sa assignment namin. Nakakainis lang at hindi ko pa rin ito mahanap hanggang ngayon sa librong kinuha namin. Weird. Alam kong tama ang librong kinuha ko pero nakapagtataka lang dahil tila wala naman yata dito. Nakakabwisit talaga. Ilang beses ko nang pinaglipat-lipat ang pahina para makita kung saang page pero wala talaga. Kakaiba talaga dito sa paaralang ito. "Ayoko na. Suko na 'ko." iritang sabi ko bago nilapag ang libro sa lamesa sa pwesto ng kinauupuan namin ni Vince. Tinawanan niya lang ako. "Anong nakakatawa?"inis na tanong ko. Nagawa pang tumawa. Bwisit talaga 'tong kumag na 'to. Sarap sapakin sa mukha. "Mali kasing libro ang nakuha mo pre." natatawang sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Sh*t. Seryoso ba siya? Pinagtitripan lang ata ako nito eh. "Pagmasdan mo maigi." Itinapat niya sa mukha ko ang librong kinuha ko. Pinagmasdan ko ito gaya ng sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang malamang mali ngang libro ang nakuha ko. Nakapagtataka. Alam kong tama yung librong nakuha ko. Kaya papaanong nangyaring ibang libro pala ito? Mukhang pinaglalaruan ako ng kung sino. "Nakita mo na? Sige, ako na bahala. Kumopya ka nalang sakin bukas. Mauna ka nang umuwi. May gagawin pa ako mamaya eh. May inutos sakin ang guro nating si Mr. Alfredo Lacsima." "Ganon ba?" Bigla akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Ramdam kong may nakatingin saming dalawa ni Vince. Kinabahan na lang ako sa di malamang dahilan. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari sa kaklase ko kapag iniwan ko siya. Sana'y nagkamali lang ako. "Hindi ka pa aalis?" tanong niya. Naglilipat na siya ngayon ng pahina sa librong kinuha naman niya. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanya. At ayokong nalalagay sa panganib ang mga kaibigan ko. "O-oo. A-alis na." Wala na akong ibang nagawa. Batid kong gusto niyang mapag-isa kaya lumabas na ako ng naturang library. Paglabas ko nama'y isang malamig na hangin ang sumalubong sakin. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Nakakakilabot. Wala na masyadong mga estudyante. Nagsi-uwian na ang iba dahil dapit-hapon na. Wala akong balita kung nasaan ang tatlo kong kaibigan. Bukod sa bawal ang gadget dahilan upang hindi ko sila ma-contact, ay hindi pa kami nagkikita-kita mag-iisang linggo na. Nakakamiss rin pala kapag hindi mo sila nakakasama. "Nathaniel." Nagpalinga-linga ako sa paligid nang marinig kong may bumanggit sa pangalan ko. Heto na naman. Bwisit. Sino ba yung taong 'yon? Anong kailangan niya sakin? Napapaisip tuloy ako. Ano bang meron sakin? Vince's POV Hindi ko mapigilan ang matawa habang inaalala ang nangyari sa kaklase kong si Nathaniel. Ano kayang nangyari sa kanya? Tamang libro daw ang nakuha niya pero hindi naman. Haha. Nakakatawa talaga ang baliw na 'yon. Kinakain na ng sistema niya. "Sa wakas. Tapos na rin." sambit ko nang matapos na ako sa pagsusulat. Nakakapagod talaga. Napaka-haba pala ng bwisit na assignment na 'yon. Nanghina bigla ang braso at kamay ko. Nakakairita. Nilagay ko na sa loob ng bag ko ang aking kwaderno at panulat. Binalik ko na rin ang librong kinuha ko sa lagayan nito dati. Ewan ko ba pero hindi talaga ako makatingin ng diretso sa librarian dito na si Miss Rowena. Nakakaewan. Kakaiba ang mga titig niya sakin. Kahit kanina pa nung magkasama kaming dalawa ni Nathaniel. Hindi ko maintindihan. Gulong-gulo na rin ang utak ko sa mga kakaibang nangyayari. "Kamatayan." Kinilabutan ako bigla sa kinatatayuan ko nang marinig kong magsalita ang librarian. Ang tono ng pananalita niya. Ibang-iba. May halong pananakot. Ano kayang sikreto niya? Binalewala ko na lamang iyon at lumabas na ako ng library. Ayoko pang mamatay. Ayokong patayin ang sarili ko sa takot dahil sa librarian na iyon. Nakakakilabot siya. Hindi lang naman siya eh. Lahat sila. Lahat ng mga nagtatrabaho dito sa Celestino University. Maliban sa aming mga estudyante. Kami lang ang normal dito sa palagay ko. "Gawin mo na ngayon ang pinag-uutos ko." Napalingon ako bigla sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Mr. Alfredo. Oo nga pala. Ang utos niya. Nakalimutan ko. Bwisit. Ayokong maparusahan. Nawala rin bigla sa isip ko. Kung anu-ano na lang kasi ang naiisip ko sa mga oras na ito. Nakakapagod. Gusto ko na magpahinga. "Sorry sir. Gumawa pa po kasi ako ng assignment sa algebra." "Ayos lang. Pumunta ka na ngayon rin sa may balon. Malapit lang doon yung kahon na sinasabi ko. Kunin mo iyon at dalhin sa office ko. Maliwanag ba?" Tumango lang ako sa kanya. Nginisian niya lang ako bago siya naglakad palayo. Pambihira. Nakakakilabot talaga siya. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Masyadong mahirap basahin. Bukod sa hindi ko siya matitigan sa mata ay hindi ko pa siya lubusang kilala. Napaka-misteryoso ng katauhan niya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsimulang maglakad papunta sa may balon na sinasabi ni Mr. Alfredo kanina. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung bakit nga ba niya ako pinapapunta doon. Alam kong bawal ang mga estudyante doon. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Sana hindi ko pa katapusan. Lahat ng mga estudyanteng nadaraanan ko'y sa akin nakapako ang tingin. Nakakapagtaka. Anong meron? May hindi ba ako alam? Parang kanina hindi naman ganito. Bakit biglang nagbago? Hay nako. Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip. "Goodluck. Kayanin mo yan." "Mag-iingat ka." "Wala kang choice. Ginusto mo yan." "Ikamusta mo na lang ako kay kamatayan." Ilan lang ang mga yan sa mga sinasabi sa akin ng mga estudyanteng nagsisilapit habang naglalakad ako. Nakakaewan. Hindi ko maintindihan kung tungkol saan ang sinasabi nila. Mag-iingat daw ako. Kayanin ko daw. Ginusto ko daw. Tapos, ikamusta ko daw siya kay Kamatayan? Bwisit. Napagtitripan na naman yata ako ng mga may saltik na estudyante na ito. Hindi na nakakatuwa. Sumusobra na sila. Bahala na nga. Binilisan ko pa ang aking paglalakad hanggang sa hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa likod ng paaralan. Natigil ako pansamantala at pinagmasdan ang buong paligid. Napaka-dilim. Ibang-iba sa kabilang parte na may liwanag. Napaatras ako bigla sa kinatatayuan ko nang makita kong parang may kung anong gumagalaw sa ilalim ng lupa. Nakakabadtrip. Ano bang meron dito? Anong kakaiba dito? Parang wala naman. Madilim lang. Mukhang wala namang dapat na katakutan. Sarili lang nila ang tinatakot nila. Nagmasid ako sa paligid upang hanapin ang balon na iyon. Malapit daw kasi doon ang kahong pinapakuha sakin ni Mr. Alfredo. Ano kayang laman ng kahong iyon? Bakit ako pa ang pinakuha niya? Napangiti ako nang makita na ang balon. Nasa tabi lamang nito ang kahong sinasabi sakin ni Mr. Alfredo. Agad akong pumunta roon at kinuha na ang kahon. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang balon na iyon. Isa pa 'to. Ano kayang nasa ilalim nito? Siguro'y tubig lang gaya ng normal na balon. Pero iba kasi ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito. Parang hindi tubig ang nasa ilalim. Kungdi... "Tiyanak!" Nabitawan ko bigla ang kahong hawak ko nang makitang may nasisigapangan na mga tiyanak paitaas ng balon. Papunta sila sakin. Nakakatakot. Muntikan na akong madapa sa pagtakbo. Mabuti na lamang at hindi natuloy dahil kapag nagkataon, katapusan ko na talaga. "Aaahhh!" Napasigaw ako bigla dahil sa sobrang sakit nang may bumato ng bato sa may binti ko. Tuluyan na akong nadapa. Hindi ko magalaw ang binti ko. Hindi ako makatayo. Hindi ito maaari! Katapusan ko na! Kitang-kita ko kung papaano ako titigan ng isang tiyanak habang nakadapa ako sa lupa. Muli akong napasigaw nang may lumitaw na kamay sa ilalim ng lupa. Mababaliw na ako. Impyerno ang paaralan na ito! Tulala lang ako nang maramdamang hinihila na ako ng mga tiyanak. Wala na rin akong magagawa. Dito na ako magtatapos. Naalala ko bigla ang sinabi ng librarian kanina. "Kamatayan." Unti-unting nandilim ang paningin ko nang tumama ang ulo ko sa balon. Narinig ko pa ngang tinawanan ako ng mga tiyanak na iyon. Bwisit talaga. Hinulog na nila ako sa loob ng balon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD