Kabanata 6: Tatlong Insidente

1163 Words
Raven's POV Hindi ako makapag-focus sa lesson na tinuturo ng guro namin sa harap. Bukod sa maingay ang klase, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kung anu-anong mga kakaibang bagay ang nangyari. -FLASHBACK- Unang insidente... Lumabas na ako ng cafeteria nang matapos na ako kumain. Nagpaalam na ako kina Nathaniel na mauuna na akong bumalik sa klase ko. Ayokong malate ulit. Paniguradong sandamakmak na sermon na naman aabutin ko sa guro namin. Nakakarindi na. Tahimik ang hallway habang naglalakad ako. Tanging ako lamang ang bukod tanging estudyante na naglalakad. Nasa cafeteria pa rin kasi halos lahat at matagal-tagal pa bago matapos ang recess. Hindi ako sanay sa katahimikan. Gustong-gusto kong naririnig na pinagkakaguluhan ako ng mga babaeng estudyante. Tuwang-tuwa ako sa tuwing tumitili sila at kiligin habang binabati nila ako kapag nakikita o nakakasalubong man nila ako. Ang sarap sa pakiramdam maging sikat. Ayokong mawala ang kasikatan kong ito. Ayoko na maging talunan ulit gaya dati. Pinagtatawanan at pinagtitripan ng lahat. Iba na ang Raven ngayon. Di hamak na mas cool at astig. Pinagkakaguluhan ng mga kababaihan at campus crush. Dapat maging ganito pa rin ako anoman ang mangyari. Ayoko na balikan ang nakaraan. Ang panghuhusga ng lahat. Ang masasakit na salita. Ayoko na. Sawang-sawa na ako. "Raven." Napalingon ako bigla sa likuran ko nang marinig ang boses ng kaklase kong si Joseph. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinabahan nang makita ko siya. Parang may mali kasi. Sa pagkakaalam ko, salbahe ang kaklase kong Joseph. Pero ano itong nakikita ko ngayon? Para siyang anghel. Ang amo ng mukha niya. Tila walang bahid ng kahit na anong hindi maganda. Nakakapanibago siya. Paano nangyari 'yon? "J-joseph." nginitian ko siya. Sana lang hindi niya mapansin na may pagdududa ako. Ramdam kong hindi siya ang kaklase kong si Joseph. Kung hindi siya si Joseph, sino siya? Ibang nilalang? "Saan ka pupunta?" ang tono ng pananalita niya. Lubhang kakaiba. Hindi ganyan makipag-usap sakin si Joseph. Mukhang tama ang hinala ko. "S-sa klase." tipid na sagot ko sabay lingon sa paligid. Sana lang may dumaan na ibang estudyante. Para makita nila ang Joseph Lazaro na kaharap ko ngayon. Ibang-iba. "Bakit tila takot ka yata?" sumilay ang isang pagngisi sa kanyang labi. Napaatras ako bigla sa kinatatayuan ko. Bumilis rin ang pintig ng puso ko. May mali sa mga nangyayari ngayon. "H-hindi ikaw si Joseph." mariin kong pagkakasabi habang takot na takot na nakatingin sa kanya. Sino ba siya talaga? "Magaling. Mabuti't napansin mo. Tama nga ang sabi ng mahal na pinuno." Huh? Anong pinagsasasabi niya? Sinong pinuno ang tinutukoy niya? Mas lalo tuloy nabalot ng takot ang katawan ko. Hindi ko kilala ang taong kaharap ko at hindi ko alam kung anong sinasabi niya. May hindi kami alam ng mga kaibigan ko sa paaralang ito. Tama nga ang hinala ni Nathaniel. May kakaiba rito. Ano bang klaseng paaralan ito? Napapikit nalang ako nang sandaling lapitan niya ko. Tandang-tanda ko pa ang binulong niya sakin ng mga oras na iyon. "Katapusan niyo na." Pagdilat ko'y nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Wala na ang pekeng Joseph sa harapan ko ngayon. Lumingon-lingon pa ako sa paligid upang makasigurong wala na nga siyang talaga. At totoo nga. Wala na siyang talaga. Salamat naman kung ganon. Nakahinga ako bigla ng maluwag. ----- Ikalawang insidente... Oras ng klase namin nang ipatawag ako ni Miss Carmina sa office niya. Nung una'y wala naman akong naramdamang kakaiba. Ngunit nang magsimula na akong maglakad papuntang office, parang naninibago ako. Hindi ko alam kung bakit. Yung para bang first time kong naglakad papunta doon. Pero hindi eh. Kasi matagal ko nang nadadaanan yon. Kaya naman, ano ba itong nangyayari sakin? Masyado na ba akong matatakutin at kung anu-ano na lang ang nararamdaman ko? Pambihira. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Nahinto ako sa paglalakad nang makaring ako ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Nagmasid ako sa paligid. Ako lang naman ang nasa labas ng klase. Tss. Tinatakot ko na naman ang sarili ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at dumiretso na agad sa office. Medyo kinakabahan ako habang nasa tapat ng pintuan. Heto na naman yung kakaibang pakiramdam ko. Paksh*t. "Raven James Ocampo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa gilid ko si Miss Carmina. Nakaramdam na naman ako ng labis na takot nang makita siya. Palagi na lang ganito. Nakapagtataka. Ano ba kasing meron sa kanya? "M-miss Carmina." nakangiting sabi ko bago siya bigyan ng tinging may halong pagtataka. "Handa ka na ba?" Ewan pero bigla akong kinabahan sa tanong niya. Kamatayan. Iyon ang naiisip ko. Nang mga sandaling iyon ay iniisip ko na huling araw ko na. Handa na rin naman ako sa kahit na anong mangyari. Kaya naman ayos lang sa akin kung hanggang saan lang ba talaga ako. "Sinungaling." sabi niya bago ngumisi. Sh*t. Bakit ba ang hilig nila ngumisi? Kinikilabutan ako. Parang ganito rin yung kay Joseph. Sigurado ako. Lumingon lang ako sandali sa likuran ko at pagharap ko, wala na siya. Biglang naglaho na parang bula si Miss Carmina. Oo nakakabaliw. Sobrang nakakabaliw. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya tumakbo na lang ako pabalik sa klase ko. ----- Ikatlong Insidente... Uwian na nang dalhin ako ng mga paa ko sa pinaka-dulong silid sa ika-limang palapag. Gusto ko lang naman malaman ang totoo. Gusto kong alamin kung anong meron sa loob ng silid na iyon. Matagal na kasi akong binabagabag nito. Nakadagdag pa ang mga usap-usapan sa klase namin na di umano'y may mga nagpapalit ng wangis doon. Kabilang doon ang isa sa mga guro namin na si Mr. dela Costa. Totoo kaya ang ito? O baka naman, imbento lang nila? Bahala na. "Totoo talaga yung nakita ko kanina. Naging baboy si Mrs. Della Asuncion." "Nagkaroon ng sungay si Mr. Alfredo Lacsima nang titigan ko siya." "Si Miss Carmina nahati ang katawan sa dalawa." "Impyerno ba 'tong paaralan natin? Bakit ang daming maligno at kung anu-anong nilalang? Nakakakilabot." Pinakinggan ko na lang ang pinag-uusapan ng mga estudyanteng nadaraanan ko. Hindi ko maiwasang kilabutan habang isa-isang pumapasok sa tenga ko ang mga sinasabi nila. Hindi kapani-paniwala. Lalo pa't kung hindi mo naman ito nakita o nangyari sa'yo ang mga kinukwento nila. Narating ko na ang pupuntahan ko. Tahimik ang buong paligid. Nakakatakot. Palingon-lingon ako sa paligid upang masigurong walang makakakita sakin. Mahirap na. Ayokong malaman ito ng gurong-tagapayo ko. Mananagot na naman ako kapag nagkataon. Literal na demonyo pa naman siya. Walang sinasanto. Pinapahirapan niya kami kapag may ginawa kaming labag sa kagustuhan niya. Gaya na lamang ng ginagawa ko ngayon. Matigas talaga ang ulo ko. Kaya wala na siyang magagawa. Nakahanda na rin naman ako sa magiging parusa ko kung saka-sakali. Isang malakas na pasigaw ang narinig ko. Madali akong sumilip sa salamin sa pintuan upang makita kung anong kaganapan sa loob. Halos mapasigaw naman ako sa nasaksihan ko. Si Mr. dela Costa at si Mr. Alfredo Lacsima. Demonyo sila... -END OF FLASHBACK- "Mr. Ocampo?" Napaayos ako bigla ng upo nang magising ako sa realidad. Sa akin na nakatuon ang atensyon ng buong klase. Sh*t. Nakakahiya. Kung anu-ano na lang kasi ang pumapasok sa utak ko. Lumilipad ang isip ko at hindi ko pa rin mapagtanto ang tatlong insidente na iyon. Ano ba talagang sikreto ng paaralang ito? Kailangan ko 'yon alamin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD