Chapter 13

2474 Words
"Selena!" Hindi ko na pinansin pa ang sabay-sabay nilang bungad nang tuluyang mabuksan ang pinto dahil humahangos na akong nagtatakbo palabas. Ramdam ko ang pawis at duming nakadikit sa aking damit at maging sa aking balat. Halata rin sa buhok kong g**o-g**o ang matinding hirap na inabot ko sa lugar na isinusumpa ko na ngayon! "Hoy! Kumalma ka! Anong nangyari?!" maagap na tanong ni Mark nang makalapit sa akin habang patuloy pa rin ako sa pag-pagpag ng buo kong katawan. "Selena! Hoy! May ahas ba?! Ano? Natuklaw ka?!" rinig kong sunod-sunod ding tanong ni Paulo habang hindi alam kung saan ako aalalayan dahil sa patuloy kong paglilikot. Napa-paranoid ako na baka kung saan sumuot sa damit o buhok ko yung kaninang gumagapang kaya todo-pagpag talaga ako. Hindi ako tumitigil kahit pawis na pawis na ako at g**o-g**o na ang kanina kong nakapusod na buhok. Isa talaga sa mga ayaw ko ay mga insekto lalo na yung nakakadiring tignan at maramdaman sa balat. Natatakot akong makagat nito at ang mga itsura pa lang nila ay hindi ko na magawang titigan ng matagal dahil sa kakaiba at kahindik-hindik nitong mga pigura. Nakakatakot din na baka pumasok ito sa tenga, ilong, o maging sa bibig ko kaya ang isipin ko pa lang na baka nasa loob na sya ng katawan ko ay gusto ko na lang sumuka. Isang pares ng kamay ang humawak sa magkabilang siko ko dahilan para mapatigil ako sa ginagawa at mapatingin sa lalaking nasa harapan kong nililibot rin ang mata sa buo kong katawan. Sinabayan ko sya sa ginagawang pagtingin dahil baka nasa damit ko pa yung kung anong gumapang sakin kanina pero hinawakan nya lang ako sa pisngi para hindi maglikot ang ulo ko at may kung anong kinuha sa buhok ko. "Ipis" sabi ni Larren nang ipakita sakin ang hawak nyang ipis kaya agad akong lumayo at nagpagpag ulit ng damit pero sa mas mahinahon nang paraan ngayon. Lumunok ako ng ilang beses pero hindi niyon napawi ang pagkatuyo ng aking lalamunan. Gamit din ang manggas ng aking damit ko ay pinunasan ko ang pawis sa aking mukha. Ang panginginig ng aking kamay ay naroon pa rin habang inaalis ko ang pony sa aking nagulong buhok. Ngayon ko lang narealized kung gaano na ako ka-haggard dahil lang sa nangyaring iyon kaya nang tignan ko silang tatlo na nakatingin rin pala sa akin ay hindi ko maiwasang mahiya at magbaba ng tingin. Baka isipin pa nila na ang arte at ang babaw ng dahilan ko para sa sobrang reaksyon ko kanina. Tsk, Selena naman! Kababaeng tao mo kasi! Bakit ka gumanon! Hays, hindi talaga ako nag-iisip. Siguro'y pinagtatawanan pa nila ako ngayon sa mga isip nila dahil nakikita ko pa ang pagsulyap nila sa ipis na inilapag ni Larren sa ibabaw ng basurahan. Sino ba naman kasing tanga ang magwawala dahil lang sa nagapangan ng ipis? Punyeta, pakiramdam ko ba ay napakababaw ko. Pero hindi ko naman kasalanan na takot ako sa mga ganoon! Ang hindi ko lang magawa ngayon ay ang ipaliwanag iyon sa kanila dahil nauunahan na ako ng kahihiyan. Bumuntong hininga ako at hinagod ang aking buhok gamit ang kanang kamay bago mag-angat ng alanganing tingin sa kanilang tatlo. Lumunok ulit ako at ngumiti ng pilit pero ganoon pa rin sila, nakatayo at nakatingin lang sakin habang hindi ko mabasa ang kanilang reaksyon. Jusko, nakakahiya talaga! "P-Punta lang akong CR-" "Nanginginig ka" putol sakin ni Paulo at hindi ko naman ipinagkaila yon dahil nararamdaman ko ang sarili kong mga kamay at tuhod pero ngumiti pa rin ako at nag-iwas ng tingin. Mabuti na lang talaga ay sila lang ang tao rito sa gymnasium kaya hindi naman sobra-sobra ang natamo kong kahihiyan dahil kung makikita pa ng iba ang nangyari kanina ay baka hindi na talaga ako makaharap sa tao. "Sasamahan ka na namin" Sa huli ay apat na ulit kaming bumabaybay patungo sa daan na maghahatid samin sa Clinic. Sa halip kasi na sa CR nila ako ihatid ay pinilit nila akong sa Clinic na lang dahil sa hindi nawawalang panginginig ko. Hinawakan pa ni Mark ang kamay ko kanina at kinumpirang malamig ang mga ito kaya pare-parehas silang nagdesisyon na dito pumunta. Nakagitna ako sa paglalakad at nakakahiya dahil ang ilang mga estudyanteng junior high na nadadaanan at nakakasalubong namin ay napapatingin pa at halatang pinag-uusapan kami. Hindi ko alam kung dahil ba sa pogi si Larren o kung dahil sa nag-iisa lang akong babae sa gitna ng mga ito? Aba, baka isipin pa nila ngayon na malandi ako? Dahil sa sariling naisip ay kusa kong binilisan ang paglalakad para mauna ng ilang hakbang sa tatlong lalaki na wala yatang kamalay-malay sa nagagawa naming eksena sa mata ng mga nanonood na estudyante. Sumunod din kasi agad sila sakin na parang gusto pa akong alalayan kaya ako na talaga ang umiiwas at mas binilisan pa ang paglalakad dahil malapit naman na ang Clinic. Kung bakit ba naman kasi nasa Building A pa ang School Clinic! Kailangan pa tuloy madaanan ang mahabang pasilyo ng mga classroom ng junior high school students ranging from Grade 7 to 10. Kadalasan pa naman ay naririto ang mga madadaldal at mga nagpapakalat ng mali-maling balita na umaabot sa buong university. Kung sino pa talaga ang mga bata eh no? Palihim akong napa-irap nang makita na kaunti na lang ang mga sumusunod ng tingin sakin at kadalasan pa ay mga kababaihan iyon na may matataray pang tingin. Samantalang ang iba namang mga batang babae na nakatayo sa b****a ng mga classroom nila ay nagtatalunan at nagtutulakan pa kapag nadadaanan sila ng tatlong pilit naman na sumesenyas na hintayin ko sila. Napangiwi na lang ako nang mapansin na ang karamihan sa mga junior high students na ito ay may matitingkad nang liptint na nakapaskil sa mga labi at halatang ginamit din nilang panglagay sa pisngi ang pagkapula nito. Imagine? Mga 15 below tapos ginamit na pangtwo-way ang liptint at nagkakandarapa sa mga lalaking ahead sa kanila ng ilang years kahit halos kakasimula pa lang ng school year. Alam ba yan ng mga magulang nyo? Nang matapos ang hangganan ng mga estudyanteng iyon ay narating ko na rin ang tapat ng pinto ng clinic. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ito buksan. Hindi ko na rin pinansin ang tatlong lalaking pumasok pa rin kahit ako lang naman ang may kailangan sa loob. "Good morning, anak. Anong problema?" bungad na tanong ng isang ginang na may edad na rin nang makita akong pumasok. Tumayo pa ito at itinuro sa akin ang isang upuan sa tapat ng desk nya kaya't lumapit naman ako doon suot ang isang maliit na ngiti at hinayaan na maghintay ang tatlo sa mahabang bench na medyo malayo naman mula sa amin ng nurse. Kung titignan kasi ang kabuuan ng clinic ay medyo maluwang rin ito at air-conditioned pa. Sa pagpasok ay bubungad ang isang mahabang bench sa kanang bahagi ng unang silid at sa kaliwang bahagi naman ay may isang glass door na maghahatid pa sa isa pang silid kung saan naroroon na ang desk ng nurse at dalawang kama na maaaring ipagamit sa estudyanteng papasok sa clinic. Pumasok ako sa silid na iyon at umupo sa tapat ng nurse na maagap nang nakangiti sa akin kaya't napabuntong hininga na rin ako. Ang kaninang panginginig ay medyo nawala na yata kaya ano pa ang gagawin ko ngayon dito? Ano ba naman yan. "A-Ano po, uhm. Kanina po kasi ay nanginginig at nanlalamig po ako pero ngayon ay medyo wala naman na. Kailangan ko lang po siguro ng tubig" napangiwi tuloy ako sa mismong sinabi ko dahil bakit pa nga ba ako pumunta ng clinic kung tubig lang pala ang idadayo ko? Jusko, anong katangahan 'to? Masyado na yata akong nahahawa kila Mark. "Ano bang nangyari?" malambing ang tono ng ginang kaya napatingin na lang ako sa kanya at kinagat ang pang-ibabang labi bago nagsimulang magkwento. "Pumasok po kasi ako sa stockroom at naisara ko yung pinto without knowing na sira po pala 'yon kaya nakulong ako sa loob tapos may naramdaman po akong gumapang sa balat ko kaya kinabahan na po ako kasi madilim pa naman sa loob" litanya ko habang hindi naiiwasang ipisik ang aking kamay dahil tila nararamdaman ko na naman ang paggapang ng walanghiyang ipis na 'yon sa balat ko. "Paglabas ko po, ipis po pala 'yon pero ang tagal bago po ako tuluyang kumalma lalo na yung pagpalpitate ko. Matagal din po akong nanginginig tsaka nanlalamig din po yung mga kamay ko. Normal naman na po sakin 'yon kapag may na-eencounter akong mga insekto simula pa noong bata ako" dagdag ko pa at tumango-tango naman ang ginang habang magkasalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Napabuntong hininga naman ako at napaisip kung dapat ko pa bang sabihin ang parteng iyon pero wala naman na akong magagawa dahil nasabi ko na at baka makatulong din naman iyon sa kanya sa pagpili ng ipapayo sakin kaya hinayaan ko na lang din. "You have phobia in insects, I see" kaswal na sambit nya na ikinakurap-kurap ko naman. Ngayon ko lang ito narinig mula sa ibang tao dahil hindi naman ako nagpupunta sa mga doktor kapag may ganitong nangyayari sakin at ngayon na isang nurse na mismo ang nagkumpirma ay sigurado na rin ako. Kailangan ko nang mag-ingat. Tahimik lang ako habang nakahilig sa railings at nakatanaw sa kawalan. Kaunting oras na lang ay maglulunch break na kaya nandito na ako sa tapat ng classroom nila Erich ngunit hindi ko sila tinitignan para hindi na sila madisturbo mula sa pag-aaral. Mas pinili kong tumulala na lang at hayaan na umepekto ang ipinainom sa aking gamot ni Nurse Rhea kanina. Maingay sa ibaba dahil may mga estudyante na pabalik na sa kanilang mga classroom. Magkakaiba kasi ang schedule at magkasalungat ang lunch break ng junior high sa senior high kaya mamaya naman ay siguradong mga Grade 11 at 12 ang ookupa ng cafeteria. Mabuti na rin iyon dahil hamak na mas madami ang mga junior high kaya siguradong siksikan kapag pinagsabay ang lahat. Napabuntong hininga ako at nilingon ang tatlong lalaking nakatahimik lang sa parehas na gilid ko. Katabi ko si Larren sa kanan, si Paulo sa kaliwa, at si Mark naman ang katabi ni Paulo doon sa kabilang gilid. Nakakapanibago at nakakatuwa na ngayon lang sila tumahimik nang ganito. Sa tuwing magkakasama kasi kami ay parang nasanay na ako na may nagaganap laging mini gyera sa pagitan ni Paulo at Mark samantalang si Larren naman ay natural na tahimik pero iba pa rin ang aura nya ngayon. Matapos kasi ang usapan namin ng nurse ay pinainom nya na ako ng gamot at pinili ko na ring umalis na dahil wala naman na akong gagawin pa sa loob. Wala akong kibo magmula pa kanina at kahit nararamdaman ko ang malaki nilang pagtataka at kagustuhang magtanong ay masaya naman ako na hindi sila namilit at nangulit pa. Pare-parehas kaming nakatanaw sa baba hanggang sa si Paulo na ang unang bumasag sa katahimikan. "Ayos ka na?" Saglit akong sumulyap sa kanya bago ngumiti ng tipid at bumuntong hininga. Itinuon ko ang pansin sa mga daliring nilalaro ang bawat isa sa ibabaw ng railings. Mula sa peripheral vision ko ay nakikita kong nakaabang rin sa sasabihin ko sila Larren at Mark. "Oo naman, kanina pa" sabi ko lang at tumingin kay Paulo na nakakunot ang noo at tila kinikilatis pa rin ako sa pamamagitan ng pagtitig din sa akin dahilan para mapa-irap na lang ako. Ang OA naman nya masyado. "Eh bakit kanina ka pa tahimik?" pagsingit naman ni Mark na nakasilip pa mula sa kinatatayuan nya para lang makita ang mukha ko. Napailing na lang ako at tumayo ng maayos bago ngumiti sa kanila ng matamis. Pinindot ko pa ang dalawang bahagi ng pisngi ko gamit ang aking magkabilang hintuturo at medyo itinagilid ang aking ulo. "Ayos na po ako, oh. Hmm?" sabi ko at kumindat pa nang pabiro pero napangiwi lang din nang makita si Mark na umaaktong nasusuka habang si Paulo ay natawa nang todo at si Larren naman ay napakagat labi, halatang pinipigilan din ang sarili na matawa. Napanguso tuloy ako at humalukipkip pero hindi pa rin sila tumitigil kaya napairap na lang ako. Feeling ko naman ang cute ko doon sa part na yon kasi pamatay ko yung dalawang maliit kong dimples kapag ngumingiti! Minsan lang nila makikita 'yon at minsan lang din nila ako mapapaakto ng ganon sa harapan nila kaya dapat nga ay sinusulit nila ang pagkakataong ito. Aba, isang malaking pribilehiyo ang mangitian ng isang Selena! Tapos ganoon lang ang ipapakita nila? Grabe sila kung maka-react! Bakit? Perfect sila? Okay, exempted si Larren kasi almost perfect yan tsaka hindi naman sya tumawa nang todo kaya okay lang sakin. Mine. Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin sa kung sinong kumurot nang mahina sa ilong ko na hindi naman sobrang katangusan pero hindi rin pango, ah! Nawala ang gatla sa aking noo nang makita ang nakangiti na ngayong si Larren sa harapan ko. Hindi ko na binalingan pa ng tingin yung dalawang pangit na hanggang ngayon ay tumatawa habang nararamdaman ko ang mga tingin sa akin. Bahala sila dyan. Akala yata nila ay natutuwa ako sa presensya nilang parang kape at gatas dahil sa mga kulay ng balat pero same level naman sa kapangitan. Mga pangit! "Tapos na yung klase nila, kain ka na" sambit ni Larren bago magbigay ng isang sulyap sa likod ko ngunit mabilis ding binalik sakin ang nakakatunaw na tingin, sinamahan pa ng nakakamatay na ngiti. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa ganyan mo, Larren? Jusko! Natawa sya nang mahina dahil hindi agad ako nakasagot at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Kinagat nya pa ang pang-ibabang labi para mapigilan ang pagsibol ng kanyang ngiti ngunit lalo nya lamang ikina-gwapo ang bagay na iyon. Lalo tuloy akong napatulala pa sa kanya at hindi pinansin ang ilang taong nagsisimula nang maglakad sa paligid. Nakatingala man ako sa kanya dahil sa mas matangkad sya sakin ay hindi naman ako nangangawit. Kung ganito ba naman lagi ang tatanawin ko ay hindi ako magsasawa. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha at parang mas lalo pa itong namula nang mahina nyang ginulo ang aking buhok bago nagsimulang maglakad papalayo. Hindi agad ako nakakilos at nakapagsalita dahil sa nangyari dahil kusang tumitili pa ang aking utak habang sari-saring mga hayop na naman ang nagwawala sa aking tiyan. Lagi na lang bang magiging ganito ang epekto sa akin ng Larren na 'yon?! Ang unfair ha! Napahawak ako sa aking noo nang makaramdam ng saglit na pagsakit doon. Sinamaan ko tuloy ng tingin si Paulo na ngayon ay seryoso nang nakatanaw kay Larren na naglalakad palayo. Pagkatapos ay seryoso pa rin nya akong tinapunan ng tingin bago bumuntong hininga. "Dahil pumayag ka sa gusto ko kanina, tutulungan din kita pabalik" ||||| SELENAPHILE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD