After few days, I finally recovered from my illness. Hindi naman pumalya sa ka-tetext at ka-reremind sa akin si Cael. Naisip ko na baka mamaya ay napagagalitan na siya ng teacher o kaya ay 'di na siya makapag-focus sa pag-aaral. Inaamin ko na sa konting panahon na iyon ay naging close kami.
Agad namang tumunog ang cellphone ko sign na may nag-notif. Kinuha ko ito at nakita ko ang isang message mula kay Cael.
From: Cael
Are you already on school? Shall I pick you up?
Napangiti naman ako sa message niya. Tinanggihan ko ito at sinabing nasa school na ako. Nagpumilit pa nga siya na magpapaalam raw siya sa teacher niya para makatakas at maihatid ako. Natawa na lamang ako.
Maaga kase ang klase nila kaysa sa akin. Kaya malamang ay kalagitnaan na ng klase nila ngayon. Ayoko naman siyang guluhin pa. I can handle myself.
Nagtanong ako sa mga nakasasalubong kong mga estudyante kung nasaan ang naka-assigned sa akin na room. Nagpasalamat naman ako sa kanila at dumiretso na.
I entered the room and I've noticed that some of them has their own circle of friends. Sa susunod na lang ako makikipag-socialize. Maghahabol muna ako ng mga gawain sa mga na-missed kong subjects. Nagtungo ako sa dulo at umupo na. I checked on my phone to see if Cael already replied. Nang wala akong makita ay tinago ko na ito.
Noong nakaraan ay halos ipagtulakan ko siya. Ngayon, parang ako pa ang patay na patay sa kaniya makakuha lang ng reply. I don't know if I'm really starting to have a feelings for him. But one thing is for sure, I found the comfort that I'm looking. Though, alam kong kaya din naman ibigay iyon nila Lay. But his comfort is different. Something that I'm craving for.
After minutes of waiting, dumating na din ang teacher na magtuturo sa amin. Napansin naman ako nito at sinabing kakausapin niya ako mamya. Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot.
After he discussed, he already called me and the president of this class. Before he could ask me, binigay ko na ang excuse letter ko. Binasa naman niya ito at pinirmahan tsaka ibinalik uli ito sa akin para ipapirma sa iba pang teachers. Kinausap naman niya ang class president para i-guide ako sa mga dapat kong gawin at ipasa kung mayroon man.
"Kausapin kita mamaya pagkatapos ng klase," sabi ni Gab, ang class president namin.
Pagkatapos no'n ay nag-prepare na ako para sa susunod na klase. Everything went smoothly. Hindi ako masyadong nahirapan dahil tinutulungan naman ako ni Gab. Madali akong nakapag-adjust kahit na absent ako ng ilang araw. Nang mag-recess na ay tinext naman ako ni James.
From: James
Pren, hintayin ka namin sa cafeteria. Sabay-sabay na tayo kumain.
How did he know my schedule? Tanungin ko na lang siguro siya mamaya.
Nang makapunta akong cafeteria ay hinanap agad ng mata ko ang puwesto nila. This place is too crowded. Nagkasabay-sabay kasi ang break time ng college at kaming senior high. Though, mas nauna lang mag-break time ang college kaysa sa amin.
I saw James waving his hand in the air. I immediately went to their spot. Good thing, nakahanap sila ng puwesto. Sa dami ng tao dito, it would be really hard to get some spot to eat on.
"Naka-order na kayo?" I asked them. Napansin kong hindi lang si James at Lay ang nandoroon. I can see that Cael and Rossi are also joining us. Umupo naman ako sa tabi ni Lay.
"Hindi pa. Hinihintay ka pa namin," James said. Tinanguan ko naman ito. They must be really hungry. Nauuna kase sila sa amin ng 20 minutes. Nag-over time pa naman ang teacher ko ngayon.
"Kami na ni Lay ang oorder," presinta ni Cael na tinanguan naman naming lahat. I can still feel the awkwardness between us four. Hindi naman ito nahahalata ni Rossi, since she's not there when it happened. I know that they're doing their best to lighten up the atmosphere. Pagkatapos namin ibagay ang orders namin sa kanila ay pumila na sila agad.
"How's your day? Hindi ka naman ba nahirapan?" tanong ni James.
"Hindi naman. Ginuide naman ako ng president namin."
"Good to heart that," sabi niya sabay tango.
"You won't ask me how's my day Sechan?" sabat ni Rossi. Lihim na lamang akong napa-iling. Bago pa sila mag-away sa harapan ko, kinuha ko na ang earphones ko at pinasak ito sa tenga ko. Bahala na sila diyan mag-sigawan.
Ilang sandali pa ay dumating na din sila Lay at Cael hawak-hawak ang in-order namin. Nilapag naman nila ito sa mesa tsaka kami nagkaniya-kaniya ng kuha. Kahit naka-earphones ay rinig ko pa din ang usapan nila. Cael and Lay are busy talking about school stuffs that needed to be submitted this week. Si Rossi naman kinukulit si James ng kung ano-ano.
Bigla namang nabaling sa akin ang topic ng magsalita si Lay. Napatigil na lamang ako sa pagsubo ng pagkain ko.
"Pren nag-enroll ba yung manliligaw mo? Hindi ko kasi siya napagkikita simula pa ng pasukan," he explained.
I just looked at him in the eyes. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nangyari. Tanging si Cael lang ang nakaaalam.
"Huh? Hindi ko alam. Baka busy?" I said simply. Agad naman akong napatingin kay Cael na ngayon ay nakatingin na din sa akin. He knows that I'm lying by now.
I know! Alam kong kailangan ko ng sabihin iyon. It's just that, this is not the right time to say that.
"Hindi ka pa ba niya kino-contact?" tanong naman ni James. Umiling na lamang ako bilang sagot. Bago pa sila makapagtanong uli ay biglang nagsalita si Cael.
"Lay, may gagawin ka ba bukas? Magpapasama sana ako."
Nilingon naman siya ni Lay. "Free ako bukas. Chat mo na lang ako kung saan at anong oras."
"Sige pre," tugon niya kay Lay.
I'm thankful na nagawa namang ilihis ni Cael ang usapan. I should say it to them next time.
After that, tinuloy na namin ang pagkain. I checked the time, napansin ko namang tapos na ang break time nila. James, Lay and Cael are grade 12. Samantalang kami ni Rossi ay grade 11. Pinagparehas kasi ng University ang class time ng college at grade 12 para masanay na daw agad.
"Hindi pa ba kayo babalik sa klase niyo?" I asked.
"Vacant na ako after ng break time," James said.
"Ako din pren. Siguro, tatambay na lang ako sa library para gawin yung iniwan na task ng mga teachers ko," Lay said.
"Samahan mo ako Sechan. Punta tayo ng mall saglit. Wala naman yung susunod na teacher ko," masayang sabi ni Rossi. Inalis naman ni James ang pagka-aangkla ng braso si Rossi sa kaniya.
Kahit gusto kong sawayin si Rossi sa pagiging isip bata niya ay hindi ko magawa kasi baka lumala pa. Ayoko pa naman ng g**o. And I know that James can take care of her attitude.
I looked at Cael who's now staring at me. Imbes na iiwas niya ang tingin, lalo niya pa akong tinitigan.
"What about you?" I asked him. He shooked his head.
"Siguro, sasama na lang ako kay Lay mamaya."
Naagaw naman ni James ang atensiyon ko ng tawagin niya ako.
"Sasabay ka ba mamaya sa akin pauwi, pren? Para maantay na kita," he asked.
"Mag-uusap kase kami ni Gab mamaya. I-didiscuss niya sa akin yung mga task na kailangan kong habulin sa mga subjects," paliwanag ko.
"Matagal ba? Pwede naman kitang hintayin," suhestiyon niya.
"Ayos lang, pren. Mauna ka na. Baka matagalan pa kami. Magpapasundo na lang ako sa driver namin," sabi ko.
"Ako na lang Sechan ang isabay mo," sabi ni Rossi. Tinry niya pa na magpa-cute sa harapan ni James. She really looks so desperate. Halatang ini-spoiled noong bata hanggang ngayon. Sana kayanin pa ni James na tagalan siya.
After we ate, nagkaniya-kaniya na kami ng pupuntahan. Nagdiretso na ako sa susunod kong klase.
Mabilis na tapos ang klase. Nilapitan naman ako ni Gab. Binilisan niya lang ang pag-didiscuss ng mga dapat kong gawin dahil may pupuntahan pa daw siya. Sinigurado naman niyang naintindihan ko lahat.
Sa ilang araw pa lang ng pag-absent ko, andami ko na agad na gagawin. Although, binigyan naman ako ng extension para sa mga iyon. When we are done, we've decided to part ways. I wave my hand and bid him goodbye.
Habang naglalakad ako, kinuha ko ang cellphone ko para sana i-text ang driver namin. Hindi ko na ito nagawa ng makita ko ang isang text galing kay Cael.
From: Cael
I'm waiting for you at the parking lot.
I don't know why I felt again this familiar feeling. Napansin ko na lamang na bumilis ang paglakad ko kasabay ng pagtibok ng puso ko.
Why am I so excited?
Hinanap ng mata ko si Cael. Then I saw him, leaning on his motorcycle. Nang makalapit ako, iniabot niya sa akin ang isa pang helmet.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Pinigilan ko ang sarili ko magtunog excited.
"Hindi ba obvious? I'm fetching you," he said while hopping in on his motorcycle.
"Bakit? Hindi mo naman kailangang gawin 'to," sabi ko.
"Because I want to."
"But still—"
"No more buts, just hop in."