Chapter 8

1620 Words
Dumaan muna kami sa convenience store bago niya ako hinatid pauwi. Bumili ako ng mga snacks na puwede kong kainin habang ginagawa ko yung mga task na dapat kong tapusin. "Salamat sa paghatid," sabi ko pagkababa ng motor niya. "No problem." "Papasok na pala ako. Ingat ka sa pag-uwi mo." Sabay kaway ko sa kaniya. Pumasok na ako at nagdiretso sa kuwarto ko. Sinabihan ko naman ang mga maids na dalhan na lamang ako ng hapunan dahil marami akong tatapusin. Inilabas ko na ang mga paperworks ko at sinimulan ito. Sa sobrang tutok ko sa ginagawa, hindi ko napansin na gabi na pala. Sakto naman ang pagkatok ng isa sa maid namin dala-dala ang hapunan ko. Itinabi ko muna ang ginagawa ko at nagsimulang kumain. Pagkatapos kong kumain, nagpahinga muna ako at nag-browse sa internet. After that, binalikan ko na ang mga dapat kong tapusin. In-open ko na din yung isang chips na binili ko. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag, to my surprise it was Lay. Bakit tumatawag sa akin si Lay? Sinagot ko naman ito agad. "Hello, Lay. Bakit napatawag ka?" bungad na tanong ko. "Pren, si James nakikipagsuntukan!" sigaw nito mula sa kabilang linya. "Ha?! Bakit daw?!" gulat na tanong ko. Ano na naman ang nangyare? Talagang ginawa na nilang habit yang pakikipagsuntukan a. "Hindi ko alam. Tumawag lang sa akin si Rossi gamit yung phone ni James. Then sinabi niya na bigla na lang daw may nilapitan si James na lalaki tapos tsaka sinapak," paliwanag niya. "Sinabi ba niya sa'yo kung saan daw sila?" "Oo, pren. Sunduin kita agad diyan. Malapit na ako sa inyo," sabi niya. Pumayag naman ako at niligpit agad ang gamit ko. Maya-maya lang ay pinuntahan na ako ng maid namin at sinabing nasa baba na daw si Lay. Kumaripas naman ako pababa ng hagdan. Muntik pa akong mahulog, buti na lamang ay nakahawak agad ako. Pagkasakay agad namin sa sasakyan niya ay agad na niya itong pinaharurot. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa lugar kung nasaan sila James. Naestatwa ako ng makita ko si James na may hawak na b***l habang si Kenji ay nakalumpasay sa lapag. Halos buong mukha ni Kenji ay puno ng pasa. Nilingon ako ni James at ngumiti. No James! Don't do that, please! Tinakbo ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Kaunti na lang, Avy! Bago pa ako makalapit ay narinig ko ang putok ng b***l na galing sa b***l na hawak ni James. Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa katawan ni Kenji na ngayon ay naliligo na sa sarili niyang dugo. Napako na lamang ako sa kinatatayuan ko. No! He's not James! Hindi siya ang James na nakilala ko. Kasabay ng pagsigaw ko ang paggising ko dahil sa tunog ng cellphone ko. Pinunasan ko ang mukha kong tagaktak na ng pawis. It is just a nightmare, Avy. It's not real. Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog. Lay's calling. Medyo kinabahan naman ako. Hindi naman siguro mangyayari yung nasa panaginip ko 'di ba? "O bakit?" bungad na tanong ko. "Busy ka ba pren?" tanong niya mula sa kabilang linya. "Medyo. Tinatapos ko pa kase yung mga hinahabol kong task," sabi ko. "Ahh ganon," he pauses. "Aayain ka sana naming lumabas e. Sige, tapusin mo na lang yang ginagawa mo. Sa susunod na lang." He was about to end the call but I stopped him. "Hindi, ayos lang. Konti na lang naman ito. Puwede ko namang ituloy bukas. Saan ba?" I asked him. I think it's the right time to tell what had really happened that day, bago pa umabot sa puntong mangyari ang panaginip ko. Hindi malabong hindi nila malaman dahil kaparehas namin ng lugar na tinitirhan si Kenji. And if wala na si Kenji sa bahay nila, pwedeng madaan na lang sa newsfeed nila ang tungkol dito. I don't want that to happen. Mas mabuti ng sa akin magmula para alam nila ang side ko at mabawasan ang g**o. Nagpumilit naman si Lay na sunduin ako pero tinanggihan ko. Sinabi ko na lamang na magpapahatid na lang ako sa driver namin. Pumayag ako na ihatid niya ako pauwi. Kung iyon ay mangyayari pa. Hindi ko alam kung makakausap ko pa sila pagkatapos nito. Natatakot ako na lumayo ang loob nila sa akin. I don't want to lie but I just want to prevent troubles. Ilang minuto lang ay na-receive ko na ang text niya. Nagpalit lang ako ng damit at pinakiusapan ang driver namin na ihatid ako sa location na sinend ni Lay. Bago ako bumaba ay sinabihan ko itong huwag na akong sunduin. Nagdiretso ako sa loob ng bar. Sumalubong sa akin ang maingay na tugtog at usok na nanggagaling sa mga nag-vevape sa dulo. Hinanap ko sila Lay hanggang sa natagpuan ko sila malapit sa dance floor. "O pren, andito kana pala. Umupo ka muna," anyaya nito sa akin. "Hindi mo kasama si James?" tanong ko rito. "Nandito din si James pero nagpunta siya sa dance floor," sagot ni Lay. "Nagpunta siyang dance floor? Bakit? E Hindi naman mahilig sumayaw 'yon," sabi ko. Tinawanan naman niya ako. "Ganito kase yan—" Bago niya pa mapaliwanag ang nangyare, nakita ko si James hatak-hatak si Rossi. Just by looking at James' eyes, I know he's mad. Fuming mad to he exact. Nakita ko naman kung paanong pilit nagpupumiglas si Rossi sa pagkahahawak ni James sa kaniya. What's going on with this two? "Ang sabi ko dito ka lang, 'di ba? Bakit ba ang kulit mo at ayaw mong makinig sa akin? Ayan tuloy, nababastos ka na hindi mo pa alam!" galit na sigaw nito. "Hindi naman niya ako binabastos! We're just dancing. Ikaw lang 'tong may malisya kung mag-isip," iritang paliwanag ni Rossi. "Kalma lang, dude. Ano ba ang nangyari?" sabi ni Cael na halatang kararating lang. "Bakit nandito si Cael?" tanong ko kay Lay. "I invited him. Akala ko hindi ka na darating e," Lay said. Napatango na lamang ako sa sinabi niya. "Paano ako kakalma? E halos idikit na nung lalaking 'yon yung katawan niya sa babaeng 'to e. Eto naman, wala pa ding pakielam." Sabay duro niya kay Rossi. "What? It's just normal. Even yung mga foreigners na nakakasayaw ko back then sa New York, ganun din. Ang hirap kase sa'yo ginagawa mong big deal ang lahat!" sigaw ni Rossi kay James. "Woah, easy guys. Pag-usapan natin 'to ng maayos. Huwag nating idaan sa init ng ulo," singit naman ni Lay. Pinaupo naman sila ni Lay. Tahimik lang silang nakatingin sa magkabilang direksiyon. Habang kinakausap naman sila ni Lay, hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Cael. Nalaman ko lang nang kinausap niya ako. "I thought you're not coming, busy ka daw kasi sa schoolworks mo," sabi niya. "Konti na lang naman yung natira. Besides, having bonding with Lay and James. Bibihira na lang namin 'to nagagawa e," sabi ko. But I know to myself that this is not just a simple bonding, kailangan ko sabihin sa kanila. All I need to do is to explain it to them simply. "Sobrang close niyo talaga no?" "Yeah, since we we're kids magkakasama na kami. Siguro ganoon talaga. Napatatag na namin yung bond namin," I said while looking at Lay who's still talking with James and Rossi. I don't want to lose that strong bond na namamagitan sa aming tatlo. Maybe for someone, yung gagawin kong ito sa tingin nila ay hindi big deal. But for us, it is. One thing na mahalaga sa amin ay 'yong tiwala namin sa isa't isa. And I don't want to break that. "Sana gano'n din tayo," he said while looking straight into my eyes. Natahimik na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Napagitla na lamang ako ng lumapit sa amin si Lay. "Nagpaalam na sa'kin si James na ihahatid na daw niya si Rossi. Ipaalam ko na lang daw sa inyo." Umupo siya at ininom ang alak na nasa shot glass. I guess next time ko na lang sasabihin sa kanila. "Ihatid ko na kayong dalawa? Medyo lasing ka na din Lay. Balikan mo na lang 'yong kotse mo dito," sabi ni Cael. Tinanguan naman siya ni Lay. "Sige, par. Medyo tipsy na din ako. Hindi ko na maihahatid si Avy. Baka maaksidente pa kami. Good thing, I invited you here." Tumayo na kami at nagpunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Cael. Inalalayan naman ni Cael si Lay pasakay sa back seat ng sasakyan. I went to the shot g*n seat at nagsuot na ng seatbelt. Napagdesisyunan naming unahin ng ihatid si Lay sa kanila. Kumakanta-kanta pa ito habang nag-hehead bang. Maya-maya din ay natigil na siya dala siguro ng pagod. Pagdating namin sa bahay niya ay pinagbuksan pa siya ni Cael ng sasakyan. "Ingatan mo si Avy a. Kapag 'yan nagkagalos, sasapakin talaga kita. Makita mo," rinig kong banta ni Lay kay Cael. Napa-face palm na lamang ako. "Don't worry, kahit hindi mo sabihin. I'd still do it," he said. Nakita ko naman ang pagtingin niya sa rearview mirror na siyang nagpagulat sa akin. Iniwas ko na lamang ang tingin ko doon at tinuon ang aking pansin sa cellphone ko. Ilang sandali pa ay sumakay na siya sa sasakyan. Kaming dalawa na lang ang natitira sa sasakyan. It's a little bit awkward for me. I guess it will be a long ride for me. I suddenly heard him chuckled. Napatingin naman ako bigla sa kaniya. "Hey, Avy. Loosen up. I won't bite you." He paused for a second. "Unless, if you want me to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD