Chapter 9

1506 Words
Sa wakas! Natapos ko na din ang lahat ng kailangan kong habulin sa bawat subjects. This week has been a hell of a week for me. I limit myself from browsing on my social media accounts. Bukod kasi sa medyo marami yung hahabulin ko, nadaragdagan pa siya bawat araw. Kaya medyo stress din ako. Now, I can finally do whatever I want. Yipee! Nang gabi din noong ginagawa ko ang mga kailangan kong gawin, narinig ko na umuwi na din sila mama. Hindi ko na sila nasalubong dahil umalis din daw sila. As usual, welcome party. Especially, my mother and my father are into business industry. It's weekend, maybe we can have us three a bonding. But if they're busy, aayain ko na lamang sila Lay. Bumaba na ako para mag-almusal. Naabutan ko naman silang kumakain ng almusal sa garden. Napansin naman agad ako ni mama. "Goodmorning, darling. Kumusta ang tulog mo?" tanong sa akin ni mama. I kissed her cheeks and sit beside her. "Ayos lang naman ma. Medyo magaan matulog kase walang masyadong iniintindi," sagot ko. Tumango naman siya sa akin pagkatapos ay nginitian ako. "That's good to know, iha." "Ma, pa. Busy ba kayo ngayon? Gusto ko sanang magkaroon tayo ng bonding. Antagal na nung huli tayong nagsama-sama," sabi ko sa kanila. "I'm sorry, honey. May mga appointments kami ng daddy mo sa mga investors and clients natin. Maybe some other time, okay?" Tanging tango na lamang ang nagawa ko. Naiintindihan ko naman. Hindi naman ako ganoon ka-selfish. "Try to contact Kenji para may kasama ka," suhestiyon ni papa. Medyo kinabahan naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Ah... Busy po siya pa." "It's been a while since I last saw him. Masyado atang busy ang batang 'yon. Well, I understand him. Para naman 'yon sa future niyong dalawa." Isa rin ito sa inaalala ko. Baka mag-away si papa at si tito. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan ni papa at ni Tito Kenzo. "Pa, kina James at Lay na lang po muna ako magpapasama," sabi ko na lang. "Sige lang, iha. Don't worry, may appointment ako sa kaniya this week. I'll talk to him," he said then he smiles at me. Hindi ko alam kung ngiti pa ba ang ginawa ko o ngiwi. Abot langit na ata ang kaba ko. Hala! Magkikita sila ni papa. Malaking g**o ito pagnagkataon. Alam na kaya ni tito na nakabuntis si Kenji? "Pa, may sasabihin pala ako sa'yo," panimula ko. Bahala na si batman. "Go on ija. What is it?" Before I could speak, his phone suddenly rang. Bago ko po siya mahabol ay tumayo siya at lumayo sa amin. I heavily sighed. Ano ang gagawin ko? Naramdaman ko namang tumayo si mama sa gilid ko. "Honey, mauuna na ako. May hahabulin pa kaming appointment." She then checked her wrist watch. She leaned in and kissed me on my cheek. "Mamaya na lang, okay?" "Sige po. Ingat po kayo," sabi ko. Wala na akong nagawa kundi ang magpaalam sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sila James na magkita-kita kami ngayon. From: James Sorry, pren. Hindi ako pwede ngayon. Next time na lang, promise. Wait, text ko si Lay na samahan ka. Sinabi ko namang ayos lang at naiintindihan ko. Maya-maya pa ay nakatanggap na ako ng text mula kay Lay. From: Lay Hindi din ako pwede ngayon pren. Sorry, hinahabol ko kasi yung mga binigay samin na activities. Tanong ko si Cael kung free siya. Kahit na medyo naiinis ako kasi pinagpasa-pasahan nila ako na parang bola. Nag-text pa din ako kay Lay na huwag na. Pero nalaman kong huli na ng nakita ko ang text ni Cael sa notification ko. From: Cael Just wait for me. I'm almost there. Pagkabasa ko ng message niya, it's like my heart wants to get out of my chest. Sobrang bilis ng t***k nito. Ilang sandali ay narinig ko ng nag-ring ang doorbell. Sinabihan ko naman ang maids namin na ako na ang magbubukas. I opened the door and saw Cael standing there wearing plain black t-shirt and pants. Pinapasok ko naman siya at pinaupo sa couch. "Hindi ka pa nakaayos?" tanong niya sa akin. "Hindi muna ako nag-ayos. Mamya may biglang urgent na kailangan mong puntahan e. Sayang lang," sagot ko sa kaniya. "Avy pagsinabi kong pupunta ako, pupunta ako. Hindi ako talk-shit." "Sinisigurado ko lang naman. Mahirap na," katwiran ko. "Okay, fine. Mag-ayos ka na. Hintayin na lang kita dito." Umakyat na ako at nagsimulang mag-ayos. I wear a Mom pants and a white floral blouse with a short flutter sleeves. Pinartneran ko ng slip ons na sapatos. Pagkatapos kong magsuklay ay bumaba na ako. Naabutan ko pang umiinom ng juice si Cael. Binaba naman niya ito atsaka tumayo. "Ano? Tara na?" aya niya habang pinaglalaruan ang susi sa daliri niya. Agad naman akong tumango bilang sagot sa kaniya. Iniabot naman niya sa akin ang helmet niya. Hindi pala niya dala ang kotse niya. Sumakay na siya at ganoon din ako. Kumapit naman ako sa damit niya. "Ayusin mo ang kapit," sabi ni Cael. Nilagay naman niya ang kamay ko payakap sa kaniya. "Ayan, ganiyan. Higpitan mo a." "Ano ba naman 'to? Mamya kung anong isipin ng makakita sa atin. Baka ma-issue pa tayo nito," reklamo ko. "Mamili ka issue o buhay mo?" tanong ni Cael. "Tinatanong pa ba 'yan? Syempre buhay ko." "Iyon naman pala e. Huwag ka na masyadong maraming inarte. Gusto ko ding ligtas ka. Nevermind the issue as long as you're safe." Tumahimik na lamang ako. Yeah, he's right. "Saan nga pala tayo pupunta?" he asked me. "Pumunta muna tayo ng mall. May bibilhin lang ako doon." "Alright." Pinaandar na niya ang motor niya at pumunta na kaming mall. Gulong-g**o ang buhok ko ng makarating kami ng mall. Sinuklayan ko naman ito saglit gamit ang daliri ko. Tinulungan pa ako ni Cael. Nagpunta akong bookstore at bumili ng mga kailangan ko para kung sakali na magkaroon ng susunod na activity. Nagpahintay na lamang ako kay Cael sa labas. Pagtapos ko ay sakto namang salubong niya sa akin habang kumakain ng ice cream. "O ice cream." sabay bigay niya ng chocolate ice cream na tinanggap ko naman. "Ayan na 'yon lahat?" tanong niya. "Yes, mag-lunch na tayo?" aya ko sa kaniya. Napagdesisyunan na lamang namin na kumain sa isang fastfood chain. Si Cael na ang um-order para sa aming dalawa. Ibinigay ko naman ang bayad ko para sa order ko. In-insist naman niya na libre na lamang daw niya ito sa amin. Ilang minuto kaming nagtalo dahil sa bayad pero sa huli ay pumayag na lamang ako. While waiting for Cael and our order, I saw a familiar figure. Hindi ako pwedeng magkamali. It was Kenji. Mag-isa lang kaya siya? Nasagot naman ang tanong ko ng makita ko 'yong babae na sumugod sa akin sa coffee shop. Masaya itong binibigay ang order kay Kenji habang naka-angkla ang braso nito sa kaniya. Mukhang kabuwanan na nito at anumang oras ay manganganak na. Kinuha ko ang promo menu ng fastfood chain at tinakip ito sa mukha ko. Mabuti ng hindi nila ako makitang dalawa. "What are you doing? May pinagkakautangan ka ba?" tanong ni Cael. Kasama naman niya ang isang crew na hawak ang isa pang tray kung saan nakalagay ang order namin. Umayos naman ako ng upo at tinulungan silang ilapag ang order namin sa table. Habang kumakain ay nakita ko si Kenji kasama yung babae dala-dala yung tinake-out nila. Mukhang palabas na ata sila. "Sino ba tinitignan mo diyan?" tanong ni Cael. Nakisilip na din siya sa akin. "Wala." Sabay subo ko uli. Medyo binilisan ko ang kain ko hanggang sa nasamid ako. "Dahan-dahan lang kasi. Ba't ka ba nagmamadali diyan? Mahaba pa ang araw," suway ni Cael sa akin. Kinuha ko ang iniabot niya sa aking tubig. Ininom ko ito agad. Hindi ko na uli tinangka pang bilisan ang pagkain ko. Hindi ko naman na sila maabutan uli. After we ate, pinakiusapan ko si Cael na kung pupwede ay dumaan kami sa isang boutique shop. Pumayag naman siya. Sinamahan naman niya akong magtingin-tingin ng mga damit. Napansin ko naman sa may kids section sila Kenji. OMG! Hindi pa pala sila naka-uuwi. Dahan-dahan naman akong yumuko. Pansin ko naman ang pagtataka ni Cael sa ginagawa ko. "Anong ginagawa mo? Nag-aalala na talaga ako." "Hush, Cael! Just don't mind me," I irritatedly said. Hinayaan naman niya ako sa ginagawa ko. Hindi ko naman napansin ang dinadaanan ko kaya nabunggo ako sa kung sino man. "s**t! Hindi mo kas—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng nilingon ko siya. Sabay pa kaming nagulat. "Anong ginagawa mo rito, pren?" tanong niya habang gulat pa din na makita ako. It was James. Napansin ko naman ang mga dala niyang nagbagsakan. Kanino 'yan? Mukhang mga pambabae. Mayroon na akong hint kung kanino 'yong mga paper bags na nagbagsakan. Kaya pala siya busy. "Sechan! Nasa lapag na 'yung mga pinamili ko o." Turo nito sa mga paper bags sa lapag. Halata naman ang pagka-irita sa mukha nito. Pinulot naman niya ito. Hays! Ginawa na niyang bodyguard si James. Natauhan naman ako ng maalala ko ang ginagawa ko. Nanlalaki ang mata kong napatingin kina James habang halata naman ang pagkalito nila. Oh no! James is here. Patay na! Malalaman na niya agad. I should do something. Mahirap na pagnagkagulo dito sa mall. What should I do?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD