"O bakit parang nakakita ka ng multo, pren?" tanong naman sa akin ni James. Panay naman ang lingon ko sa magkabilang gilid. Huwag nawa naming makasalubong sila Kenji. It will be a great disaster.
"Wala ito," sabi ko sa kanila.
"Anong wala? Sigurado ka bang ayos ka lang? Kanina pa ang lingon mo diyan. Baka mabalian ka na ng leeg kakalingon," birong sabi ni James.
"Ayos lang ako. Wala 'to," I simply said. Tinry ko naman pagaanin ang atmosphere para kahit papaano ay mapaniwala ko silang ayos lang ako kahit na hindi.
"Sechan, daan tayo doon sa kid's section. Birthday ni Reina bukas. Nakalimutan kong bilhan ng regalo," sabi ni Rossi. Naalerto naman ako sa sinabi ni Rossi. Inunahan ko pa silang maglakad.
"O pren, hintay lang. Mas nauna ka pang maglakad kaysa kay Rossi."
Kung alam mo lang James kung bakit ako nagkagaganito.
Sinilip ko ang bawat aisle ng store na ito. Mukhang umalis na ata sila. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ko na makita si Kenji at 'yong babae.
"Teka parang kilala ko 'yon a? Si Kenji ba 'yon?" Sabay turo ni James. Sinundan ko naman ang tinuturo niya. Oh no!
"Pren, si Kenji o. Tara puntahan natin," aya niya. Napangiwi na lamang ako. Napatingin naman sa akin si Cael, halata ang pag-aalala sa mukha niya.
"Kenji!" tawag ni James. Gulat naman siyang hinarap nito. Ang ngiti niya kanina ay napalitan na ng pagkabalisa.
"O, James..." Napatingin naman siya sa akin. "Avy, andito ka din pala. Magkasama kayo?"
"Hindi, nagkasalubong lang kami diyan," James explained. Hinahayaan ko lamang silang mag-usap. Tinabihan naman ako ni Cael. Nakita ko naman sa malayo na papalapit na 'yong babaeng kasama ni Kenji.
Shit! Hindi p'wede 'to!
"Ah James, mauna na tayo. Mukhang may gagawin pa ata si Kenji."
"Eto naman si pren. Ngayon na nga lang kayo nagkita ni Kenji," pabirong sabi nito. "May gagawin ka p—"
Hindi pa niya natapos ang itatanong niya ng biglang dumating 'yung babaeng nabuntis ni Kenji. Heto na nga ba ang sinasabi ko.
"Hey, hon. What do you think? Ang cute nila parehas. Should I get the blue one or the pink one?" tanong nito kay Kenji.
"Ah miss, mukhang naligaw ka ata. Wala po dito 'yong asawa niyo po. Umalis po ata," sabi naman ni James. Nagtataka naman itong lumingon kay Kenji atsaka binalik uli sa amin ang atensiyon niya.
"Huh? Hindi naman ako iniwan ni Kenji," sagot nito.
"Kenji? Sino pong Kenji? Siya po ba?" Ramdam kong naging seryoso na ang boses ni James. Nakita ko kung paano kinuyom ni James ang kamao niya ng tinanguan siya noong babae.
"Teka! 'Di ba ikaw yung kabit ng asawa ko?! Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba talaga titigil?!" galit na tanong nito. Plano sana niya akong sabunutan pero hinigit sita ni Kenji.
"Bea, not here. Huwag kang mageskandalo dito," bulong na pigil ni Kenji sa babae.
"I'm not! Nandito yung kabit mo tapos gusto mo chill lang ako?"
"Excuse me? Sinong tinutukoy mong kabit?" tanong ni James doon sa Bea. Tinuro naman ako nito. Nasapo ko na lamang ang mukha ko.
Now, ito na talaga ang g**o.
I can see how James' eyes is burning like flames. Katulad noong nagalit siya kay Rossi pero mas matindi ngayon. Bigla namang kinwelyuhan ni James si Kenji.
"Anong kabit?! Ginawa mong kabit 'yong kaibigan ko?!" sigaw ni James. Nagtinginan naman sa amin ang ibang mamimili. Pati ang sales lady di na alam ang gagawin. Nakita ko naman si Cael na nakatayo lang sa isang gilid.
"Cael do something!" iritang sigaw ko rito.
"I won't. Kung ako si James, ganiyan din ang gagawin ko."
"What?! Gusto mo bang tuluyan ng magkagulo dito?" Pati 'yong nabuntis ni Kenji na si Bea ay nakitulong na din sa pag-awat. Hindi na kinaya ng pwersa naming pigilan sila kaya tuluyan ng nasapak ni James si Kenji. Pinaibabawan siya ni James at patuloy na sinapak.
"Gago ka pala e! Ginawa mong kabit si Avy!" galit na sigaw nito habang sinusuntok si Kenji. Hindi naman ito lumalaban. Tinatanggap lang ni Kenji lahat ng suntok ni James. Nilapitan ko sila at sinubukang awatin si James.
"Tama na James! Huwag mo na siyang suntukin."
"Anong tama na?! Pren, wake up. Ginago ka ng lalaking to o!" galit na sabi niya.
"Alam ko..."
Napahinto naman si James sa pagsuntok kay Kenji. Tumayo siya at nilapitan ako. Punong-puno ng pasa ang mukha ni Kenji, pansin ko din ang putok na labi nito.
"You knew?! Hindi mo man lang sinabi sa amin?" hindi makapaniwala niyang tanong. Sinubukan ko naman siyang hawakan pero hinahawi niya lamang ito.
"I swear, sinubukan kong sabihin pero ayokong magkagulo. Humahanap lang ako ng tamang tiempo," sabi ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
"Para saan pa 'yong pagkakaibigan natin? We want to help you. We want to comfort you. Hindi mo naman kailangan sarilinin. You know that we always got your back."
Tanging iyak na lamang ang nagawa ko.
"Akala ko ba para na tayong magkakapatid? Bakit kailangan mong maglihim? Nangako tayong walang sikreto, 'di ba?"
"Sasabihin ko naman. Naunahan lang ako ng pangyayari."
Dumating na ang security guard at tinulungang tumayo si Kenji. May isa na ding sales lady na may dala ng first aid kit para gamutin ang sugat nito na natamo mula sa panununtok ni James. Napahilamos naman sa inis si James.
"Hinayaan mo lang na gaguhin ka nito. Gano'n ba tingin mo sa'min? Hindi ka kayang protektahan?" Umiling lamang ako bilang sagot.
"Alam ba ito ni tito?" tanong sa akin ni James.
"No, hindi ko pa sinasabi. Ayokong masira ang pagkakaibigan niya with Tito Kenzo," I said between my sobs.
"What?! Balak ka pang gawing kabit tapos hindi mo sinasabi?"
"Tsaka we've already talk—"
"Still! My point is you should orient us. Para matulungan ka namin at 'di kami nagmumukhang tanga dito."
"I'm sorry," tanging 'yon na lang ang nasabi ko. Napasigaw na lang siya out-of-frustration.
"I'm going to tell tito about this," he firmly said.
"No, James. Huwag muna. Ako na ang magsasabi." Pigil ko sa kaniya. He heavily sighed.
"Sige, pero siguraduhin mong sasabihin mo. Kung hindi, ako na ang magsasabi sa kaniya."
Kinuha niya ang paper bags tsaka nag-walk out. Ilang segundo pang napatitig sa akin si Rossi na halatang gulat sa mga nangyari. Kalaunan ay sinundan niya si James.
"Avy, I'm really sorry na naidulot ko sa'yo," Kenji said. Nakalapit na pala siya sa akin. Pansin ko pa din ang pamamaga ng mukha niya kahit nagamot na 'yong iba niyang sugat. Hahawakan sana niya ako ng iniwas ko ang sarili ko.
"Huwag mo akong hawakan." Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Umalis na tayo," sabi ko kay Cael. Tinatawag pa ako ni Kenji pero hindi ko na ito pinansin. My goal for now is, maging maayos kami ni James. Iniabot sa akin ni Cael ang spare helmet niya.
"Ano ng plano mo?" tanong sa akin ni Cael.
"Hindi ko alam. Siguro, aayusin ko muna yung sa amin ni James." Sinubukan ko namang tawagin si James pero mukhang nakapatay ang cellphone niya. I should've said it before. Hindi sana ganito kagulo ngayon.
"I think, hayaan mo muna siya ngayon," sabi ni Cael. Hindi ko naman siya pinansin at patuloy pa ding tinawagan ang cellphone number ni James. Nang hindi talaga sumasagot, tinry kong tawagan si Lay. Sana alam ni Lay.
"Hello, pren. Bakit?" tanong ni Lay mula sa kabilang linya.
"Tinext ka ba ni James. Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Hindi e, pero alam ko magkasama silang dalawa ni Rossi sa mall."
"Wala na sila sa mall. Nagkita kasi kami do'n. May nangyari kasing..." Napaisip ako kung sasabihin ko kay Lay ang nangyari o hindi. "I'll tell you pagnagkita na lang tayo."
"Sige pren, try ko ding contact-in si James. Then tanungin ko kung nasaan siya. Text na lang kita pag-alam ko na."
"Sige sige. Hintayin ko na lang. Salamat Lay." Pinatay ko na ang tawag.
"Huwag mo muna siyang hanapin ngayon. Hayaan mo munang lumamig yung ulo niya. Lalo lang kayong mag-aaway. Pahupain mo muna yung galit niya, huwag mong ipilit ngayon," mahabang lintanya ni Cael. He has a point. Baka hindi kami lalong magka-ayos ngayon. Tinanguan ko na lamang ang sinabi ni Cael.
I sighed. "Ihatid mo na lang ako sa bahay. Gusto ko ng umuwi."
Pinaandar na niya ang motor niya at hinatid ako sa bahay ko. Bumaba ako at binalik sa kaniya ang spare helmet niya.
"Huwag kang mag-alala. Magkaka-ayos din kayo. Magagawan mo din ng paraan ang lahat."
Nginitian ko naman siya. "Sana nga maayos ko pa. I can't afford to lose James. To lose the both of them."
"Trust me, magkaka-ayos kayo. If you need anything or someone who would listen to your rants, you know who to call. Isang tawag or text mo lang, asahan mong pupunta ako."
Gumaan naman ang pakiramdam ko ng marinig ko ang sinabi niya. Atleast, I know that I'm not alone. Hinintay naman niya akong makapasok sa loob ng bahay bago siya umalis.
I'm lucky that I have Cael.