This is wrong! I know na kagagaling ko lang sa isang failed relationship o kung relationship pa bang matatawag yon kahit hindi naging kami. I'm not an asshole to use him para lang kalimutan si Kenji. Siguro ay nadadala lang ako sa sinabi niya. Tama, ganon na nga siguro. I'm not falling. I won't fall for him.
Sabay naman kaming napalingon sa gawi kung nasaan ang maid na kanina pa pala kami tinatawag.
"Ma'am, andito na daw po si sir James at sir Lay. Hinihintay po kayo sa baba."
"Pakisabi papunta na ako," I said and smiled at her.
I faced Cael after the maid leaves.
"Look, Cael let me clear this things to you. You are not falling for me, okay? Nadala ka lang siguro ng mga pangyayari these past few days or nakaramdam ka lang siguro ng awa sa'kin because of what happened that day. You are just confused," I said. Ayan mabuti na ang malinaw ang lahat habang maaga pa.
I walk through the door para mapuntahan na sila Lay pero hindi pa man din ako nakakalampas ay napatigil ako sa sinabi niya.
"What if I am? Would you catch me? Kase hulog na hulog na'ko, Avy. Hulog na hulog na. God knows, I tried to fight this feeling pero wala. Talo pa din," he said. I can see on my peripheral view how he brushes his hair frustratedly.
I sighed at umiling. No Avy! Don't fall for his words. Kakagaling mo lang sa isang sakit. I won't let someone hurt me again.
"Hindi yan, Cael. Trust me. Guniguni mo lang yan," I said without facing him.
"Sana nga Avy, hindi nalang. I hope that it was just an illusion, kase hindi ko na alam kung paano aahon sa hukay na ako din ang gumawa."
Hinawakan ko ng mahigpit ang doorknob to get some support. I know that anytime in this moment ay maaari na akong bumigay, hindi lang dahil sa sakit na mayroon ako kundi pati na din sa bawat salitang sinasabi niya.
I shook my head on that thought and decided to exit my room, to meet James and Lay, who are now waiting for me downstairs.
"Pren, kumusta ka na?" James said.
"A-ayos lang naman. Eto paggaling na'ko," I said and force myself to smile. Kinapa kapa naman niya ang noo at leeg ko sabay tango.
"Mabuti naman pren kung ganoon. Basta magpahinga ka lang para dirediretso na ang paggaling mo," sabi niya tsaka ako nginitian. I also smiled back at him.
Napatingin naman sila sa gawi ni Cael na ngayon ay bumababa na galing sa kuwarto ko. I can already sense the heavy atmosphere between us four here.
I forget to warn him na hintayin muna kahit papaano na makaalis kami dito sa sala para kunsakali ay hindi siya mapansin na galing sa kuwarto ko. Samu't saring tanong na naman ang aabutin ko mula kay James and Lay nito.
What a clumsy move, Avy!
Even na nasa dining area na kami ay nananatiling tahimik parin kaming tatlo, tanging si Lay lang ang maingay. Well, I’m glad that Lay is here, kahit papaano ay medyo nagiging light ang atmosphere.
“Ansarap naman nito! Sino ang nagluto?” Masiglang tanong sa akin ni Lay. Bago ko pa man masagot ito ay nagsalita na si Cael.
“It’s me,” tipid niyang tugon.
Natigilan naman si Lay doon at tinanguan si Cael. Mga ilang sandali pa ay pinili na lamang niya na tumahimik din.
“Magaling ka palang magluto, Cael. Lutuan mo naman ako minsan,” pagbasag ni Lay sa katahimikan. I’m not sure but I know that Cael and James we’re friends but he’s more close to Lay. I can’t blame Lay for that, after all sa kanilang dalawa ni James, he's more approachable. Kaya siguro madami din siyang babae. I wonder if makapag-stay pa siya sa isa. I really hope so.
“If you would help me, I would gladly do cook for you," he said looking at me without breaking it, kahit na si Lay naman talaga ang kausap niya. I don’t know if Lay notices that Cael is looking at me. It makes me nervous a little bit, I think there is something wrong would happen later. Ikinatuwa naman ni Lay ang sinabi niya.
“Sure! What is it?”
“Help me court Avy," diretsong sabi niya at nginitian ako. My face was draw in shocked. Hindi niya pa din inaalis ang titig niya sa’kin.
Seriously, Cael? Talagang dito mo pa sinabi 'yan?
Nakita ko naman ang pag-iba ng timpla ng mukha ni Lay. I know that pag ako na ang usapan, overprotective na sila. What can I do? We’re like siblings. Para bang isa akong diyamante na protektado ng dalawang malakas na bantay at bawal hawakan ng kung sino man.
Nagulat na lamang kami sa biglaang pagtayo ni James and the next thing we knew, Cael was laying on the floor with James on the top—punching him simultaneously. Agad namang tumayo si Lay at sinubukang pigilan si James sa ginagawa kay Cael.
My gosh! Cael, why did you say that? Pinagulo mo lang lalo ang sitwasyon.
Even though, I don’t like what he said a while ago, my heart sank looking at him with those bruises at his face. He's just accepting all of James' punch on him.
I tried to stop them but I can’t. Hindi pa sapat ang lakas ko dahil hindi pa naman ako gaanong naka-rerecover sa sakit ko. Sumasakit na naman ang ulo ko. Arghhhh!
I'm going to scream at paghindi pa ito gumana, bahala na sila sa buhay nila. Magpatayan pa sila diyan kung gusto nila.
“Can you just two stop?!” I screamed loudly. I’ve noticed na natigil naman sila sa away nila. James stand up with Lay holding him and so as Cael touching his swollen lips because of James' punches. Aba, mabuti naman tumigil na din sila.
Napahawak naman ako sa ulo kong kumikirot na ngayon. I should be resting, hindi iyong naiistress ako dito.
“Are you alright, Avy?”
“Ayos kalang pren?”
Sabay nilang tanong sa’kin dahilan para mabaling ang atensyon ko sakanila. I just want a peaceful day from recovering from this stupid illness na ako pa ang piniling kapitan. Nakakabwiset!
“Pwede ba?! Kung magsusuntukan o magpapatayan kayo, huwag kayo dito sa bahay ko!” galit na sabi ko. Tinamaan na din ako ng hilo dahilan na muntik pa akong matumba but I refrain them for helping me out.
I really just want to rest on my bed right now. Ipapahinga ko nalang ulit siguro ito. As soon as I entered my room, I sat down on my bed. Hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si James. Nakatayo siya sa hamba ng pintuan, hinihintay niya siguro ang 'go-signal' ko na papasukin siya sa kuwarto ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, napagdesisyunan na niyang tumuloy. Umupo siya sa kama katabi ko. Tinantiya niya pa kung dapat ba na magsalita na siya. Narealize niya ata na wala akong balak magsalita kaya nagsalita na siya.
"I'm sorry pren, I shouldn't punch Cael's face. Hindi dapat ako nagpadala sa naramdaman ko kanina," panimula niya. "You know that we just want to protect you from heartbreak, right?"
Agad naman akong napatingin at napatango sa sinabi niya. Alam ko naman iyon. Lalo na siguro pagnalaman niya yung nangyari sa amin ni Kenji. Baka bigla nalang silang magbantay sarado sa akin ni Lay. I don't know how to tell them. Panigurado malaking g**o iyon. Knowing James and Lay, hindi sila matatahimik hanggat hindi nila ako naigaganti.
"It's alright pren, I think I just become sensitive because I'm not really fully recovered from my sickness. But thank you sa concern." I tapped his shoulder. He just smiled at me and then tumayo na siya.
"By the way, mauuna na pala kami ni Lay pren para makapagpahinga kana diyan. Pinauwi na din ni Lay si Cael kanina. Magpahinga kang mabuti para gumaling ka na. Huwag ka muna masyadong magpa-stress, kami na muna bahala," mahaba niyang lintanya.
Tinanguan ko lamang siya at pinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko naman na isinarado na niya ang pinto hudyat na nakaalis na siya.
I'm glad James didn't open up too much about what happened earlier. I thought na sasagot ako ng sandamakmak na tanong. Well, maybe I'd just prepare an answer for that in case na bigla niyang itanong pagmagaling na ako. I also need to plan on how would I tell them as soon as possible, about me and Kenji's status ng hindi sila nagwawala ni Lay.
Sumakit na naman ang ulo ko sa kaiisip ng paraan kung paano ko maayos ang mga posibleng problema na kahaharapin ko sa susunod na araw. Narinig ko naman tumunog ang cellphone ko sign na may nagtext. Bumangon ako upang hanapin sa lapag ang nagkalat kong mga gamit kanina pero di pa man din ako nakababangon ng maayos ay nakita ko ito na nakapatong sa nightstand ko. Ngayon ko lamang napansin na nakaayos ang mga gamit ko sa nightstand na kanina ay nagbagsakan buhat ng nangyari. Inayos siguro niya.
I opened it and I see that I got a text from an unknown number. I think I know who it is.
From: Unknown Number
Hey, It's Cael. I'm sorry about earlier. Rest and Get well soon. Save my number.
I smiled because of the simple text I got from him until I realized something. How did he get my number?