Pagkapasok namin sa kwarto ay naramdaman ko namang ni-lock niya ang pinto. Agad naman akong napalingon sa'kanya.
"Anong ginawa mo?" tanong ko.
"Nilock ko yung pinto," simpleng sagot niya at nagdiretso sa tapat ng kama at hinubad niya ang kanyang pantaas.
"Huwag mokong titigan diyan. Maghubad ka na din Avy," he casually said. Napantig naman ang tenga ko sa narinig ko sa'kanya.
"Excuse me? At bakit ako maghuhubad?" mataray kong tanong. Hindi porket niligtas niya ako sa nangyari kanina ay mabilis ko ng maisusuko sa'kanya ang bataan. We're not in some sort of drama. Manigas siya!
Napailing naman ito at lumapit siya sa'ken. Napaatras naman ako sa ginawa niya.
"A-anong gagawin m-mo?" tanong ko habang patuloy padin ang pagatras.
"Edi ako na ang maghuhubad para sa'yo. "
Nakakita naman ako ng walis sa gilid kaya agad ko naman itong kinuha at itinutok sa'kanya. He suddenly stopped walking.
"Sige! Isang lapit mo pa sa'kin, ipupukpok ko sa'yo to!" I shouted.
"s**t! What are you thinking? Linisin mo nga yang utak mo. Masyado ng madumi."
"Anong madumi ka diyan? Hindi madumi ang utak ko. Sadyang may balak ka lang sa'kin," I said habang hawak hawak padin ang walis.
"What?! I can't believe you," He frustratedly said at biglang tumawa. Medyo ibababa ko na sana ng biglang humakbang siya kaya naalerto ulit ako.
"Woah, easy there. Wala akong balak na masama sa'yo. I just thought you needed some help diyan sa damit mo. Come on, Avy baka sipunin kana." Napanatag naman ako kahit papano sa sinabi niya.
"Eh bakit ni-lock mo yung pinto?"
"I don't want some intruders to enter our room. Mahirap na baka lasing pa. Ayoko pang masapak nila Lay," biro niya.
"Ahh..." I paused until naalala ko yung kanina, "What do you mean doon sa sinabi mo kanina?"
"Alin don?"
"Yung kanina nga!" inis kong sigaw. Hanggang mamaya babatukan ko na talaga 'to.
"Alin nga? Hindi ko alam. Sabihin mo kase!" Naiirita niyang sabi.
"Yung pagpapainit!" I suddenly burst out. Napatakip naman ako sa mukha ko sa sobrang kahihiyan. Masyado na'kong pinapahamak ng mga naiisip ko.
"Oh that." He come forward at may kinuhang remote sa gilid. May pinindot siya doon at nagulat ako ng biglang nagsindi yung fireplace. Cool! May ganito pala sila dito.
"Nakita ko kase sa banner nila sa labas. See?" Sabay turo niya.
Napatango naman ako sa sinabi niya. May point nga naman siya. Siguro nga kailangan ko talagang linisin yung utak ko. Shet naman!
"Linis linis din kase minsan," pang-aasar niya. Grr nakakainis! Inismiran ko nalang yung sinabi niya.
Pinauna naman niya ako maglinis ng katawan kaya di na ako nakipagtalo pa. Habang naglilinis ako ay ngayon ko lang na-realize na wala pala akong extrang damit. Gosh! Ano isusuot ko? Hindi naman pupwedeng yung suot ko kanina kase basa pa iyon.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok.
"Sandali lang! Hindi pa'ko tapos!" sigaw ko. Hala! Pano na? Nakakabwiset naman!
"Avy, I'd just put your clothes here."
I can hear his footsteps slowly fading away. Nakaalis na ata siya. Unti- unti akong nagtungo sa pinto at sumilip.
Nilagay niya pala iyon sa mesa kalapit ng pinto. Mabilisan ko itong kinuha at agad na sinuot.
Paglabas ko ay siya naman ang pumalit. Saan kaya siya nakakuha ng damit? Siguro nagpabili siya.
Inisip ko naman kung paano kami matutulog mamya. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumabas mula sa cr. Masyado na ata akong absent-minded.
"Bakit? Para kang nakakita ng multo diyan."
Inirapan ko naman siya.
"Nga pala, diyan kana sa baba matulog. Dito ako sa kama," paliwanag ko.
"Bakit sa baba ako? Anlaki laki nung kama e," sabi niya sabay higa sa kama.
"Duh? Be gentleman naman. Tsaka wala akong tiwala sa'yo."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong balak na masama. Kung gusto mo ikaw nalang sa baba," sabi niya.
"No way! Babae ako kaya dapat sa kama ako," singhal ko
"Wala namang gender ang paghiga sa kama a. Parehas lang tayong tao dito. So pwede din ako sa kamang to," he said at nagsimula ng matulog.
Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakainis man but I admit it, he's right. Arghh!
"Cael..." tawag ko sa'kanya.
"Hmm?" he lazily answered.
"Maglagay nalang tayo ng unan sa gitna pangharang," I suggested. Medyo parang naiinis pa siya dahil nagambala ko ang tulog niya pero sinunod na niya lang. Manigas ka yan pinili mo e!
"Oh ayan, siguro naman makakatulog ka na ng maayos Avy," sarkastikong sabi niya na agad ko namang tinanguan.
"Thanks," I said even though I know that he won't hear it anymore.
I started to close my eyes at hinayaang tangayin ako ng antok na kanina ko pa nararamdaman. Ilang araw na ang nakalipas at pasukan na namin ngayon. But sadly to say, nagkasakit pa'ko. Bwiset naman!
"Pren, puntahan ka namin ni Lay diyan mamya pagkatapos ng klase. Dadalhan ka namin ng lugaw," James said on the phone. How thoughtful.
"Salamat pren," I said kahit diko alam kung naintindihan niya dahil sa hinayupak na sipon. Bumaba na din kahit papaano ang lagnat ko kanina. Siguro dahil sa sobrang sama ng loob ko at dahil dun sa nangyari na naulanan ako kaya nagkasakit ako ng ganito hayst.
Ibinaba na niya ang tawag para daw mas makapagpahinga na ako ng mabuti. Kinain ko naman yung sopas na niluto ng maid namin atsaka uminom ng gamot. Namimiss ko na yung pag-aalaga ni mama. Lalo na sa tuwing may sakit ako katulad ne'to. Nasa ibang bansa kase siya kasama ni papa e. May investor daw sila don. Namimiss ko na sila.
Nakakabagot dito sa bahay. Pasok na pasok na ako sa school e hayst. Maya pa ay nakarinig ako ng doorbell. Agad naman itong pinuntahan ng maid.
I was busy checking my phone ng nagulat ako ng marinig ang boses niya.
"Hindi ka dapat nagcecellphone. Sasakit ulo mo niyan," he said at nilapag ang mga dala niya sa mesa.
Bwiset na Cael! Pinapalala niya lang ang sakit ko. Sumasakit tuloy ulo ko ngayon.
"Pakielam mo ba? Paano mo nalaman na maysakit ako? Atsaka bakit ka nandito? As far as I know may klase ngayon."
"Sinabi sa akin ni Lay. I was so worried so I came up here and bought you foods and medicine para gumaling kana agad," he said then he smiled at me.
"Salamat pero walang may kailangan ng pag-aalala mo dito. We have maids here Cael, isang tawag ko lang nandiyan na sila."
"Ouch naman," sabi niya at hinawakan ang dibdib na para bang nasasaktan.
"Masakit Avy, Ouch!" Arte niya.
"Kung nasasaktan ka, magpunta kang ospital. I'm not in the mood to ride with your stupid act."
"Then don't ride with my act," he paused at tumabi sa'kin. "Instead, ako nalang ang sakyan mo. What do you think?" he naughtily said while raising his eyebrows.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Agad ko namang binato sa'kanya yung pillow na nasa sofa namen.
"Walanghiya ka! Nandidilim paningin ko sa'yo. Lumayas ka!" sigaw ko. Napahawak naman ako agad sa ulot ko. Shet! Ansakit.
"Hey Avy, I was just joking. Ayos ka lang ba?" nagaalala niyang tanong at lumapit sa'kin.
"Pinapalala mo lang ang sakit kong hinayupak ka." Inalalayan naman niya akong umupo sa sofa.
"Ikaw naman kase e. Kung makakilos ka kala mo wala kang sakit," sabi niya sabay iling. Hindi ko na lamang siya pinansin. Umupo ako sa sofa at sinandal ang ulo ko. Parang binibiyak yung ulo ko.
"Doon ka nalang kaya sa kuwarto mo matulog?" Suhestiyon niya. Tinanguan ko na lamang siya.
Pagtayo ko ay medyo nahilo pa'ko. Agad naman niya akong inalalayan. Tatanggalin ko na sana ng hinigpitan niya ang kapit pero hindi naman ganoon ka-sakit.
"Wag ka munang magpakipot ngayon. Tsaka mo na'ko awayin pagmagaling kana."
Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan siya na alalayan ako. He guided me in the stairs then we went to my room.
I lay down on my bed and closed my eyes.
"Ayos ka na ba? Is there anything you need?"
"Thanks pero wala na. You can go now. Makakahabol ka pa sa next subject mo."
"No, I'd stay with you."
Napangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano tingin niya sa'kin? Lumpo? May lagnat lang ako pero di pa'ko retarded.
"Umalis kana. As I have said kanina may mga maids dito. Atupagin mo nalang yang pag-aaral mo." Pilit ko sa'kanya. Minuwestra ko naman ang kamay ko na parang tinataboy siya.
"Sige na Cael."
He sighed then naramdaman ko naman na nakaalis na siya sa tabi ko. I let myself sleep dahil sa sakit ng ulo ko. Nagising na lamang akong uhaw na uhaw at nilalamig.
"Y-yaya..." nanghihina kong tawag. Hindi ata nila ako narinig kaya I try to stand up. I reach out my bedside table atsaka kumuha ng lakas para makatayo.
As I try to stand up bigla na lamang nanghina ang tuhod ko dahilan para magbagsakan ang mga gamit ko na ngayon ay nandodoon na sa lapag. Nakarinig naman ako ng yabag na papunta sa'kin. Bigla na lamang nagbukas ang pinto at niluwa si Cael wearing our kitchen's apron. So sexy! Ano ba itong pinag-iisip ko?
Wait! Akala ko ba umuwi na siya?
"What happened?!" he said habang hinihingal. Nanlalaki pa ang mata niya at gulat na gulat pa dahil sa nangyari.
Agad namang nagtungo ito palapit sa'kin at chineck kung okay lang ako.
"Ano ba naman Avy?! Wag ka munang mag-gagalaw d'yan. Kinakabahan ako sa'yo."
I didn't mind what he say. Gusto ko lang namang uminom.
"T-tubig..."
Ilang minuto lang ay nakabalik na siya dala-dala ang isang basong tubig. I immediately drink it.
Feeling ko naglakbay ako sa disyerto ng ilang linggo. Kailan pa naging ganito kasarap ang tubig? Pagkatapos kong tunggain ay binalik ko sa'kanya yung baso.
Binalik ko naman ang atensyon ko sa'kanya. Halata pa din sa mukha niya ang pag-aalala.
"Pinaalis na kita a. Ba't nandito ka pa din?"
"I can't leave knowing that you're si—"
"Stop worrying about me. Hindi mo ako obligation. Kaya ko ang sarili ko," I said cutting him off. Kung kinakailangan kong maging harsh sa'kanya gagawin ko. Ayoko na uli maattached sa isang tao then sa huli iiwan ka din naman.
Sa una, they will care about you and once na masanay ka na and you started to depend on that person, aalis na lang sila bigla.
"Kaya pala muntik ka ng magkanda-tumba d'yan."
"Pakielam mo? Why do you even care? I never asked you to do so."
He heavily sighed then he frustratedly brushes his hair.
"This is so frustrating!" He said habang ginugulo ang buhok niya.
"What?!" Inis kong sabi. Kasalanan ko pa?! Hindi ko naman sinabing alagaan niya ako tapos ma-fufrustrate siya!
Palakad lakad lang siya sa harapan ko tila ba hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Nahihilo ako sa'yo. Pwede ba pumirmi ka nga," I said annoyingly but the next thing he said makes my jaw dropped in shock.
"Because I'm starting to fall for you. Alam kong mukhang mabilis but I don't care. Itulak mo ako hangga't gusto mo, I'd still stick with you like a magnet until you feel the same way."
My heart suddenly skips a beat.