10 Years Later...
"Ysa, saan ka nag-apply para sa OJT natin?"
Inayos ko ang mga libro at dinala sa bisig. Nilingon ko si Garutay na binibigyan ako ngayon ng nagtatanong na tingin.
"Sa Core Incorporated."
Lumabas kami ng classroom at tinahak ang hallway. We're heading to the next building kung nasaan sina Blacky at Butchoy.
After ten long years, me and my friends still managed to have a contact with each other kahit na nagkalayo-layo kami at hindi na nakatira sa iisang bubong. We got adopted, and the good thing is that we found each other again after three years of being away from one another. At iisa lang din ang kolehiyong pinapasukan namin ngayon.
Nasa ikaapat na taon na kami ng kolehiyo, at sa taon ding ito ay kailangan na naming sumabak sa OJT o On the Job Training. We need to experience working on our own different fields first hand. Dito ay masusubukan ang mga natutunan namin sa kolehiyo.
Tumunog ang bell at umalingawngaw sa buong eskwelahan. Nagsilabasan ang mga estudyante sa kanilang mga silid-aralan at nagsipuntahan sa kanilang mga barkada o kaibigan. Business Administration Major in Operations Management ang kinuha ko at ganoon din si Garutay. Si Blacky ay kumuha ng Nursing, si Butchoy, Culinary. Wala, mahal pa rin niya ang pagkain hanggang ngayon.
"Saan tayo kakain ngayon?" Napahilamos ako ng mukha. Kakasabi ko lang na mahal niya ang pagkain...up until now, and forever. Ayan at nagtanong na nga.
"Jabee!" Si Blacky.
May bagong tayo na Jollibee ilang lakaran lang mula dito sa Las Cosas State University. Nasa sentro ng Las Cosas nakatayo ang unibersidad, nasa bayan at medyo kalayuan sa ampunan kung saan kami naka-reside dati, kaya miminsan nalang namin madalaw sina Mother Superior doon. Busy na din kasi sa kolehiyo at...at dahil na rin ayokong maalala gaano si Max. Kapag kasi bumibisita ako sa Happy Pit Orphanage ay naaalala ko ang pang-iiwan nito. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa nito.
He left me hanging and unaided. He used to be my anchor after the tragedy of my sister's death, or atleast I thought he was... But I was wrong. Just like the others... He left, mercilessly.
Blacky took me out of my reverie when she snap her fingers in front of my face. I blinked.
"Hoy, Ysa!" Paggising pa ni Blacky sa akin.
"O-oh?"
"Ano kamo ang sa'yo at pupunta na ako sa counter."
"Burger steak nalang at pakidagdagan ng isang rice." Sagot ko.
"Kaya ang paya't-payat niyo, eh. Ang liliit ng kain niyo. Dalawang rice lang, Ysa? Dagdagan mo ng dalawa pa at hindi ka mabubusong sa inorder mo."
"Hoy, Butchoy! May mini-maintain kaming figure mga babae 'no. 'Tsaka huwag mo kami itulad sa'yo na parang pista lagi kung kumain." Asik ni Garutay sa kaibigan. "Buti nalang hindi tayo nag Mang Inasal ngayon at baka ikaw na naman ang makaubos sa isang kaldero nilang kanin." Dagdag pa nito.
"Dapat kasi sinusulit ang bayad, Garutilda... Sayang ang isang daan ko kung kyeme lang akong kumain. And besides, I love food and it loves me too..." Mapanukso pa nitong itinaas-baba ang dalawang kilay.
Inikutan lang ito ng mata ni Garutay. Tahimik lang ako sa gilid ni Garutay at pinapakinggang mag bangayan ang dalawa. Totoo naman ang sinabi ni Garutay na parang laging nasa eat-all-you-can si Butchoy kapag kumakain. Walang tapon, simot pati buto. Kaya ang resulta... Ayan at lumobo.
Pero hindi katulad ni Garutay ay wala akong mini-maintain na figure. Two cups nga ang kanin ko ngayon, eh, minsan ay tatlo pa. Si Garutay panigurado Peach Mango Pie lang ang in-order nito. Hindi kasi niya "Carbs Day" ngayon ayon sa Diet Schedule niya. Hindi ko din maintindihan ang babaeng 'to at bakit tinitipid niya sarili niya sa pagkain, pwede naman siyang kumain hanggang gusto niya at mag-exercise lang para fit pa din.
"Whatever, Bruno," pagmamaldita pa ng katabi ko kay Butchoy.
"Tsk. Real mature, kiddos. Kolehiyo na pero para parin kayo 'yong mga bata sampung taon na ang nakalipas. Walang pinagbago. Ang ma-mature niyo, ha. In all fairness." Sabat ko sa dalawa. Tinanguan ko si Butchoy at ininguso ang kinatatayuan ni Blacky na siyang nag-oorder na.
"Tulungan mo nalang si Blacky doon, Butchoy at hindi niya madadala lahat ng order natin. Panigurado hindi kakasya sa isang tray ang in-order mo." Utos ko. Napakamot ito ng ulo.
"Ang bully niyo talaga sa akin. Pinagtutulungan niyo pa ako. Karmahin sana kayo." Nakasimagot na asik ni Butchoy sa'min bago umalis.
"A-aba't..." Nakanganga pa at hindi makapaniwalang tinuro ni Garutay si Butchoy. "Did he just curse us?" I shrug and dragged my gaze outside.
The glass wall of the establishment was clear. I was able to observe the cars as they pass by the busy street of El Toro, Las Cosas.
Las Cosas isn't that much civilized yet, but there are few high-end establishments that are standing proud on Las Cosas' soil. Ang mga kilalang fast food chains sa bansa ay makikita lamang sa sentro at mabibilang lang sa kamay ang mga branches nito na nandito sa aming munting probinsiya.
May mga bahagi pa din ng Las Cosas na hindi pa naaabot ng sibilisasyon. May iilang mga tribo pa din na nakatira sa bukiring bahagi ng probinsiya.
Matapos naming kumain ay naghiwa-hiwalay ulit kami pauwi sa aming mga tahanan.
"Heto po ang bayad, salamat." Binigay ko ang pera sa driver ng tricycle at bumaba.
"Salamat din."
Pagkapasok ko ng gate papasok sa isang exclusive subdivision dito sa mataas na bahagi ng El Toro ay binati ako ng guwardiya.
"Magandang hapon, Ma'am." Tumango at ngumiti rito.
"Magandang hapon din po." Iginalaw pa nito ang suot na sombrerong pang-gwardiya bilang tugon pabalik.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si nanay at nagmano rito. Hindi ko pa man nabibitawan ang kamay ni nanay ay mga maliliit na kamay ng yumakap sa aking binti. Napangiti ako at niyuko ang mga kapatid kong wagas ang mga ngisi.
"Ate, ate!"
Umuklo ako at hinalikan ang kanilang mga ulo.
"Hey, there little guys."
Narining ko ang tawa ni nanay habang pinagmamasdan kami.
"Naku, kanina ka pa hinihintay ng mga niyan at gusto daw nilang makipaglaro sa'yo." Malambing kong nginitian ang mga kapatid ko at niyakap.
"Okay, let's play later. I'll just change first, hmm."
"Cool." Sabay na wika ng kambal kong mga kapatid.
Mabilis akong nagbihis para puntahan na ang kambal. Mainitin pa naman ang ulo nung isa at maikli ang pasensiya. Naabutan ko sa hapag sina Nanay, Tito Ed at ang kambal na nagmeryenda.
"Ysa, you're home. Join us," imbita pa ni tito.
"I just ate, tito. Thanks."
Umupo ako sa bakanteng silya sa gitna ng kambal. Hula ko'y sinadya 'yon ng dalawa. Tinulungan ko sila sa pagkain, pinunasan ko ang mga mukha nitong kay dudungis.
"By the way, Xander texted me hours ago sending his regards to you. Your application on the Core Inc. got accepted. You're bound to fly to Manila next week, Ysa. Congrats." Nabitin sa ere ang kamay kong may hawak na pamunas dahil sa sinabi ni Tito Ed.
"P-po?"
"You are now a trainee under Core Inc." Nakangiting ulit pa nito.
Tuluyan ko ng nabitawan ang pamunas at napatakip sa bibig. Niyakap ako ni nanay at binati din ako nito.
"Salamat po!"
Years ago... I got adopted in Happy Pit Orphanage by my own mother, Cristina Llamana with her american husband, Edward Sullivan. They took me out of the orphanage's care and sheltered me with them.
Dalawang taon matapos mamatay ni Ate Roan ay binalikan ako ni Nanay, pero wala na siyang Ate Roan na naabutan. Nagalit ako ng magpakita siya, umayaw pa ako nung una dahil nakatatak sa isip ko na inabanduna niya kami ni Ate. Na isa siya sa dahilan kung bakit nawala si ate sa akin. Nagmatigas ako at hindi sumama, nagmakaawa pa ako kay Mother Superior noon...
Kahit hindi ako pumayag ay hindi tumigil si nanay. Sinuyo ako nito ng sinuyo, pero hindi ko kailangan ng mga regalo niya para utuin akong sumama sa kaniya. Para ano? Iwan ulit? Nag-asawa na pala siya at lahat bakit binalikan pa niya ako? Bakit binalikan pa niya ang anak niya sa lalaking inabuso siya at minaltrato? Para ano? Ipakita na maganda ang nangyari sa buhay niya dahil iniwan niya kami. Na kung hindi siya umalis ay hindi sasagana ang buhay niya?
Alam ko mali. Alam kong hindi tama na magtanim ng galit. Alam kong hindi mabuti abg manisi. Akala ko nga hindi ganoon ang reaksiyon ko sa mga pangyayari noon, pero ganun ang nangyari. Kinamuhian ko pala ang sarili kong ina.
Nang umalis si nanay ay nagpalaboy-laboy siya sa daan ng Las Cosas, malayo sa Dospordos. Sinubukan niyang mamasukan sa isang ukuyan bilang tindera at natanggap naman daw siya. Dayo si Tito Ed sa Las Cosas, isa itong Amerikano at nagkita ang dalawa. Tadhana siguro?
Ilang buwan ay nagpakasal ang dalawa. Hindi naman kasi kasado si nanay kay tatay noon, live-in lang sila. Sinabi ni nanay dito ang madilim niyang nakaraan at tinanggap naman siya nito ng buong-buo. Idinaing niya rin dito ang kagustuhan na makuha kami ni Ate Roan sa puder ni tatay. Pumunta ang mga ito ng Dospordos pero wala na kami roon, at malaman din ni nanay na wala na si ate.
Nalaman ni nanay kay Brandon na naroon ako sa Happy Pit kaya nila ako nakita.
Sa ilang buwan na pununuyo ni nanay ay natunaw din ang nilagay kong harang sa aking puso. Sumama ako sa mga ito at dito kami nanirahan sa isang subdivision sa El Toro. Mabait si Tito Ed at kailanman ay hindi ako nito tinatrato ng masama, tinuring ako nitong anak sa buong durasyon ng pananatili ko sa kanilang bahay. Ilang taon bago biniyayaan ng anak ang dalawa, at iyon ay ang kambal na si Ismael at Israel. Limang taong gulang pa lang ang mga ito, makukulit at pilyo. Minsan tuloy ay naaalala ko kami ni Ate Roan sa kanila.
Maalaga kasi si Ismael, ang panganay sa kambal. Maalaga ito kay Israel at laging dinadaluhan ang kambal. Pasensiyoso at maintindihin si Ismael habang kabaliktaran naman si Israel, mainitin ang ulo nito. Pero makikita naman na mahal nila ang isa't-isa. Protective din si Ismael sa kaniyang kambal.
"Tuloy na ba ang plano mo para sa tuluyan mo roon anak? Pwede ka naman mag condo roon, bakit mag-a-apartment ka?" Tumingin ito kay Tito Ed na mukha ding nag-aalala.
"Your mom's right, Ysabelle. Our priority is your safety..." Napaikot ang mata ko sa ka O.A-han ng dalawa. Alam ko namang nag-aalala sila lalo na si nanay, pero safe din naman ang apartment na na-contact ko. In fact may security pa roon.
"Take it easy you two." I smiled at them, the kind of smile that'll secure them to ease their worries.
"I talked with the landlord already, we negotiated and I took the deal. Besides, it's cheap but the area's still secured. Fret not, Nanay, Tito, I'm all good with my stay in that apartment... Independently." Niriinan ko ang boses sa huling salita.
Alam kong bukod sa pag-aalala sa seguridad ko ay nagsasalita din ang pride ng dalawa, lalo na si Tito. Scholar lang ako sa Las Cosas State University dahil gusto kong pag-aralin ang sarili ko galing mismo sa sarili kong bulsa. Ilang taon din akong pinatuloy ni Tito Ed dito sa tahanan niya, pinakain, binihisan at pinag-aral sa high school at senior high. Noong tumuntong na ako sa tamang edad ay nag-apply din ako bilang part time sa isang coffee shop malapit sa school para pandagdag sa gastusin. Maybe it's my ego talking.
Kung tutuusin kasi ay sampid lang ako dito—na kailanman ay hindi nila pinaramdam, mas madalas pa nga akong hanapin ng kambal kaysa sa sarili nilang ama, pero hindi ko lang talaga maiwasang isipin iyon minsan. Asawa na ni Tito si Nanay bago pa man nila ako nakita at hinanap, kung hindi lang siguro sa kagustuhan ni nanay na makita kami ni ate ay bumuo na sila ng "sarili" nilang pamilya. Kahit natanggap ko na ang mga nagyari noon, nung iniwan kami ni nanay ay may parte pa rin sa akin na kumikirot kapag naaalala 'yon. At saka ayokong abusohin ang kabaitan ng asawa ni nanay.
Matagal ko ng pinag-ipunan ang pang Maynila ko. Mula sa tutuluyan, gastusin at iba pa. 'Tsaka may allowance pa rin akong nakukuha mula sa scholarship, at may allowance din mula sa Core Incorporated. Hindi kasi sweldo ang pinapatawag sa makukuha mula sa pinag-OJT-han, minabuting "allowance" ang tawag doon.
Sa makukuha kong mga allowance ay na budget ko na ang gastusin ko sa ilang buwang pananatili roon. Well... Perks of being a Business Student. Haha!
"Anak—"
"Nay, magiging maayos din po ako doon. Tiwala lang, hmm?" I saw her closed her eyes and sighed heavily.
"O, sige. Basta tumawag ka kung may kailangan ka, ha? Kamustahin mo kami palagi... Kumain ka sa tamang oras at huwag kang masyadong magpapakapagod sa trabaho. Kapag nagkasakit ka roon walang mag-aalaga sa'yo..." Ang nanay kong manghuhula. Something warm embraced my heart. She foresee things and worries about it. But I know how mother's instinct works, they prove us right almost all the time.
May parte din sa akin ang malungkot dahil magkakalayo na namin kami ni nanay. But this time, it's me who'll leave her...for the mean time, at least. I'll be back soon, I'll make sure of that.
Nagkita muna kami ng mga kaibigan ko sa coffee shop na piangtatrabahuan ko ilang araw bago ako pupuntang Maynila. Dito lang sa isang public hospital ng Las Cosas mag-ti-training si Blacky, sa isang restaurant naman si Butchoy at sa isang kompanya si Garutay. Parehong nasa kalapit na bayan mag-ti-training sina Garutay at Butchoy, sa Cebu.
"Good luck sa atin," ani Blacky na tanging maiiwan dito.
"Magkikita din tayo ulit pagkatapos ng ilang buwan." Malungkot na mungkahi ni Garutay.
Malungkot din ako na magkakalayo kami, pero para ito sa kinabukasan namin.
Mainit at may pagkamaalinsangan ang kalsada ng Maynila. Umaga ng Alas-siete ay binabaybay ko daan papunta sa napakataas na building ng Core Inc. na nasa harapan ko. The people I pass by and bumped into are busy with their phone calls, maybe talking to their clients, bosses, co-workers, friends, lovers or family members.
I am agitated and nervous at the same time for my first day in the company. This is my first time working and living in a big city ALONE. I put my hands on my side and simply wipe the sweat in my palms to my formal attire.
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang elegante at pormal na tanggapan. It is so spacious and somewhat intimidating at first look. Tiningnan ko ang sofa sa gilid at nakita roon ang ilang mga kababaihan at kalalakihan na naka-formal attire din. Katulad ko ay mga college students din ang mga ito at natanggap sa kompany upang mag training.
Dito kami sinabihan na maghintay at magtipon, susunduin kami dito ni Ms. Kris, isa sa mga empleyado dito na nasa HR at naatas para sa paghahatid sa amin sa aming mga post.
Bumati ako sa ilang naroon bago tahimik na naupo sa gilid. Hindi nagtagal ay may babaeng dumating na sa tingin ko ay nasa edad trenta. Maganda ito at may hubog.
"Good morning, trainees. I am Miss Kris Cross. Come, I'll brief you before I tour you around," seryoso ang mukha nitong nakatingin sa amin.
Sumakay kami ng elevator at tumigil sa 15th floor. May ilang empleyado na bumati kay Ma'am Kris at binati niya rin ang mga ito pabalik. Pumasok kami sa isang board room. May tila parihabang mesa roon at mga swivel chairs, sa harap naman ay isang white board at may projector sa lamesa na nakatutok rito. Nang makaupo na kaming lahat ay pinatay ang ilaw at natuon ang mga tingin namin aa projector at kay Ma'am Kris.
Ma'am Kris briefed us about the company's mission and vision, it's slight background and the meaning of the company's logo. "
"Core Incorporated's main product is energy. The first product that was released by the Core Incorporated in the 60's is a bulb. Then flashlights, generators and battery's came in the picture years after, and Core Inc. expanded widely and topped in the Energy Business for years. Core Inc's. products are widely known in the country and in Asia...the "Core En" as its brandname." Mahabang paliwanag ni Ma'am Kris.
I am amazed by the success of the company. From the old up to the newest and latest pictures she showed us, it speaks success... Core Incorporated is a very big shark in the Business Industry. At napakaswerte ko para matanggap bilang trainee dito, dahil sa ilang libong estudyante sa buong bansa na nagpasa ng application ay hindi lumagpas sa isang daan ang tinanggap nila.
"Core Incorporated is established on the year 1960 by the Great—" Miss Kris got interrupted in the middle of her briefing when an employee popped inside the board room announcing an important person's presence.
"I deeply apologize for the interruption, Miss... But the C.E.O is here," wika ng isang balingkinitan na empleyado. Tumaas pa ang kilay ni Miss Kris nang makita ang bata at pudpud sa make-up na magandang empleyado, pero napatanga ito ng marinig ang salitang "C.E.O".
"O-oh sure..."
Nilakihan ng sekratarya ang bukas ng pintuan at pumasok ang isang makisig na lalaking tingin ko'y nasa edad singkwenta na. The man has this intimidating aura around him, it's like he's speaking authority without lifting a muscle on his face. You can see it by barely looking at him.
Nanliit ang mata ko dahil sa pagtitig ko dito ay parang tila kay pamilyar ng kaniyang hitsura.
"Good day, trainees..." Malalim at baritono ang boses nito. "I am—"
"Ang gwapo 'no? Kahit may edad na. Parang si Ian Veneracion..." Hagikhik na bulong ng katabi ko. Hindi ko na nasundan ang sinabi ng aming boss dahil sa kadaldalan nito. Ang galing...
Tinawag ni Miss Kris ang ilang empleyado upang ihatid kami sa aming mga station. I was assigned on the 16th floor where the Operations Team resides.
"Hi, I am Siegfred Lim the Operations Head Manager." Pakilala ng isang tsinito at maputi na lalaki. Halos kuminang ang mapuputi nitong ngipin kapag nagsasalita at nawawala ang mata kapag ngumingiti. He's cute.
"Your task is simple, you'll just help the operations team on the simple paperworks. Kadalasan ay pumupunta ako kasama ang ibang empleyado sa factory dahil trabaho kong panataliing tama at maayos ang operasyon at produksiyon ng mga produkto. Minsan ay pumupunta ako dito sa opisina kapag may ipapasang report na importante at confidential na hindi pwedeng iutos sa mga tao ko. May mga araw na isasama kita roon para makita mo ang paggawa ng produkto natin, okay?" Mahabang paliwanag nito. Tumango ako.
Ipinakilala niya ako sa mga kasamahan ko at sila sa akin.
"Charisse, here, will lead you to your cubicle." Turo ni Sir Siegfred sa babaeng nasa tabi ko.
Nakangiti itong kumaway.
Nakipagkamay ako kay Sir Siegfred at nagpasalamat.
"I am looking forward working with you Ms. Bianson."
"Likewise, Sir."
Sinamahan ako ni Charisse sa munti kong cubicle na may PC, printer at swivel. May mga bondpapers din doon at mga ballpens and pencils.
Medyo may kadaldalan si Charisse at kanina pa nagkukwento, pero ang mga mata ko ay nabusy sa pagtingin sa munti kong space.
"Alam mo bang wala na ang dating dyanitor dito? Sayang nga, eh, kadaldalan ko kasi minsan si Mang Arnold kaso na-assign daw sa ibang floor." Hindi ko na napansin na malayo na pala ang inabot ng kwento ni Charisse Gwen at napunta na sa dating dyanitor nila dito.
"Pero okay lang, 'di hamak na pogi naman ang bagong dyanitor." Tila nanggigigil ito at ngumingisay pa sa kilig sa kaisipan ng bagong dyanitor.
"Ayyy! Ayan na siya!" Pabulong na tili nito. Niyugyog niya pa ako na muntik ng nagpatumba sa akin kung hindi lang ako nakahawak sa mesa ay baka nakahalik na ako sa sahig ngayon.
Tiningnan ko ang lalaking tinutukoy niya. Malapad ang likod nito at bakat sa suot na uniform ng utility ang maskulado nitong katawan. Itinagilid ko ang ulo upang matitigan ito ng mabuti, nang bigla itong humarap. Nakasimangot pa ito halatang iritado dahil umagang-umaga ay nakabusangot ang gwapo nitong mukha.
Tama nga si Charisse at may hitsura ang bago nilang dyanitor. Pero nang mabanaag ko ang pamilyaridad sa lalaking 'to ay kumabog ang puso ko. Kumabog ulit ito na tanging nangyayari lang kapag malapit ako sa isang tao na semento.
No, no... He c-can't be... Max, right?