Capitulo Once

3430 Words
No, no... He c-can't be... Max, right? Nakatunganga pa rin ako dito at pinakatitigan ang mukha ng lalaki sa side-profile nito. I look like a fan here getting starstruck by seeing her favorite artist. "Earth to Ysa!" Charisse on my side snapped and brought me back to my critical thinking. "You okay?" "U-uhm..." I nodded. I couldn't construct a word to say to her because I'm still daze by the thought of Max... "Bianson." Sabay kaming napalingon ni Charisse sa malamig na boses na tumawag sa akin. A guy on his mid-twenties, has paper white skin, clean cut hair and spectacles coldly stare at me with the stacks of paper on his thin arms. Wari ko'y ang hawak niyang mga papel ay ang una kong magiging trabaho para sa araw na ito. Lumapit ako sa kaniya. He put the papers on my desk and stamped his hand on top of it. "You're tasked to recheck the written reports for the inventories this month. This is to be signed by the head manager and it'll be pass to the higher management, so do this immediately. The faster you get finish, the better," aniya at walang pasintabi na umalis agad. Sinundan ko ito ng tingin ng hindi kumukurap. But when I remembered something I blinked and made a turn. I looked around only to find an empty hallway. Where is he? "Sayang, umalis agad si Papi—" Napatalon ako sa gulat nang makitang nasa tabi ko na pala si Charisse. Nakakrus ang mga braso nito at naka-pout na parang pucker fish na nagpa-exaggerate sa pula niyang nguso na parang ninudnod ng bonggang bongga sa starwax floorwax. "—hindi ko na nalapitan. Tatanungin ko pa naman sana ano ang pangalan." "P-papi?" She nodded and tucked her hair to the side of her ear. Nakatagilid pa ang ulo nito na parang taong na-paralyse dahil sa stroke. Humagikhik pa ito. Napalunok ako. May hawig talaga 'yong lalaki kanina kay Max, eh. Pero baka guni-guni ko lang din. It's been ten years, and the changes in our physique is quite large and many. Maaaring may maraming kamukha si Max dito dahil marami namang gwapo sa Maynila. 'Tsaka malaki ang Maynila, malabong magkita rito at napakaliit lang ng porsyente sa tsansa na magkrus ulit ang aming landas. And besides, I'm not sure if I'm ready to face him again. Not yet. Bumalik ako sa aking pwesto at tiningnan ang mga papeles. Organisado na ito kaya mas magiging mabilis ang pagre-recheck ko dito. I shrugged the thought of Max for the meantime. I need to work efficiently, and to do that I need to focus. And I can't focus if I keep on thinking about damn Max! Char. I learned english na 'no, kaya syempre kailangan kong gamitin ang mga natutunan ko. Hah! Spokening dollars, who? Nag-inat ako ng kamay ng matapos sa pagbasa at recheck ng mga reports. Muntik pa akong maduling. I made a mental note to buy reading glasses before going home, para naman hindi manakit ang mga mata ko. Bitbit ang mga papeles ay pumunta ako sa cubicle noong lalaking nagdala sa akin nitong papeles. Nakalimutan ko na ang pangalan niya at ng iba pang empleyado na nagpakilala kanina. Nag-alanganin pa ako na ibigay sa kaniya 'to dahil nakabusangot ang mukha nito at parang kaaway niya kung tingnan ang monitor sa harap niya. Sinilip ko ang pinagkakaabalahan nito. Natanga ako ng makitang naglalaro pala ito ng candy crush. "Divine..." Basa ko sa nakasulat doon sa monitor screen ng mapares niya ang ilang candies sa isang move. Namangha ako nang magkumahog ito at parang boss ang nakahuli sa kaniyang naglalaro sa oras ng trabaho. Tsk. Such an inefficient employee... Syempre, hindi ko sinabi 'yon baka mapaalis pa ako rito, 'no. Medyo kumalma naman ang mukha nito nang makitang ako lang pala 'yong nagsalita. Pero agad din iyong napalitan ng irita, na para bang nadisturbo ko siya sa ginagawa niyang buhay ang nakataya. "What?!" Asik niya. "Tapos na po, Sir." Ipinakita ko sa kaniya ang kanina ko pang bitbit na mga reports na to be signed nalang. "Just put it there and leave immediately." From shocked, to irritated, to cold. Wow... he can shift from one emotion to another real quick! That's a talent. Or sometimes, a mental illness... "Sige po, Sir. Excuse me." Pagpapaalam ko pa, pero dineadma lang ako nito. Pamilyar 'yang ganiyang tungo sa akin, ah? Familiar like... Max's? Iyong mahihiya ang north pole sa lamig ng pakikitungo nung tao sa'yo at lalambot ang semento sa tigas ng puso niya. Parang si Max lang din pala 'tong si Sir, kaso si Max hindi madaling mag-iba ng emosyon...noon, ngayon baka nag-iba na ang ugali nun. Pa-cool kid lang 'yun si Max dati, eh. Para 'Choyens' kuno kung tawagin. Dinaan ko nalang sa biro ang sarili para iwaksi ang kung ano mang pangungulila na nararamdaman. Pinangako ko sa pinakamatigas na semento sa buong mundo na susuntukin ko 'yung Maximus na 'yon kapag nagkita kami ulit. Kaya huwag na huwag siyang magkakamali na ipakita sa akin 'yang pagmumukha niya. "Charisse Gwen..." "Hmm?" Uminom ito ng tubig at pinunasan ang bibig. Tatanungin ko sana kung nakita niya ba ulit 'yung dyanitor at kung nakuha na niya ang pangalan nito. Kaso baka isipin niyang nagkakainteres na din ako sa tagalinis dito, hindi naman sa minamaliit ko ito dahil pormal naman ang trabaho niya, at saka hindi naman ako interesado dito dahil lang gwapo siya at may maskels. Nakuryoso lang talaga ako dito dahil may kaunting hawig ito kay Max. Pero baka isipin ni Charisse Gwen na nakiki-fangirl ako sa crush niya—na hindi naman totoo. "Ah, wala..." Tumango ito. "Risse nalang itawag mo sa akin. Ang haba na kasi ng Charisse Gwen, too mouthful." Ikinampay pa nito ang kamay. Tipid lang akong ngumiti. "Nakita ko ulit si Papi kanina, kaso iritado na naman ang mukha. Nakakatakot tuloy lapitan." I think the heavens heard me. Napatuwid ako ng tayo pero hindi ko ipinahalata dito na nakapokus ang dalawa kong tenga sa sasabihin niya. "Gusto ko nga sana siyang utusan dahil utility personnel naman siya dito sa department natin, kaso parang hindi bagay, eh." Napangiwi ito. "Hindi bagay sa kaniya na utusan, parang mas bagay na siya 'yung mang-uutos. Ewan ko ba, baka nag-o-overthink na naman ako. Kasalanan 'to ni papi, eh." Her cheeks blushed and was painted with rose pink. She giggled. Narito ako ngayon sa labas ng building at naghihintay ng masasakyan pauwi. Gitgitan ngayon dahil rush hour. Buti nalang malapit lang dito ang apartment kaya hindi aabutin ng isang oras ang byahe ko. Mabilis akong sumakay sa hindi gaanong puno na jeep na tumigil sa harap ko. Hindi pa umaandar ang jeep at hinintay na makapwesto ang lahat. Habang naghihintay ay napatingin ako sa labas. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang muli ang dyanitor sa aming palapag. Sa pagkakataon ngayon ay nabigyan ako ng tyansa na mapagmasdan ang kabuoan nito dahil nakaharap ito sa aking gawi, pero ang tingin niya ay nasa malayo. Kamukha niya nga si Max...hindi ako pwedeng magkamali dahil kada may pagkakataon na mapagmasdan ko ang mukha nito noon ay ginagawa ko. Saulong-saulo ko pa ang mukha ng semento na 'yon. Pero mas depena lang ang mukha nito ngayon. He look so tall now, his down styled jet black hair before is now in a clean cut and the top is combed backwards. Lumaki din ang katawan nito at halatang nagbubuhat lagi ng mabigat dahil sa mga muscles nito. He tanned too. He has a lighter shade of tan before na malapit na sa mestizo, but now it's more darker. Baba na sana ako, pero patuloy ang pagdagsa ng mga tao papasok kaya hindi ako makahanap ng tyempo para makalabas. Tiningnan kong muli ang gawi ni Max pero parang may kung anong gumuho sa loob ko nang makita itong nakatingin sa babae na nasa harap niya. Nakangiti ng wagas ang babae. Nakita ko pang niyakap nila ang isa't-isa. Hindi kataasan ang babae at simple lang ang pananamit. Umalis na ang jeep at lumarga. Nang dumaan ang jeep sa harap nila ay napatingin si Max at nagtama ang aming mga paningin. Those striking green eyes I've always adored... Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya pero agad akong nag-iwas ng tingin. Nakatunganga lang ako habang umaandar ang sinasakyan ko sa matrapik na kalsada ng ka-Maynilaan. Yumakap sa akin ang lungkot na hindi ko alam kung saan nanggaling. Siguro nalulungkot ako sa kaisipan na kay raming nga nangyari sa buhay niya na hindi ko nasaksihan at nasubaybayan. Sana hindi kami nagkahiwalay, sana may tatay/kuya pa din ako na kahit sing lamig ng yelo sa antartika ay pinapangaralan ako kapag nagkamali. Sana nakita ko ang pag-graduate niya ng kolehiyo, sana nakilatis ko ang mga naging nobya niya para malaman kung aalagaan ba nila siya ng mabuti. Kulang sa aruga 'yon, eh. Kaya nga ganoon nalang ang ugali nun noon. I was exhausted when I got home. Nilagay ko sa pangdalawahang sofa ng apartment ang bag ko. I massaged the back of my neck and cracked my head sideways. Nag-inat ako bago sumalampak sa sofa. "Christ, this day is so tiring!" Napabangon ako nang marinig na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si nanay. "Nak!" "Nay, 'musta po?" "Ano ka ba, ikaw dapat ang kinakamusta ko. Kamusta ka diyan? Maayos naman ba ang unang araw mo?" "Ayos naman po." Muli akong sumadal sa sofa at tumunganga sa kisame. "Anong ayos lang? Ayos na maayos o ayos na keri lang?" Natawa ako sa salitang ginamit nito. "Nay, nahahawa ka na sa pananalita ko, ah?" Tumawa din ito sa kabilang linya. "Hehe, sorry na 'nak. O, ano? Kumain ka na ba?" "Ayun lang po... Buti nalang pinaalala mo, nay. Magluluto pa pala ako." "Naku ikaw talagang bata ka—" Ayun na naman si nanay sa pagkanda haba-haba niyang lektyur. Kaya mahal na mahal ko 'yang si nanay, dahil kahit sing haba ng trapik sa EDSA ang mga pangaral niya ay alam kong dahil iyon sa pagmamahal niya sa akin. May pagka-paranoid man minsan ang mga magulang natin sa atin, iyon ay dahil mahal nila tayo at ang nais nila ay ang ating kabutihan. Kung papipiliin ako, mas nanaiisin kong pakinggan ang mahabang litanya ni nanay, dahil ilang taon ko ding hindi narinig iyon na pinangungulilaan ko ng sobra. Alas-sais na nang matapos ang usapan namin ni nanay na nagtagal din ng halos isang oras. Nag-usap din kami ng kambal at nagkamustahan at pinapauwi na ako ng mga ito. 'Ika pa ni Nanay na nagta-tantrums na naman daw si Israel dahil gusto na nito akong umuwi. Pinaliwanag ko naman sa kapatid ko kung ano ang ginagawa ko dito at matalino naman ang kambal kaya alam kong maiintindihan din ni Israel, 'tsaka kapag ako ang nagpapaliwanag makikinig naman 'yon. Nagbihis ako ng pambahay bago pumunta ng kusina at magluto ng hapunan. Pero bago pa man ako nakapag-ayos ng mga gamit panluto ay may kumatok. Nilakihan ko ang bukas at nakita ang isang matangkad na binatang lalaki na nakajersy at may bitbit na ulam. May kaunting pawis pa ito at buhaghag ang buhok. Galing pa yata sa paglalaro. He smiled nervously when he saw me. He scratched the back of his head. He raised the plate he's holding making me look at it. "Uh...luto nga pala ni lola. Sabi niya kasi ano... Ah, ibigay daw 'to sa'yo bilang pagbati sa'yo sa pagtira dito sa aking munting neighborhood." Iniuma niya ulit sa akin iyon. "Heto." Tinanggap ko ang plato at nagpasalamat. "Ay, salamat. I'll just transfer this to another plate. Gusto mo bang pumasok muna?" Nag-alanganin pa akong itanong iyong huli. Kahit na binigyan ako nito ng ulam ay hindi ko sigurado kung ano ang ugali nito at baka bigla nalang manakmal. Pero hindi ko na maaaring bawiin ang sinabi ko. "H-huwag na. Hihintayin ko nalang 'yong plato dito." Mabilis ko naman itong hinugasan at ibinalik sa kaniya. "S-sabi din pala ni lola na pwede kang pumunta sa bahay kung gusto mo. May mga tanim kasi siya baka daw may interes ka din doon." "Kapag may libreng oras ako bibisita ako sa lola mo, magpapasalamat na din sa ulam na binigay niya." Ngumiti ako rito. Namula ng bahagya ang pisngi nito. "Sige, aalis na ako." Sinundan ko pa ito ng tingin bago isinarado ang pintuan. I feel so welcomed in this neighborhood. Nice. Hindi na ako nagluto pa at iyong binigay na ulam na lang ang kinain ko bilang hapunan. Nanood lang ako ng telenobela pagkatapos, pero nawalan din ako ng gana kaya naisipan ko nalang matulog. Nahiga na ako sa kama matapos maghugas ng katawan at magsipilyo. Bumuga ako ng malalim na hangin at binilang ang mga butiki na nakadikit sa kisame at pader. Alas-onse na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Puno ang isip ko ngayon tungkol sa mga maaaring nangyari sa buhay ni Max. Kung kinuha nga si Max ng ama niya bakit dyanitor ito ngayon? Hindi ba at mayaman sila? At may asawa at mga anak na kaya siya? Posible kayang 'yong babaeng kayakap niya kanina ay asawa niya? O baka nobya pa lang? God... My mind's too occupied about Max forgetting that I still have a work early in the morning tomorrow! Napahilamos ako ng mukha at pinilit matulog. I rolled around the bed and still didn't find my sleeping position. I'm still wide awake like I drank liters of caffeine this morning. Ugh! This is not good. Paano ko ba pakikitunguhan si Max kung magkikita kami bukas? I should not act like I'm so affected by his presence, right? I mean, siya ang nang-iwan sa akin na kaibigan niya noon. Kaya siya dapat ang nerbyosin na makipag-usap sa'kin, hindi ako. But does Max feel that. Get nervous? Tao pa rin naman siya pero pagiging maldito at malamig lang ang alam kong nararamdaman niya kasi 'yun lang ang pinapakita niya noon, eh. Stop overthinking, Ysa. Let's deal with that tomorrow, okay? So please... be kind and help yourself get some sleep. Mahabaging langit kailangan mo ng matulog at maaga ka pa bukas! And yes... I definitely look like a woman being deprived of her so needed beauty sleep. But I bet I look like more of a frigging zombie than my first statement. Late akong nagising ngayon dahil late ding nakatulog kagabi, and the reason is... don't ask me why. Hindi na ako nakapag-almusal pa at sa elevator na ako nagsuklay at naglagay ng pulbo at lipstick. Pinagmasdan ko ang hitsura ko sa pinto ng elevator. Napabuntong-hininga nalang ako. This sucks. On my way up, the elevator stopped and the employees that I ride with got on their respected floors already leaving me alone in this cold and lonely elevator. Pero nahinto ulit sa 14th floor ang parihaba na makinang sasakyan dahil may papasok. A man pushing a trolley full of cleaning equipments entered. Tahimik lang ako pero hindi na nagawang ayusin pa ang sarili. I don't even feel like moving anymore. Parang isang kasalanan kung igagalaw ko ni hintuturo ng aking daliri o ni maski huminga! "B—" Mabilis pa sa alas-cuatro akong lumabas ng elevator nang makarating sa aking palapag. I swept off the sweat in my forehead and blew a breath. I swear! I didn't breathe on my 30 seconds stay inside that elevator with Max. Diyos ko po. Para na akong mahihimatay kanina, grabe pa ang pagpipigil kong suntukin siya gaya ng ipinangako. "Morning, Ysabelle." Bati ng mga empleyado. "Good morning din po." "Good morning, Ysa!" Maligayang bati ni Charisse." "Good morning, Risse." "I don't think so." Nakangiwi saad nito. "Huh? Bakit?" Nilagay ko ang bag sa gilid ng lamesa ko at naupo. Ini-start ko ang PC. "I don't think you have a 'Good Morning'. I bet my ten bucks, you didn't have a good night sleep too!" Si Charisse. Charisse glided her swivel and came near my cubicle. "Girl, you look so unloved!" Puna pa niya. Nakasimangot kong kinuha ang maliit na salamin sa aking lamesa at tiningnan ang mukha. I really do look so bad early in the morning! I should look fresh not the other way around. "Come on, cheer up. Ako bahala sa'yo." Hindi naman ako nagma-make up masyado, except on special occasions. Ayos na ako sa pulbo at liptint, pero dahil kompanya 'to ay kailangang mas pormal so I resorted on using lipstick instead of liptint. Inayos lang ni Charisse ang pulbo kong nasobrahan ko ng lagay at ang lipstick kong nakalat ng konti. Hindi ako nagkikilay dahil may kakapalan naman ang kilay ko hindi na kailangang ukitan pa. "There..." Aniya habang pinagmamasdan ako. "Thank you." "Welcome. Balik na ako sa cubicle ko, I'll resume on working." Tumango lang ako. "Bianson." "Sir." I stood up when I saw the same guy employee yesterday. The one who gave me the papers I rechecked. "Pakibigay 'to sa Service Department. Papirmahan mo dito ang magre-receive nitong files." Kinuha ko ang log book niya at ang ilang folders. Tinuro nito sa akin kung saan ang service department sa palapag na ito. Isang may katabaang babae na may edad na ang tumanggap sa files na pinabigay ni Sir...may eyeglasses. "Bago ka?" Tanong niya habang nakayuko at pumipirma sa log book. "Opo. Trainee." She nodded. "Salamat," aniya matapos pumirma at tumalikod. Habang pabalik ako sa aming departamento ay nakita ko si Max na nagmo-mop sa may kalapit. May ilang mga babae na natigil sa pagtatrabaho at pinagmasdan nalang ito. Though I'm not a hundred percent sure that he really is Max, baka kamukha lang. But my hunch proved me right when I saw his tag and read his name on it, "Dane". Nalaman kong may mga utilities pala na naka-assign per department. Pero may ibang sumasalo sa kasamahan at naglilinis ng ibang department. Depende kung may sakit o humingi ng pabor dahil inutusan na lumabas o pumunta sa ibang floors, kung ano 'yung iniutos ng mga empleyado sa departamento nila. Nabusy ulit ako sa pag-retype ng ibang documents na kailangang ayusin at baguhin. Ipapa-photocopy ko pa ang iba dahil ipapasa ulit ito sa ibang department para papirmahan sa head nila. Nagdadalawang-isip pa akong iwinan muna ang ginagawa at ipa-photocopy muna ang mga docs. dahil gagahulin ako sa oras lalo na't kailangan na ito by eleven. Bitbit ang mga papeles na kailangan ay pumunta ako sa nakahalera na mga photocopy machine. Nakarinig ako ng ilang empleyado na may tinatawag at nag-uutos, pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin pa. But then I stop when it dawned me. "Nag-uutos", at "utility" ang inuutusan. Narinig ko pang magpapa-photocopy rin. Oh no, I need to finish this before Max—" "Sana inutusan niyo na lang ako, ma'am na gawin 'yan. That's my job, and I know you're busy." Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang boses niyang singlalim ng balon. His voice changed a lot! It bacame more masculine and baritone than before. And if I heard it right, it has a little husk on it. "Ma'am?" "No. I can manage." Hindi na ito sumagot. I saw him on my peripheral vision standing in front of the photocopier beside mine. Nang sumulyap ito sa akin ay mabilis kong ipinokus ang paningin sa huling papel na pina-photocopy ko. Kinuha ko lahat ng mga na-photocopy at umalis na roon ng walang paalam. I don't know why, but something inside me stirred up when I realize how calm he was like he was only asking an employee to let him do his job. Not that I'm not an employee too, but I'm NOT JUST a simple employee...or trainee if you would say. We were once friends, for God's sake! The way he asked me earlier, parang wala lang kaming pinagsamahan, eh. Habang ako hindi na magkamayaw ang loob ko sa gulo na hatid ng paglapit at pagkausap niya sa'kin. Ang akala ko ay maayos ako nitong kakausapin kapag nagkita kami ulit. Na magpapaliwanag siya. But then, we're still at work. Our personal lives should be handled outside the work's premises. At baka ako lang ang nag-aakala na may utang na paliwanag sa akin si Max bilang kaibigan niyang iniwanan niya. Baka sa kaniya ay wala na lang ako, na hindi na kailangan nun dahil bata pa lang naman ako noon. Baka akala niya makakalimutan ko lang din siya. Baka mali ako na babalikan niya ako, dahil kung oo...dapat noon pa. Maybe they were right... That Max is really a heartless man. Sa tinagal-tagal, ngayon ko lang iyon napagtanto na tama nga sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD