Capitulo Doce

3098 Words
Niyaya ako ni Risse na doon na kami sa pantry dahil may kasamahan silang nagdidiwang ng kaarawan ngayon. May mangilan-ngilan ng naroon nang dumating kami. May sinet-up na buffet sa gilid at dinagdagan ng isa pang table. May kalakihan naman ang pantry kaya hindi nagkakagit-gitan. Nakasunod lamang ako kay Charisse habang papalapit kami sa birthday girl. "Hannah!" "Charisse!" Maganda si Hannah at matangkad at may pagkabalingkinitan din. Medyo singkit din ang mga mata nito at maputi. Parang model lang. Malalaki ang hoop earrings nito nakasabit sa magkabilang tenga. They're dangling elegantly. Her short hair compliments her small heart shaped face. Napakaganda. "Happy Birthday, girl." Bati ni Charisse dito. "Oh, I have here with me the new trainee, by the way. Hannah, this is Maria Ysabelle." Iminuwestra ako nito. "Ysa, this is Hannah, the birthday celebrant." I smiled widely at Hannah. "Happy Birthday." Bati ko kay Hannah. She cupped her face and blinked cutely. "Aww, thank you." ...and she's nice too. Umupo kami sa isang table kasama si Sir na nakasuot ng spectacles. Nakita kong pumasok si Max at may kasamang lalaki na may suot na unipormeng pang-utility din. Luminga ito at natigil nang magtama ang aming paningin. I simply lowered my head, pretending like I'm checking out my phone and texting. "Hey, Dane. You're here!" Hannah squealed and ran giddily towards Max. Isinampay nito ang mga payat na braso sa matipunong balikat ni Max. Like Hannah's face and hair style, they compliment each other too when it comes to physique couple goals. Pero baka girlfriend ni Max 'yong babae kahapon tapos heto ako at ipinapares siya sa iba. I'm so bad. Nang tingnan ko ang lalaki ay nasa akin pa rin ang tingin nito. Gosh, his stares will make people speculate that there's-oh, nevermind. "Bianson." "P-po?" Binaling ko ang tingin ko kay Sir. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Bianson. "Sit." "B-bakit po?" "Eat," sagot niya. Nakaupo lang ito at prenteng nakasandal sa kaniyang upuan na nasa tapat ko. "Po?" He didn't reply. Inayos niya ang suot na salamin at pumikit saka pinisil ang bridge ng ilong na parang sumakit ang ulo. "Do I have to elaborate what 'eat' means, Bianson?" I heard some of the employees around our table laughed upon hearing him. I feel like he's mocking me or something. Siya ang observer ko, pero pati ba pagkain ko kailangan iutos niya? Aba, sumusobra na din 'tong anemic na 'to, ah? Siya nga dapat ang kumain dahil ang payat-payat na niya at ang putla pa, parang taong may anemic. Umupo nalang ako at hindi na sumagot pa. Itinulak niya ang platong puno ng pagkain palapit sa'kin. "Salamat po, Sir." Mahinang ani ko habang nakayuko. "Jarred." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya para magtanong pero inunahan na ako nito. "Call me Jarred when...it's not office hours." Nag-iwas ito ng tingin habang nagmumungkahi. Ang mga lalaking empleyado naman na nasa tabi niya ay napahiyaw. "Ooowwwsss!" "Nice move, tol." "Oy, Jarred, trainee pala trip mo pare." Naghalakhakan ang ibang nakarinig. Nag-apir pa ang mga lalaki kanina. Nang tingnan ko si Jarred ay namumula na ang mukha nito. Sobrang nahahalata ito dahil sa maputla niyang kulay, kaya parang nagangamatis ang mukha niya. "Excuse me, guys. Can Dane and Inggo sit here with you? Wala na kasing extra chairs sa ibang table, eh." Narinig ko ang boses ni Hannah sa likod ko. "Dito nalang, Han, oh. Tapos naman na kaming kumain." Ani ng lalaking isa sa kumantyaw kanina kay Jarred. Nagsitayuan ang mga ito maliban kay Jarred na nanatiling nakaupo sa kaniyang upuan at nakatutok sa akin ang paningin. Medyo nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. A tall man suddenly sat on the empty chair beside Jarred. The mans dagger like stares made me more uneasy. Para bang namamaratang ito sa klase ng tingin niya. Nakahawak si Hannah sa balikat nito. "I'll just get you some food," ani Hannah kay Max. Ni hindi man lang nito tiningnan o tinanguan ang babae. Bakit hindi nalang si Max ang tumayo at kumuha ng sarili niyang pagkain? Hindi naman siya pulpol para ang babae pa ang kumuha ng makakain niya. Imbes na kumilos ay parang tuod lang ito sa harap ko. He's still looking at me like I'm some sort of criminal needed to get prisoned. His piercing stares are giving me chills. Goodness! "Eh, ako Hannah my labidabs, hindi mo kukunan ng pagkain?" Ngumuwi si Hannah. "Eww, Inggo. Stop calling me that! Baka ano pa ang isipin ni Dane." Hannah pouted and gave Dane a puppy look. But the latter's busy...throwing daggers at me. Umismid si Inggo. "Sus! Pareho lang naman kaming tagalinis nitong si Pareng Dane, bakit kasi hindi nalang ako ang gustohin mo. Lamang lang ng limang paligo sa'kin 'tong si Dane, eh." Tumawa si Inggo at ang iba, pero si Hannah ay sinundan ang tingin ni Max at nagtatanong na ang nga mata. "Uhm, do you...know her, Dane?" Tanong nito habang nagpabalik-balik ang tingin sa akin at kay Max. Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi!" Napatingin ang iba sa gawi ko. Kinalma ko ang sarili at kumurap. "I-ibig kong sabihin...ano... Uh, no. No we don't know each other," ani ko. I saw Max raising his eyebrow. "Oh. I see. Sige, I'll just grab him some food. Maiwan ko na kayo." Paalam ulit ng babae. Matapos umalis ni Hannah ay balik ang lahat sa kaniya kaniyang kausap. Nagpatuloy lang ako sa pagkain pero ramdam ko pa rin ang nanunusok na tingin ng lalaki sa harap ko. "Bianson." Uminom ako ng tubig bago binalingan si Sir Jarred. "Bilisan mo na diyan at may ipapagawa pa ako sa'yo." Aniya. "Hoy, Jarred huwag mo nga laging inuutusan si Ysa. Marami din siyang ginagawa. Kung may ipag-uutos ka andiyan naman ang mga...utility." Namula si Charisse sa huling sinabi at nahihiyang tumingin kay Max. "Trabaho niya din ang sumunod sa utos, Charisse." Balik naman ni Jarred. "You can just call me when you have some things to be delivered on other departments, Sir. I'm sure the trainee here is still adjusting on her work environment." Napatahimik ang lahat nang sumabat si Dane sa usapan. "Mabuti na iyong matuto agad siya at makapamilyar sa opisina. And also... You have no say on this, Janitor." Mabilis akong napatingin kay Jarred sa sinabi nito. I can definitely hear the sarcasm and mockery in his voice. Ipinagdiinan pa nito ang huling kataga. Did he just insult Max? How dare he... "Tol..." Awat sa kaniya noong lalaking nagbigay ng upuan kay Max. Nakita kong ngumisi si Max. But I can't see any humor in it. "Ofcourse, I have. I'm sure you're not dumb to give 'my' job to a trainee. Aren't you?" Max rebutted with the same ferocity of sarcasm. Pipigilan ko na sana ito at baka mag-away pa ang dalawa dahil nakita ko ang pagtitimpi sa mukha ni Jarred na suntukin si Max, pero dumating si Hannah. "What's happening here?" Naguguluhang tanong nito. Tiningnan niya ang dalawang lalaki na masama ang tingin sa isa't-isa. "Ah, wala labidabs. Nagsusukatan lang ng tingin si Dane at Sir Jarred. Kung sinong matatalo manlilibre ng balut. Hehe." He laughed nervously while Hannah eyed him keenly. "Really?" Mala-asong ngumiti si Inggo dito at tumango. "Ano kamo, Ysa?" "Si Kuya Dane?" Napahilamos ako ng mukha. Nakatutok sa akin sina Blacky at Garutay habang busy sa pagkain ng pizza si Butchoy pero nakatutok din naman. Halatang nagulat din sila sa sinabi ko. Nagvi-video call kami ng mga ito sa oras na ngayon. Malamya akong tumango. "Si Dane ng Happy Pit Orphanage." "Oh my gosh! So ano, nagkausap ba kayo? Kamusta na siya? Ano na hitsura niya? Gwapo pa rin ba?" Pananaksak pa ng tanong ni Garutay. Napaikot ko ang nga mata. "Kamusta na daw siya, Ysa?" Tanong naman ni Blacky. Sa totoo lang, pati ako hindi alam kung ano ang sagot sa mga tanong nila. Nagkita lang naman kami ni Max, hindi nagkwentuhan. "Hindi ko din alam, eh." Mahinang sagot ko. "Huh? Eh diba close kayo noon?" Ani Butchoy. "Noon 'yon. Hindi na ngayon. 'Tsaka hindi biro ang sampung taon na lumipas. Marami ng...nagbago." Sobrang dami. Tulad nalang ng nagawa naming pangalan ng grupo namin na 'Power Puff Girls with Mojojojo.' Si Garutay ang nakaisip nun noong nag-high school kami. Ayaw pa nga ni Butchoy dahil ang sagwa daw. Hindi niya gusto dahil siya si Mojojojo, si Garutay si Blossom, ako si Bubbles at si Blacky si Buttercup. Kikay kasi si Garutay kaya siya si Blossom, at siya din ang nakaisip ng pangalan na PPGM. Si Blacky naman ilag sa mga lalaki, kaya binigay sa kaniya si Buttetcup. Man hater kasi ang babaita. Iniwan kasi siya ng tatay niya dati dahilan kung bakit galit sa nga kalahi ni Adan, maliban kay Butchoy. There's an exemption for everything naman daw. At ako...dahil wala ng ibang natitira kundi si Bubbles, kaya ayon ang ibinigay sa akin. Kaso hindi naman ako pareho ni Bubbles na pa cute at pabebe. Sadyang nadamay lang ako sa kaitrimidahan ni Garutay. "So ano na? Kailan mo siya kakausapin? 'Tsaka hindi ba siya nagreach out sa'yo? Baka hindi ka niya nakilala, Ysa?" Napaismid ako sa sinabi ni Garutay. "Hala! baka nga tama si Garutay, Ysa." Dagdag pa ni Blacky na nagparolyo ng aking mata. "Kumalma nga kayo. Sinabi ko lang naman sa inyo na nagkita kami ni Dane, hindi ko naman sinabing makikipag-reunite ako. Muntanga lang akong tingnan 'pag ganun. 'Tsaka siya ang nang-iwan 'no, tapos ako itong unang makikipag-usap? Hah! Manigas siya." Natigil ako nang mag marinig na naubo. Nabulunan pala si Butchoy. Tinatampal pa nito ang dibdib. "Y-ysa naman! Syempre naninigas kaming mga lalaki. Lalaki din si Dane kaya maninigas din 'yon." Si Butchoy. "Anong konek? At saka nasaan na ang kuya doon, Butchoy?" Maarteng sita ni Garutay dito. "Malaki na ako. Hindi na kailangang mag Kuya kay Dane. Huwag mo nang alamin anong connection nung sinabi ko." Hambog niyang saad. "Aba. Wala kang respeto. At para malaman ko, wala talagang connection 'yon!" "Ikaw din naman, Garutay, walang respeto. Binubully mo nga ako, eh. Pareho lang tayo. Oo na wala nang connection 'yon, pero tayo pwedeng magkaroon." Ngumisi ito ng nakakaloko at mapaglarong itinaas baba pa ang mga kilay. Napaismid kaming mga babae. Diyos ko, nagiging malandi na si Butchoy. Inikutan lang ito ng mata ni Garutay. "Wala kang sense kausap." "At saka si Ysa din naman hindi nag-ku-kuya kay Dane." Aba dinamay pa ako ng moklo. Sa isang linggo kong pagtatrabaho sa Core Inc. ay naging maayos naman ang takbo. Kaso may mga pagkakataon lang na bigla na lang sumusulpot si Max. I know he's agitated to talk to me but I kept on avoiding him and the 'talk' that he badly wanted. Ayoko siyang makausap ni makita dahil kumukulo ang dugo ko. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. I've been with him for about nine months or so in the orphanage but the anger I'm feeling for him digs up to my core. And to think that ten years had passed but the madness I had for him is still here. They say "Time heals all wounds" but I don't think that's applicable for everyone. Maybe for some, yes. Hindi lumalagpas sa paningin ko ang mga matatalim nitong titig. But the hell I care. Maglupasay pa siya diyan wala aking pakialam. Ayoko siyang makausap, period. On my way to Daphne-my co-trainee who's also assigned in this department I took a peek of Sir Jarred. Nadadaanan ko kasi ang cubicle niya bago kay Daphne. Mahina akong napatawa nang makitang naglalaro na naman ito. I see, he's fond of candy crush. "Daph, nasign-nan at nacomment-tan na ba ang Student's Manual mo?" Tanong ko dito. "Iyong iba, pero 'yong kahapon at ngayon hindi pa. Wala pa. Nahihiya akong lumapit kay Sir Jarred, eh. Panay laro kasi kapag nabubungaran ko. May pagka-estrikto pa naman 'yon." Napakamot ito sa ulo. Totoo ngang hilig ng observer namin ang maglaro sa computer, pero kapag lunch o tapos na ang office hours ko lang ito nakikitang naglalaro. Bawal naman kasing maglaro kapag oras ng trabaho, nasa rules and regulations 'yon. "Sabay nalang tayo," ipinakita ko sa ang Student's Manual ko. "...magpapa-pirma din ako." We were given Student's Manual as a part of our Training. It serves as a bases for our teachers on how to grade us for this semester. Sa Student's Manual ay magco-comment ang observer kung ano ang performance namin sa trabaho at may signature iyon bilang patunay na hindi lang gawa-gawa ang comment. Ilalagay din namin doon kung ano ang trabahong ginawa namin sa araw na iyon at kung productive ba kami. Sa huling page ng manual ay may general comment na ibibigay ang observer at ira-rate kami. "Excuse me, Sir," nahihiyang tawag ni Daphne kay Sir Jarred na naglalaro pa rin. He paused the game and turned to us. Tinaasan lang kami nito ng kilay. May pagka-attitude din talaga 'tong lalaking 'to. Inilahad ko dito ang Student's Manual ko, sumunod din si Daphne. Nakuha naman nito agad ang ibig naming sabihin kung bakit kami naririto. He took his time on writing in our manuals. Pinagsiklop ko ang mga kamay sa likod at nagtingin-tingin sa paligid. Nahagip ng paningin ko si Max na may dalang trolley na may plain na lagayan. Kadalasan ay mga boxes o pananim ang inilalagay dito. Kinuha niya ang isang tanim na nasa sulok at inilagay dito. Siguro ay ilalagay ito sa labas para mainitan at diligan para hindi mamatay. Ibabalik din naman ang mga 'yan sa mga pwesto nila dito sa loob ulit bukas. "Here." Bumaba ang tingin ko papunta kay Sir Jarred. Binigay nito pabalik sa amin ang mga manuals at pinaglaruan ang ballpen. Hindi naman nalalayo ang edad namin dito sa tingin ko'y nasa mid-twenties pa itong si Sir. He fixed his specs and looked up to us. Binati kami nito sa performance namin sa trabaho na nauwi sa pagjo-joke-na hindi ko alam na marunong pala ito! The guy look so stiff to throws puns. But he got me with his joke kaya ako napatawa. Napa-angat pa ako ng tingin habang tumatawa nang magtama ang tingin namin ni Max. Nakauklo pa ito at kalalagay lang ng huling tanim sa trolley. Nabura ang ngiti ko sa labi sa talim ng tingin nitong nang-aakusa. Ayan na naman siya... "Salamat po." Nagpasalamat kami kay Sir Jarred at bumalik na sa kaniya-kaniya naming puwesto para maghanda pauwi. Pagbalik ko sa cubicle ay naroon si Charisse at naghihintay. "Tapos ka na?" Tanong nito. Tumango ako at inayos ang gamit. "Magca-club kami bukas kasama ang mga employee sa department natin, sama ka?" Pang-iimbita nito. "A-" hindi ko pa man nauusal ang sagot ko ay pinutol na agad ako ng babae. "I don't take no for an answer." Ngumisi ito at sumandal sa b****a ng aking cubicle. "Do I have a choice?" Pabula kong tanong. "Definitely... None." Napakibit-balikat nalang ako. Naging malapit kami ni Charisse sa pagtatrabaho ko dito. At sa isang linggo ko itong laging kainteraksyon ay alam kong mahirap humindi sa babae. "See you tomorrow." Paalam ni Charisse sa akin at sumakay na sa taxi kaniyang pinara. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaalis. "Saw you smiling with that brute earlier." I flinched when I heard someone spoke beside me. I saw Max standing beside me, both hands are on his pockets while eyeing the cars that passed by the road. Ito ba ang nagsalita kanina? Nang bumaba ang tingin nito sa'kin ay nanlaki ang mata ko bago iniwas. Baka akalain niya pang tinititigan ko siya, when the truth is I didn't. Why would I stare at him? I huffed. But his 5 o'clock stubbles looks good on him though. Tumikhim ako. "You were saying?" Tanong ko dito. I heard him scoffed. "You we're smiling and laughing with Jarred." Ulit niya. "O, tapos?" Nagtatakang tanong ko dito. Pero napanganga ako nang ikutan ako nito ng mata. Aba! Binasa ko ang ibaba kong labi bago pinamewangan itong hinarap. "Oy, anong pinagpuputok ng butchi mo diyan?" "You we're obviously flirting at work." Napakurap ako. What...did he just say? Me... Flirting? "Pardon?" I asked. My lips is now on grim line. Hinarap ako nito ngayon at suot ang seryosong ekspresyon. "Nakikipaglandian ka sa oras ng tra-" hindi pa man ito nakatapos ay agad kong pinahalik ang kamao ko sa mukha nito. His face turned sidewards and I got to put a bruise on the side of his lips. Serves him right. Anong karapatan nitong sabihan ako na malandi. Tumawa lang ako sa napaka-corny na joke ni Sir Jarred tapos malandi na? Sino ba 'tong Max na'to at napaka-feeling close para sabihan ako ng malandi? Pinasadhan niya ng daliri ang gilid ng labi. Hinarap ako nito ulit na parang wala lang. Wala akong mabanaag na emosyon ngayon sa mukha nito. But I wasn't moved by that. I am certain that I look like a mad woman as of the moment-which is true. I am mad...so mad. I changed my face expression and equalled his'. I took off all the emotions that might probably be seen on my face. "Ikaw ba ang nilandi ko at ganiyan ka kaapektado? Hindi naman diba? Mind your own business." Hindi ko tinantanan ang mga mata nito at tinitigan ito ng maigi habang nagsasalita. May nabanaag ako roong galit, pero para saan? Tinalikuran ko na ito. I did not mind on correcting his false accusation. Let him think what he wants to think of me. Malandi? Nakikipaglandian? I smirked at the thought. Nang may maalala ay nilingon ko ito ulit. "Oh, and one more thing. Hindi tayo close para pagsabihan mo ako. Huwag.Feeling.Close, hmm?" I smiled sarcastically before walking away like a feline. Nang makalayo ay nawala ang pekeng ngiti na ipinlastar ko sa mukha. Nanggagalaiti ako habang inaalala ang sinabi ng lalaki. Kulang nalamg ay sabunutan ko ang sarili sa gigil. "Argh! Kailan pa naging malandi ang pagngiti at pagtawa? Walang hiyang lalaki 'yon." Kausap ko pa sa sarili. Alam ko naman noon pa na malimit lang ngumiti si Max at tanging blangko lang ang alam niyang ekspresyon. Sobrang foreign ba ang pagngiti sa kaniya at panlalandi ang deskripsyon niya dito? "Mas lalo mo lang akong binigyan ng rason para kamuhian ka, Max." I murmured to myself. "Ineng, ayos ka lang?" I halted on walking and faced the old lady that suddenly popped like a mushroom out of nowhere. I blinked. "P-po?" "Kanina mo pa kasi kinakausap ang sarili mo. Ayos ka lang?" Tumingin ito sa paligid bago ibinalik sa akin. "O baka...may kausap kang hindi nakikita ng karamihan?" Parang aso akong ngumiti dito. Napagkamalan pa akong baliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD