Kabanata 27: Pagtakas

868 Words
Pinagmasdan muli ni Juan ang mga tao sa paligid. "Ba-bakit gan'yan ang mga suot nila?" wika niya sa kaniyang isipan. Mga babae't lalaki ang kasalukuyang nakatingin sa kaniya ngayon. Hindi alintana ng mga tao ang lakas ng ulan. Nakita pa niyang nag-aabutan ang mga ito ng mga bagay na hugis bilog. "Pinagpupustahan nila ako?" Tama ang kaniyang hinala. Nagpupustahan nga ang mga ito tulad talaga ng sabong na kalimitan niyang nakikita. Iniligaw niya ang kaniyang mga mata sa paligid nang bigla matamaan ng paningin niya ang Heneral na kinatatakutan niya. Katabi ito ng isang prayle at kasalukuyan itong nakikipag-usap. Nanlambot na lang bigla ang kaniyang mga tuhod dahil umalis na ang mga Guwardiya sa kaniyang tabi. Siya na lamang ang natira sa gitna habang napapaligiran siya ng mga tao. Patuloy na kumakabog ang kaniyang dibdib. Iniisip niya na ito na marahil ang huling araw niya sa mundo. Habang kumakabog ang kaniyang dibdib ay sumasabay din na lumalakas ang bawat buhos ng ulan. Mga ilang saglit pa ay tinapunan na siya ng isang itak ng Guwardiya. Tumusok ang itak na iyon sa putek banda sa kaniyang harapan. Humakbang na siya papalapit sa itak upang bunutin ito at kunin. Hindi gaanong mabigat ang itak na iyon at ibang-iba iyon sa itak na ipinahawak sa kaniya ng lalaking nagturo sa kaniya. "Nasaan na kaya siya?" Muli niyang naalala ang lalaking nagturo sa kaniya kung paano gumamit ng gulok. Patuloy niyang iginala ang kaniyang tingin sa paligid ngunit hindi talaga niya makita ang lalaking iyon. Maya-maya pa ay isang lalaki na ang naaninag niyang papalapit sa kaniya. Nagmula ito sa labas at pumasok na sa gitna kung saan siya kasalukuyang nakatayo. Nakita niyang may hawak ding itak ang lalaking iyon kaya lalong kumabog ang kaniyang dibdib. Naghiyawan na ang mga tao habang pinagmamasdan sila ng mga ito. Tumigil na sa paglalakad ang lalaki hangang sa magtama na ang kanilang mga mata. "Bakit parang pamilyar ang mukha niya?" wika niya habang pinagmamasdan ang lalaki. "Ikaw...ikaw nga iyon!" Napatigil siya nang bigla niyang marinig ang paghampas sa bakal na hudyat na maaari na nilang umpisan ang labanan. Nakita niyang sumugod na ang lalaki sa kaniyang harapan. Kumabog nang kumabog ang kaniyang dibdib. Nanginig na nang tuluyan ang kaniyang mga tuhod. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa itak habang nakikita niya na sumusugod na ang lalaki papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Itinaas na niya ang kanan niyang kamay na may hawak na itak. Patuloy ang pagtakbo ng lalaki papalapit sa kaniya nang biglang umalingangaw ang sunod-sunod na putukan at pagsabog sa paligid kung saan sila naroroon. Iniligaw-ligaw niya ang kaniyang tingin at nakita niyang nagkakagulo na ang mga tao. "A-anong nangyayari?" Muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa lalaki ngunit agad siyang nagulantang dahil nasa harap na pala niya ito. Agad siya nitong sinunggaban kaya nabitiwan na niya ang hawak-hawak niyang itak at kapwa silang bumagsak sa putekan. Sunod-sunod na putakan pa ang umalingangaw sa paligid liban sa mga taong sumisigaw. Putukan iyon ng mga baril at pagsabog ng mga bomba ng kanyon. Mga ilang saglit pa ay madidinig na rin ang mga hagulgulan ng mga tao habang tumatakbo ang mga ito palayo sa lugar. Tumalsik ang putek sa mukha niya at sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay naaninag na niya ang mukha ng lalaki. Balbasarado ito at gusgusin. "Ka-kapitan, tumakas na ho kayo!" wika ng lalaki. Napatingin-tingin ito sa paligid na tila hindi mapakali. Kasalukuyang nakahiga siya sa putek at nakapatong naman sa kaniya ang gusgusing lalaking iyon. "Ikaw..., ikaw di-diba 'yong taong nagbigay sa akin ng pagkain?" "Opo kapitan, tumakas na po kayo!" Hinawakan ng lalaki ang kaniyang mga kamay at tinulungan siya nitong makatayo. Dinig na dinig pa niya ang bawat palitan ng putukan sa paligid nila. Hindi niya maaninag masyado ang paligid dahil tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Muli niyang tiningnan ang lalaki at nakita niyang basang-basa na rin ito tulad niya. "A-ano ang sinasabi mong kapitan?" nagtatakang tanong niya. "Tumakas na po kayo, pakiusap..." "Te-teka hindi kita maintindihan?" aniya. "Huwag n'yo na ho akong alalahanin ang mahalaga'y makatakas kayo...." Hinawakan ng lalaki ang kaniyang balikat. "Te-teka, sa-saan ako pupunta?" Inikot-ikot niya ang kaniyang tingin sa paligid nang bigla siyang hatakin ng lalaki. "Kapitan, dito ho kayo dumaan sa gubat. May mga kasama tayong naghihintay riyan." Itinuro ng lalaki ang kakahuyan sa kanilang tapat. "Te-teka pa-paano ka? Baka patayin ka nila?" "Huwag n'yo ho akong alalahanin. Ang mahalaga'y makatakas na kayo rito!" Itinulak na siya nito patungo sa kakahuyan. "Dalian mo na kapitan, tumakbo ka na!" Dali-dali niyang inihakbang ang kaniyang mga paa ngunit palingon-lingon pa siya sa lalaki. Tumakbo na siya nang ubod bilis kahit batid niyang may sugat siya sa tagiliran. Mga ilang saglit pa ay nadinig niya ang isang putok na galing sa kinatatayuan nila ng lalaki kanina. Huminto muna siya saglit sabay lingon doon. Agad niyang nakitang nakahandusay na sa putekan ang balbasaradong lalaki. Nakita rin niya ang Heneral at ito pala ang bumaril sa lalaking balbasarado. Kumabog nang kumabog ang kaniyang dibdib nang tapunan siya nito ng tingin. "Habulin s'ya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD