Kabanata 26: Kapistahan

2101 Words
Juan PoV Nagising si Juan sa mga kalabog na naririnig niya sa paligid. Bigla niyang naramdaman ang p*******t sa kaniyang ulo na tila pinukpok ito ng isang matigas na bagay. Lumapat din sa pilik-mata niya ang isang parang tubig na gumuguhit pa sa butas ng kaniyang ilong. Amoy na amoy niya ang malangsa na tubig na iyon na nagmula sa anit ng kaniyang ulo. Batid niyang sarili niya itong dugo. Tama nga ang kaniyang hinala may sugat siya sa ulo dahil sa pagkakabagsak niya sa lupa. "Te-teka, nasa'n na ako?" Inikot-ikot niya ang kaniyang paningin sa paligid ngunit wala siyang maaninag liban sa dilim. Pinakiramdaman niya ang paligid kung saan siya kasalukuyang nakatayo ngayon. Dinig niya ang mga kaluskos ng mga daga't ang huni ng mga ito. Naamoy din niya ang malangsang-langsang amoy na tila may k*****y na isdang malaki sa kinatatayuan niya ngayon. Hindi na siya nagkakamali nasa kulungan nanaman siya ngayon kung saan siya unang ikinulong din ng mga Guwardiya. "Buti hi-hindi nila ako pinatay." Tinitigan niya ang sugat sa kaliwa niyang tagiliran. Hindi niya ito makita dahil sa sobrang dilim ng paligid. "Pa'no na ako ngayon? Paano ako makakatakas dito?" Pilit niyang inihakbang ang kaniyang mga paa ngunit hindi siya makaalis. Naramdaman niyang tila may nakataling bagay sa dalawa niyang mga paa. "Kinadinahan nanaman ako ng mga, Guwardiyang 'yon." Hinila niya ang kaniyang mga kamay. "Bakit kinadinahan din nila ang mga kamay ko?"Pilit niyang hinila-hila ang dalawa niyang mga kamay. Kasalukuyan siyang nakadipa at may tali ng kadena ang kaniyang mga kamay at paa. Patuloy na sumasakit pa rin ang sugat niya sa tagiliran nang maalala niya na pinatakbo pala siya ng dalawang lalaki upang barilin. "Bu-buti hindi ako namatay roon." Naalala niya na tumakbo pala siya nang mabilis ngunit napatigil siya nang biglang umalingangaw ang isang putok kaya siya napatigil at napalingon. Doon na siya tinamaan ng bala dahilan kung bakit biglang lumabo ang kaniyang paningin at naunang bumagsak ang ulo niya sa lupa. "Ano ba talagang gusto nila sa akin? Ba-bakit nila ako ginaganito?" Gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Pakiwari niya ay pinarurusahan siya ng puong lumikha. Wala siyang alam sa sunod-sunod na pangyayari sa kaniyang buhay. Ang naaalala lang niya ay nagsimula ito noong gabi na patulog na sana siya nang biglang sumulpot ang hindi niya nakikilalang mga tao't ginulpi na lamang siya. Hinuli siya ng mga ito at ikinulong kung saan siya naroroon ngayon. Namuo na lang bigla ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Mga ilang saglit pa ay nag-uunahan na itong gumuhit sa kaniyang mukha. "Wa-wala naman akong kasalanan. Na-nasaan na ba talaga ako?" Pinagmasdan-masdan niya ang paligid ngunit wala talaga siyang makitang kahit ano. Mga ilang saglit pa ay may naaninag siyang liwanag na papalapit nang papalapit sa rehas ng kulungan kung saan siya naroroon. Dinig na dinig niya ang mga sunod-sunod na tapak ng paa kaya biglang kumabog ang kaniyang dibdib. Bigla siyang nakaramdam nang kakaiba. Agad na pumasok sa kaniyang isipan na paano kung ang mga taong naglalakad na iyon ay ang mga Guwardiya Sibil? O dili kaya'y ang Heneral na kinatatakutan niya? Bigla niyang naisip na tiyak ito na ang katapusan niya. Siguradong papatayin talaga siya kung ng mga ito kung tama ang kaniyang hinala. Sunod-sunod na yapak pa ng paa ang kaniyang nadinig at maya-maya pa'y may biglang lumitaw na mukha ng isang lalaki sa rehas ng kulungan. Kitang-kita niya ang mukha nito dahil may dala itong gasera na nagbigay liwanag. May bungot ang mukha ng lalaki, matangos ang ilong, medyo may pagkakulot ang mga buhok. Sa pustura pa lang ng lalaki ay batid na niya na isa itong dayuhan. "Si-sino ka? Anong gagawin mo rito?" wika niya sa lalaki. Gumuhit na lamang ang ngiti sa mukha ng lalaki bago bumuka ang bibig nito. "Vasquez....Iyan ang kalimitang tinatawag sa akin ng mga taga rito. Nga pala, isa ako sa mga Guwardiyang dumakip sa iyo." "I-ikaw...?" Bigla siyang pumalag-palag dahil ang lalaking nasa harap niya ngayon ay isa rin sa mga taong nagpahirap sa kaniya. "Bakit gan'yan ang titig mo sa akin?" Napapangiti ang lalaki. "Tila'y sasakmalin mo ako?" Pumalag-palag pa siya. "Umalis ka na dito at tigilan mo na ako!" sigaw niya sa lalaki. Medyo nahihingal siya dahil nanunuyo na ang kaniyang lalamunan. Matagal-tagal na rin pala nang huli siyang makainom ng tubig. Mga ilang sadali pa ay lumapit pa ang lalaki sa rehas ng kulungan. Itinapat pa nito ang lampara nitong hawak-hawak doon. "Anong gagawin mo?" "Napag-utusan ako ni Heneral na kunin ka rito." Hinawakan na ng lalaki ang tarangkahan ng kulungan at dali-dali na nitong binuksan. Biglang gumuhit ang malalamig na pawis niya sa likod na tila hamog ng gabi sa pagkalamig. Kumabog-kabog naman ang kaniyang dibdib tulad nang nararamdaman niya kapag nakakakita siya ng mga Guwardiya. "Bakit mo ako kukunin? A-ano ba talagang gagawin n'yo sa akin?" aniya. "Wala." Nakita pa niyang humakbang ang lalaki patungo sa kaniya at gumuhit muli ang ngiti nito sa mukha. "Ngayon ang araw ng kapistaha. Mga ilang sandali lamang ay gaganapin na ang patimpalak." "Anong patimpalak naman iyon?" "Wala kang alam?" Tumawa ang lalaki." Ang patimpalak na iyon ay sabong ng mga tulisan. At ikaw..." Sabay turo sa kaniya. "Ikaw ang isa sa mga isasabong." Lumapit pa sa kaniya ito. "Sabong?" Bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaking nagturo sa kaniya kung paano gumamit ng itak. Naaalala na niya na sinabi nga pala ng lalaki na siya ang gagawin nitong manok-manok sa labanan. Ito rin nga pala ang dahilan kung bakit siya ginamot ng lalaking iyon dahil ilalaban siya nito. Nanlambot na lang bigla ang mga tuhod niya nang maalala niya iyon. Batid niyang hindi pa siya marunong gumamit ng itak tiyak na mabibitiwan lamang niya iyon sa labanan. Naalala pa niya ang sinabi ng lalaki na kapag hindi raw niya maunahan ang kaniyang kalaban ay siya ang mauunahan nito. Na-kung hindi niya ito matataga ay siya ang matataga nito. Napalunok na lamang siya sa kaniyang laway nang maalala niya iyon. Tiyak baka ito na ang katapusan niya dahil hindi siya handang makipaglaban ngayon. "Anong gagawin ko?" Napapaisip pa rin siya nang biglang pumasok sa kaniyang isipan ang huling sinabi ng lalaking nagturo sa kaniya. Na-handa raw itong tulungan siya sa oras na siya ay lumaban na. Ibinalin na niya ang kaniyang tingin sa lalaking kasalukuyang lumalapit sa kaniya. Mga ilang hakbang pa'y nakalapit na ito ng tuluyan sa kaniya. "Ano nakahanda ka na bang mamatay, ginoo?" Tumawa pa ang lalaki. "Pa-parang awa mo na. Patakasin mo na lang ako rito...." Biglang nag-iba ang mukha ng lalaki. "At bakit ko gagawin iyon?" Sabay sampal nito sa kaniyang mukha. Lumapat sa mukha niya ang malapad na palad ng lalaki dahilan upang mapatagilid siya dala ng puwersa. Ramdam na ramdam niya ang pagkainit sa kaniyang mukha matapos siyang sampalin nito. Pumalag na lang siya baka sakaling matanggal pa ang kadena na nakagapos sa kaniya. Baka sakaling sa huling pagkakataon ay makatakas siya ngunit kahit anong pangpumiglas ang kaniyang gawin ay wala talaga. "May balak kang tumakas?" wika ng lalaki. Tinitigan lamang niya ito at hindi na lamang siya kumibo. "Halika." Hinawakan na ng lalaki ang kadena sa kaliwa niyang kamay at agad nitong tinanggal ang pagkakahigpit ng kadena roon. Gayundin sa kanang kamay niya at maya-maya pa ay yumuko na ang lalaki. "A-anong gagawin mo?" Napatingin siya sa lalaki. "Huwag ka nang maraming tanong!" Tinaggal na ng lalaki ang kadena sa kaniyang mga paa dahilan upang guminhawa na ang pakiramdam niya. Tumayo na ang lalaki at seryoso siya nitong tinignan. "Huwag mong balaking tumakas pagkat hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Kinabahan siya sa sinabi ng lalaki. Ayaw pa niyang mamatay dahil gusto pa niyang makita ang kaniyang pamilya at makabalik sa kanilang bahay. Tumingin siya sa gilid ng kulungan at nakita niya na isinandik lang pala ng lalaki ang baril nito doon. Kung gugustuhin niyang kunin iyon ay makukuha niya iyon ngunit naiisip niya na hindi niya kaya ang lakas ng lalaki baka maagaw pa nito ang baril sa kaniya. Biglang napansin ng lalaki na tinitingnan niya ang baril nito kaya lumapit ang lalaki sa baril na nakasandig at kinuhan na nito. "Lumabas ka na." Tinuro nito ang labasan ng kulungan. "Magmadali ka!" dagdag pa nito. Patuloy pa rin na kumakabog ang kaniyang dibdib habang inihahakbang niya ang kaniyang mga paa. Nakalabas na siya ng pinto ng kulungan nang bigla siyang mapatigil at mapatingin sa lalaki. "Abanti." Turo pa ng lalaki sa daan sabay tinusok-tusok nito ng dulo ng baril ang kaniyang likod. Lumakad na muli siya sa isang madilim na lagusang iyon. Buti na lamang ay may dala-dalang lampara ang lalaki kaya naiilawan nito ang kanilang nadaraanan. Mga ilang sandali pa ay nag-iba ang daan. Hindi na siya humahakbang paabanti kundi humahakbang na siya pataas na tila umaakyat siya sa hagdan ng entablado sa kanilang paaralan. Naaalala niya na ang daanang ito pala ay ang daanan na dinaanan din nila noong lumabas sila ng kulungan. Nababatid na niyang lalabas na talaga sila ng bilangguan. Patuloy pa ring kumakabog ang kaniyang dibdib dahil naiisip niyang baka ito na ang huling araw niyang makapaglalakad. Sasabak na siya sa isang labanan kahit wala siyang kaalam-alam sa paggamit ng sandata liban sa itak na itinuro sa kaniya ng lalaki. Iniisip niya ngayon kung paano siya makatatakas sa mga nais na pumatay sa kaniya. Ano ang gagawin niya sa oras ng labanan? Tatakbo na lamang ba siya upang tumakas? O dili kaya'y lalaban nang hindi siya nakasisiguradong mananalo siya? Patuloy siyang naguguluhan sa mga dapat niyang gawin habang siya ay naglalakad. Maya-maya pa ay natanaw na niya ang isang liwanag. Nakasisigurdo na siyang ito na marahil ang lagusan palabas ng gusaling kanilang nilalakaran. Ilang hakbang pa'y narating na nila ng tuluyan ang liwanag na kanina pa niya naaaninag. Tama ang kaniyang hinala dahil ito na labasan sa kuwartel. Sa pagsilip niya sa pinto ay may dalawang lalaking lumapit sa kaniya. Ang isang lalaki ay may dalang baril. Ang isa naman ay may hawak na telang mahaba na kulay itim. "Sino kayo't anong gagawin n'yo sa akin?" Muli niyang nilingon ang lalaki sa kaniyang likuran ang kasa-kasama niyang naglakad kanina at nakita niyang bigla itong dumikit sa kaniya upang siya ay hablutin at hawakan ang kaniyang mga kamay. "Anong gagawin n'yo sa akin!?" Pumalag-palag siya. "Bitiwan n'yo ako!" Sobrang lakas ng mga lalaki. Wala siyang magawa kahit anong palag ang kaniyang gawin. Hindi niya kaya ang mga ito dahil may sugat din siya sa kaniyang tagiliran. Lumapit pa ang lalaking may hawak na tela. "Hawakan n'yo s'ya ng mahigpit." Agad nitong piniringan ang kaniyang mga mata. Wala na siyang makita matapos siyang piringan ng mga lalaki. Naramdaman din niyang tinalian din ng lubid ang kaniyang mga kamay. "Lakad indio! Lakad!" Tumawa ang mga lalaki sabay tulak sa kaniya paabanti. Napalakad na lamang siya dahil wala siyang magawa. Piring na ang kaniyang mga mata kaya hindi na niya nakikita ang mga ito. Sinunod na lamang niya ang mga ipinag-uutos ng mga lalaki sa kaniya baka lalo pa siyang mapag-initan ng mga ito. "Saan n'yo ba talaga ako dadalhin?" Inikot-ikot niya ang kaniyang ulo habang siya ay naglalakad. "Sumunod ka na lamang..." Napapangiting wika ng mga lalaki. Maya-maya pa ay bigla niyang naramdaman na may lumalapat na mga tubig sa kaniyang katawan. Malamig ang tubig na iyon na katulad din ng hamog ng gabi. Nagmula ang patak na iyon sa taas kaya batid niyang umuulan na. Wala siyang suot-suot na damit ngayon kaya salong-salo niya ang bawat patak ng ulan. Mga ilang sandali pa ay narinig na niya ang dagundong ng langit at nagsimulang bumilis ang bawat patak ng ulan. Basang-basa na siyang nang pinatigil siya ng mga lalaki sa paglalakad. "Nasaan na ako?" Tumingin siya sa kanang bahagi at tumingin din siya sa kaliwa. Nadinig niya sa paligid ang mga hiyawan ng mga tao. Pinakiramdaman niya iyon at agad niyang nalaman na napapaligiran na pala sila ng mga tao. Tinanggal na ng mga lalaki ang tela sa kaniyang mga mata at nakita na niya nang tuluyan ang samot-saring mukha ng mga taong nakapaligid sa kanila. "A-anong lugar ito?" Iginala pa niya ang kaniyang mga mata nang makita niya ang Guwardiya na dumakip sa kaniya noong nagdaang araw. "Ito na ang kamatayan mo Indio." Nakangiting wika ng Guwardiyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD