Kabanata 28: Habulan sa Kakahuyan

1845 Words
"Patay talaga ako kapag tumigil ako sa pagtakbo," aniya, habang siya ay tumatakbo sa ilalim ng kakahuyan. Patuloy na lumalapat ang bawat patak ng ulan sa kaniyang balat. Basang-basa na siya habang siya ay tumatakbo. "Saan na kaya sila?" Nililingon pa niya ang kaniyang likuran baka naroon ang mga taong humahabol sa kaniya. Patuloy pa rin na kumakabog ang kaniyang dibdib dahil hindi niya alam kung makatatakas siya sa mga taong iyon. "Paano kung mahuli nila ako? Ayaw ko pang mamatay. Kailangan kong makatakas dito." Hinawakan pa niya ang kaniyang sugat sa tagiliran. Patuloy pa rin itong sumasakit dahil sariwa pa ang sugat niya. Pakiang-kiang pa siya kung tumakbo. "Aray ang sakit talaga!" Napahinto siya. Sumandal muna siya sa isang malapad at mataas na punong kahoy. "Siguro naman...hindi nila ako makikita rito." Muli niyang hinawakan ang sugat niya. "Paano ko kaya ito magagamot?" Tumingin-tingin siya sa kaniyang paligid. Nakita niyang napaliligiran siya ng mga punong kahoy. Nakasabit pa sa mga punong kahoy ang mahahabang bagin kaya ito ang mas nagpapadilim sa paligid. Amoy na amoy rin niya ang napakasariwang ihip ng hangin. Napahawak na lamang siya sa ugat ng punong kahoy na kasalukuyang kinasasandigan niya ngayon. "Baka gamot ang punong kahoy na ito...?" Umupo siya at tinuklap niya ang balat ng ugat ng punong iyon gamit ang kaniyang mga kamay. "Ang tigas!" Hindi niya ito kayang tanggalin gamit ang kaniyang mga kamay kaya naisipan niyang kagatin na lamang ito. Mga ilang sandali lamang ay natuklap na niya ito at lumabas na ang mga dagta ng ugat ng punong kahoy. "Sana gamot ito...." Itinapal na niya ang balat ng ugat na iyon sa kaniyang sugat. Naramdaman agad niya ang pag-init sa kaniyang sugat na tila pinapaso ito ng isang bagâ ng apoy. Inikot-ikot muli niya ang kaniyang paningin sa paligid nang bigla niyang maalala ang halamang gamot na itinapal sa kaniya ng kumandante. "Saan ko kaya makikita ang dahong iyon?" Napatayo siya habang sinisiyasat ang paligid. Humakbang pa siya paabante nang bigla niyang makita ang mga Guwardiyang humahabol sa kaniya kani-kanina lamang. "Heneral, ayon po s'ya't nakasandig sa puno!" wika ng Guwardiya, sabay turo nito sa kaniya. "Mga hangal ano pang hinihintay nyo!? Barilin n'yo na!" usal ni Heneral Cuenco. Nakita na nga siya ng mga ito kaya pinaulanan na siya ng mga ito ng putok. Humakbang siya sa gilid kung saan may malaking ugat na maaari niyang makublihan. Patuloy pa rin sa pagkabog ang kaniyang dibdib habang siya ay nagtatago. "Ka-kailangan ko talagang makatakas. Dapat na makaalis ako rito...." Sumilip siya ng kaunti sa ugat ng punong kahoy. Kitang-kita niya na tumatakbo na ang mga Guwardiya kung saan siya kasalukuyang kumukubli. "Ba-bahala na." Tumakbo na siya paalis sa malaking ugat ng punong kahoy na iyon. Dinig na dinig niya ang pagkasa at pagpapaputok ng mga Guwardiya mula sa kaning likuran. Batid niyang inaasenta siya ng mga ito kaya't hindi na siya lumingon-lingon pa sa likod. "Mga hangal patamaan n'yo!" Galet na usal ni Heneral Cuenco na kasalukuyang naglalagay ng bala sa baril nito. Dinig na dinig pa ang sunod-sunod nitong panenermon sa mga Guwardiyang naghahabol kay Juan. "Kailangang hindi nila ako matamaan. A-ayaw ko pang mamatay." wika niya, habang siya ay tumatakbo ng pakiang-kiang. Maya-maya pa ay bigla niyang naisip ang isang paraan ng pagtakbo. "Siguro naman hindi nila ako matatamaan kung gagawin ko ito." Ginawa niya ang naiisip niyang paraan. Tumakbo siya nang paabante at mamaya-maya ay magkukrus siya ng direksyon. Naging mabisa ang paraang kaniyang naisip dahil lalong nahirapan ang mga Guwardiyang asintahin siya ng maayos. Patuloy niyang ginawa iyon habang lumulusot siya sa mga naglalakihang punong kahoy. Huminto na ang mga Guwardiya sa pagtakbo dahil hindi na makita ng mga ito si Juan. Patuloy ang paglakas ng bawat buhos ng ulan kaya ito rin ang naging dahilan upang maging malabo ang paligid at pumutek ang lupa. "Bakit kayo huminto!?" nagtatakang tanong ni Heneral Cuenco sa mga Guwardiyang nakayuko habang hingal na hingal. "Pa-paumanhin, Heneral ngu-ngunit hindi na ho namin siya makita," tugon naman ni Santiago ang tenyente ng mga Guwardiya. "Mga hangal!" Lumapit ng kaunti si Heneral Cuenco sa mga Guwardiya. "Hindi dapat kayo tumigil sa pagtakbo!" "Ngu-ngunit, Heneral..." singit ng isang Guwardiya kaya nilapitan ito ni Heneral Cuenco at hinawakan niyo ang leeg nito. "Estupido huwag na kayong magdahilan!" Itinapon niya sa putekan ang Guwardiya dahilan upang mapasobsob ito roon. Nagtinginan na lamang ang mga Guwardiya kay Heneral Cuenco kaya galet niya itong pinagtatapunan ng tingin. "Anong tinitingin-tingin n'yo!?" Itinaas niya ang kaliwa niyang kamay na may hawak na baril sabay kalabit sa gatilyo nito. Umalingangaw ang nakaririndi nitong putok sa buong kakahuyan. "Ano pang hinihintay n'yo...? Hanapin n'yo sa!" "Masusunod ho, Heneral." tugon ng mga ito, at dali-daling tumakbo. Nadinig naman ni Juan ang putok na iyon kaya napatingin siya aa kaniyang likuran. "Ma-malayo na ata ako sa kanila?" Pahingal-hingal niyang sambit. Hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Dumadampi iyon sa kaniyang mukha kaya naisipan niyang magpahinga muna sandali. Napahawak siya sa isang maliit na puno habang pinagmamasdan niya ang kaniyang sugat sa tagiliran. "Bakit kaya nangyayari sa akin ito?" Inikot-ikot niya ang kaniyang paningin sa paligid nang biglang niyang maalala ang lalaking balbasarado na tumulong sa kaniya kani-kanina lamang. "Si-sino siya? Bakit niya ako tinatawag na kapitan? Ano bang mayro'n sa lugar na ito?" nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili. Sobra pa siyang nag-aalala sa lalaking balbasarado na tumulong sa kaniya dahil utang niya rito ang kaniyang buhay. "Sana buhay ka pa. Kailangan kitang makita muli." Tumingin muli siya sa paligid at pilit na niyang inihakbang ang kaniyang mga paa. "Kailangan kong makita ang mga taong tutulong sa akin dito." Muli na siyang tumakbo kahit patuloy na kumikirot pa rin ang kaniyang tagiliran. Hindi niya masyadong maaninag ang daan dahil tuloy-tuloy pa rin talaga ang paglakas ng ulan. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Ang tanging nasa isip niya ay makita niya ang sinasabi ng lalaking balbasarado na mga taong tutulong sa kaniya. Ito na lamang ang pag-asa upang siya ay mabuhay. Hindi siya maaring tumigil sa pagtakbo dahil tiyak na papatayin siya ng mga taong humahabol sa kaniya. "Kailangan na kailangan kong makaligtas." Sambit niya habang nagpapatuloy siya sa pagtakbo. "Nasaan na sila? Nasaan na ang mga taong tutulong sa akin?" Iniligaw-ligaw niya ang kaniyang paningin sa paligid na nadadaraanan niya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa makita niya ang isang ilog. Huminto muna siya saglit at pinagmasdan ng mabuti ang ilog sa kaniyang harapan. "Pa-parang pamilyar sa akin ang ilog na ito?" wika niya sa kaniyang isipan. "Parang nakapunta na ako rito...?" Akmang lalapit na sana siya sa ilog nang madinig niya ang sunod-sunod na yabag ng paa ng kabayo. "Heneral, ayon ho s'ya!" Kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib nang madinig niya ang boses na nanggaling sa kaniyang likod. Hindi ito kalayuan mula sa kaniyang kinatatayuan ngayon. Nilingon na niya ang kaniyang likod at hindi nga siya nagkakamali dahil ito na ang mga Guwardiyang humahabol sa kaniya. Bumilis nang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib kaya napatakbo muli siya. "Paputakan n'yo s'ya!" wika ni Heneral Cuenco habang tinuturo nito siya. Tumakbo muli siya patungo sa kakahuyan. Pilit niyang tinatakasan ang mga ito kahit na pakiang-kiang siya kung tumakbo. "A-ang sakit na talaga..." Hinahawakan niya ang kaniyang sugat. Napahinto na lamang siya sa pagtakbo dahil hindi na niya kayang ihakbang pa ang kaniyang mga paa dahil tila bibigay na ito. Nilingon muli niya ang kaniyang likuran at nakita niyang papalapit nanaman ang mga Guwardiyang naghahabol sa kaniya. "Mamamatay na ata ako rito...." Napaluhod at napayuko siya sa putekan dahil tila nawalan na siya nang pag-asa. Ngunit mga ilang sandali lamang ay nadinig niya ang mga yapak ng paa. Nagmula ang mga ito sa kaniyang harapan kung saan siya kasalukuyang nakaluhod. Naisip niyang ito na ang mga Guwardiya. Ito na ang kaniyang katapusan. Mamamatay na siya ngayon sa kamay ng mga Guwardiyang naghahabol sa kaniya. Lumapit pa nang lumapit ang mga yabag ng paa sa kaniya hanggang sa biglang tumigil ang nga ito. Mga ilang sandali lamang ay unti-unti niyang naramdaman na parang may lumalapat na kamay sa kaniyang balikat. "Pa-patayin n'yo na ako pleaseeee...hirap na hirap na ako," pagmamakaawa niya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. "Kapitan, kami ho ito." Isang maamo na tinig ang nadinig niya mula sa kaniyang harapan. Kaya dahan-dahan niyang iminulat ang talukap ng kaniyang mga mata at tuluyan na niyang naaninag ang isang lalaki. Limang lalaki ang nasa harap niya ngayon na pawang armado ng itak at baril. Nginitian siya ng mga ito na tila bakas sa mga mukha ang pagkasabik na makita siya. "Bu-buhay ka nga, kapitan." Hinawakan ng lalaking nasa harap niya ngayon ang kaniyang mga kamay at tinulungan siya nitong makatayo. Tinitigan muna siya nito ng ilang sigundo bago siya niyakap ng mahigpit. "Totoo nga na bu-buhay ka." "Ka-lucas, may sugat siya." wika ng isang lalaki dahil nakita nito ang sugat niya sa tagiliran. Lumapit pa ang lalaking nagsalita. "Ka-kailangan nating makaalis kaagad dito ka-lucas." "Ang bangka?" "Naroon ho sa ilog." "Sige." Ikinalas na ng lalaki ang pagkayakap nito sa kaniya at tinitigan siya nito. "Humayo na ho tayo, kapitan." Inalalayan na siyang maglakad ng lalaki. Halos walang salitang namutawi sa kaniyang bibig. Takang-taka siya dahi hindi niya alam kung bakit siya tinatawag ng mga ito na kapitan. Hindi nga niya ito kilala. Hindi pamilyar ang mga mukha nito sa kaniya at ngayon pa lamang niya ito nakita. Mabilis ang kanilang paglakad. Lumosot sila sa masukal na bahagi ng kakahuyan. Mga ilang sandali ay hihinto sila at magpapatuloy muli sa paglalakad. Kaya mga ilang saglit lamang ay narating na rin nila ang bahagi pa rin ng ilog. Wala nang guwardiyang nakasunod sa kanila. May nakaparadang bangka sa tubig kaya humakbang nang humakbang pa sila papalapit dito. Ngunit bago pa man sila napalapit doon ay naligaw niya ang kaniyang mga mata sa hindi kalayuan sa pampang na may maliit na puno. Bigla niyang natanaw roon ang isang babaeng basang-basa na may hawak na lampara. "I-ikaw...?" Napahinto siya sa paghakbang. "I-ikaw 'yong babae sa panaginip ko." Biglang bumilog ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya ngayon. Nakita niyang nakatayo lamang ang babae habang pinagmamasdan din siya nito. "Hindi ako pwedeng magkamali...ikaw nga iyon." Pilit niyang inihakbang ang kaniyang mga paa upang makalapit siya sa babaeng kaniyang nakikita. Nakita siya ni Lucas kaya pinigilan siya nito. "Ka-kapitan, kailangan na ho nating magmadali!" Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. "Sumakay na ho kayo sa bangka dali!" Hindi pa rin siya nagpapigil kay Lucas at pinilit pa rin niyang inihakbang ang kaniyang mga paa patungo sa babae. "Kapitan!" Hinila muli siya nito. "Patawarin n'yo ho ako." Bigla siya nitong sinuntok sa mukha dahilan upang mawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD