THE FLIGHT was so tiring. Pagkalabas namin sa airport ay dumiretso kaagad kami sa condo ko. Wala pa kasi akong sariling bahay at hindi ko pa naisipan na magpagawa kahit mataas ang sahod ko sa pagmomodel. Condo lang muna ang binili ko. Ganoon din naman si Daisy, nakikitira muna siya sa bahay ni Mama at Papa niya hindi ko pa siya ‘yon kilala kahit gusto kong makita ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw niya.
Nag-tungo kaagad kami sa hypermarket ng makapagbihis kami para makabili ng mga pagkain. Siya lang naman ang marunong magluto sa ‘ming dalawa. Ang kaya ko lang naman gawin ay may boiled ng egg.
Okay! Alam kong panget sa babae na hindi marunong sa gawaing bahay o magluto pero p’wede ko namang matutunan ‘yon in the future ‘di ba? Sana kung mag-kakaroon ako ng asawa yung marunong mag-luto. Kawawa naman kung puro itlog ang ipapakain ko sa kanya or he can teach me how to cook, right!?
Naghiwalay lang kami ni Daisy dahil sa may meat section siya habang ako ay nasa canned goods. May iba kasi na de lata na hindi ko p’wedeng kainin dahil nagtatrabaho pa ako. Medyo strikto ang agency na pinagtatrabahuan namin. Dahil tapos na ang kontrata ko sa pag-mo-model ay p’wede ko ng kainin ang hindi ko nakakain! Habang abala ako sa pag-pili ng mga de lata ng biglang may bumangga sa ‘kin. Napaharap ako at pati ang hawak niya ay nahulog.
“Oh my! I’m sorry,” natataranta kong wika.
Yumuko ako at tinulungan siyang pulutin ang mga nahulog na bibilhin niya. Nagkasalubong ang tingin namin. His face. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa sanya. Nasa mga middle age ito pero hindi halata dahil sa pangangatawan niya.
“I-i'm sorry. . . Again, Sir,” nauutal kong saad.
Ngumiti lang siya sa akin. “Ako dapat ang mag-sorry sa ‘yo, young lady.”
Pati ang boses nito napakalalim. Siguro ang gwapo nito noong kabataan niya. Napailing na lang ako dahil sa pinagiisip ko.
“Gusto niyo po kuhaan ko kayo ng push cart? Masyado pong marami ang dala niyo. Baka mamaya mahulog po ulit ‘yan,” salita ko habang nakatingin parin sa kanya.
Mahina itong natawa at umiling. “It's okay, young lady. Pipila na rin naman ako,” tugon nito habang nakangiti sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa aking push cart. Wala pa naman masyadong laman yung sa akin. P'wede kong ibigay sa kanya ‘to.
Mabilis pa sa alas kwatro na hinablot ko ang dala niya at nilagay sa push cart ko.
“Young lady—”
“Hindi ka na mahihirapan sa pag-bitbit.”
Wala na siyang magagawa nalagay ko na sa push cart ko yung pinamili niya. Mahina itong natawa. Hinawakan niya ang balikat ko at hinaplos ang aking buhok.
“Thank you. Mauna na ako, bye.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango. “You’re welcome.”
Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ng marinig ang boses nito sa aking likuran.
“You should eat more, Young lady. Ang payat mo tignan.”
Alam kong sakanya galing ‘yon kaya pagkaharap ko sa likuran ko ay wala na siya. Wow. Magic. Napailing na lang ako at kumuha ng panibagong push cart. Bumalik ako sa canned goods section at kumuha ng mga bibilhin ko.
Pagtapos kong mamili pumunta ako sa pinaka-favorite kong section. Ang mga noodles! Kinuha ko lahat ng gusto ko at tig-apat piraso ‘yon para sa amin ni Daisy. Bumili rin ako ng mga hygiene para sa sarili namin.
Puro damit lang ang dala namin pagkauwi rito at hindi na dinala ang mga personal na gamit kung p’wede naman kaming bumili rito. Umikot pa ako sa ibang section para mahanap si Daisy. Nang makita ko na siya ay tinulungan ko ito sa paglagay ng mga karne sa push cart. Medyo marami rami ito. Pero okay lang para hindi na kami magpabalik balik dito. Bago namin dalhin ito sa cashier ay bumili rin kami ng mga condiments. Sunod hindi mawawala ang beer.
“Ako na magbabayad nito. Maghintay ka na lang d’yan sa gilid,” wika nito at inayos ang pagkakasalansan ng mga pinamili namin.
“Huh? Hati na tayo d’yan anong ikaw mag-babayad,” kunot noo kong saad.
Tinawanan niya lang ako. “Ako na nga. Sige na huwag ka ng mag-inarte maghintay ka na lang d’yan sa gilid.”
Inirapan ko siya at naghintay na lang sa gilid. Wala naman akong magagawa siya ang maraming pera kaysa sa akin. Lahat ng meron sa akin ay galing sa pinaghirapan ko. Never akong binigyan ng allowance ni Daddy sa buong buhay ko. Halos lahat ang atensyon nila kay ate Monriesa. Pati rin si Mommy wala na rin ang atensyon niya sa akin.
Dahil anak daw ako ni mommy sa pagkadalaga nya which is true. Maaga ko nalaman na anak ako sa labas. Noong una hindi ko pa tanggap pero sa kalaunan ay tinanggap ko na lang din dahil ‘yon naman ang totoo at hindi na ‘yon mag-babago.
Pero hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Dahil naiingit ako sa kanila, parang sila lang ang nagmamahalan bilang pamilya hindi nila ako sinasama. At sa tuwing kakain sila sa labas iniiwan nila ako. Binibigyan nila ako ng pera pero hindi ko ‘yon tinanggap.
Para saan? Para may maisumbat sila na binibigyan nila ako ng pera kaya huwag daw ako magdradrama. Ang gusto ko lang ay ang mahalin nila ako. Naiingit ako kapag nagyayakap sila habang itong ate ko nakatingin sa akin habang nakangisi nababasa ko sa mata niya ang salitang ‘Mainggit ka.’
Nang tumungtong ako sa legal age umalis na ako sa poder nila. Hindi man nila ako pinigilan. Hinayaan lang nila ako. Hindi ko naman ineexpect na pigilan ako dahil alam ko simula pa nung una ay wala silang pake sa akin.
Hindi rin maalis sa isipan ko ang mga masasakit na salita na sinasabi nila sa akin.
“Tandaan mo ‘yan kahit kailan hindi kita ipagmamalaki dahil ikinahihiya kita!”
“Bakit hindi mo gayahin si Monriesa? Napakagaling niya sa lahat ng bagay! Pero kahit anong gawin mo hinding hindi kita ipagmamalaki. Hindi ka isang tunay na mendoza. Nakakahiya!”
Makikita mo talaga sa mata nila ang pandidiri. Nakakapagod na rin umasa na balang araw ay mamahalin nila ako. Sobrang nakakapagod. Sinimulan ko rin na hanapin ang tunay kong tatay baka sa kaling makasama ko siya. Dahil kapag nahanap ko siya sa kanya na ako titira. Kahit anong hanap ko ay hindi ko siya nahanap. Ang kaso wala. Sumuko na rin ako no’n dahil. Napapagod na rin ako.
“Hoy! Cattalina kanina pa kita tinatawag tulala ka. Okay ka lang ba?”
Nabalik lang ako sa aking katinuan ng marinig ang boses ni Daisy. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.
“H-huh?”
“Sabi ko okay ka lang ba? Tulala ka.”
Ilang beses akong napakurap. “Ano. . . Oo. May iniisip lang.”
Nilapitan ko siya at tinulungan sa pagbuhat ng plastic bag. Ang bilis naman niya masyado lang yata akong lutang. Parehas naming pinasok sa loob ng push cart ang plastics bag at tinulak na hanggang sa makarating sa parking lot.
“Kaya nga tayo nag-bakasyon para mawala ang mga stress and negative vibes tapos ikaw pa ‘tong nagsisimula. Cattalina, kapag ako nahawa n’yan pareho tayong mapupunta sa mental hospital,” pangaasar nito sa akin.
Napailing na lang ako sa pinagsasabi niya. Alam kong pinapagaan niya ang loob ko.
“Oo na,” natatawa kong tugon. Ngumiti ako sa kanya. “Okay na?”
Ngumisi siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. “Okay na okay! Bagay sa ‘yo ang nakangiti, Cattalina. Tandaan mo ‘yan, okay?”
Tumango ako at yumakap sa kanya. Kahit ganito si Daisy mahal na mahal ko siya. Nang makarating kami sa parking lot ay kaagad naming nilagay ang mga grocery sa likod ng kotse. Habang abala kami sa paglalagay ay may nakita akong lalake na abala rin sa pag kakalikot ng kung ano sa kotse nito. Napatingin ako sa lapag ng may nakita akong wallet. Mukhang sa kanya ‘yon. Ang taba taba ng wallet i'm sure maraming pera roon.
“May pupuntahan lang ako Daisy.”
Umangat ang tingin nito sa akin ng mailagay ang ibang pinamili sa likod ng kotse.
“Where?” she asked.
“D’yan lang, oh,” humaba ang nguso ko sa pinagpwestohan ng lalake.
Tumango lang ito sa akin. Naglakad ako papunta sa pwesto ng lalake at dinampot ang wallet na sobrang taba.
“Excuse me, nahulog mo yung wallet mo,” salita ng makuha ko ang wallet nito.
Humarap siya sa akin at parehas kaming natigilan. Hala, Siya ulit. Natawa na lang ako dahil doon.
“Oh—you again,” halata ang gulat sa boses nito pero nangingibabaw parin ang pagkaseryoso nito.
Parang anytime papatayin ka nito sa sobrang seryoso.
“Sir. . . Ikaw po ulit!” mahina akong natawa at napakamot sa aking ulo.
Nilahad ko ang wallet nito sa kanya. “Nahulog niyo po.”
Bumaba ang tingin nito sa kamay ko. “Thank you very much, young lady,” kinuha niya ang wallet sa palad ko at pinasok sa bulsa ng maong na pantalon nito. Tinignan ko ang kabuhuan nito. Hanggang sa mapako ang tingin ko sa baril na nalagay sa bulsa nito. Paano siya pinapasok ng mga guwardya kung may dala itong baril. Parang ang mysterious ng personality niya.
“May baril ka,” mahina kong wika. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko napigilan ang bibig ko na bigkasin ‘yon. Muhkang narinig noya ang bulong ko kaya mabilis niya ‘yong tinakpan ng kanyang coat.
“Salamat ulit.”
Tumango ako at ngumiti. “Always welcome po, Sir.”
Kumaway ako at tinalikuran siya ng makitang tapos na si Daisy sa pag-ayos ng pinamili namin. Natigilan lang ako ng marinig ang boses nito.
“Young lady, Can I ask something?”
Humarap ako sa kanya. “Ano po ‘yon?”
“If you don’t mind. . . What’s your name?”
Dahil maagan ang pakiramdam ko sa kanya friends na kaagad kami. Exempted na siya roon ‘no! Meron din kasi na hindi ko kaagad gusto ang isang tao kapag unang kita ko pa lang huwag niyong i-judge may ugali lang talaga ako na ganoon.
“Cattalina Luna Mendoza.”
Tumango tango ito at may binubulong pa. Dahil matangkad siya nakaangat ang tingin ko sa kanya.
“Mendoza? I see.”
Napatagilid konti ang ulo ko sa sinabi nito. Anong meron?
“Bakit po?”
“Nothing. Ang bait mo na lang sa ’kin,” tugon nito.
Nakababa ang tingin nito sa akin at halatang nag-eenjoy na kausapin ako kahit hindi halata. Ngumiti ako.
“Ikaw rin naman po.”
Lumawak ang ngiti niya at hinimas ang ulo ko. Parang sumabog ang kaligayahan sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Siya pa lang gumagawa no’n sa akin bukod si daisy.
“You're so beautiful,” he complimented.
Ngiti ngiting inipit ko ang ilang hibla ng aking buhok sa tenga ko. Nambola pa talaga siya. I know right! I’m really beautiful!
“Nambola ka pa po, Sir. Little things,” natatawa kong tugon.
He chuckled. “I have to go young lady. Stay safe.”
Kumaway lang ako at pinanood siyang sumakay sa kanyang kotse. Sayang hindi ko natanong yung pangalan niya!
Pagkabalik ko sa kotse ni Daisy ay pumasok na ako sa loob at naupo sa shotgun seat. Napalingon ako sa kanya ng bigla itong nagsalita.
“Pupunta ka ba sa bahay ng daddy mo?” tanong nito habang nagmamaneho.
Huminga ako ng malalim at pumikit. “Maybe? Gusto ko rin makita sila. It's been a year, Daisy,” mahina kong wika at parang pagod ng ‘yon ang naging topic namin.
“Tsk.”
“Para saan pa? Para ipahiya ka? Para sabihan ka ng kung ano ano. Kung ako sa ‘yo huwag kanang tumuloy,” seryoso niyang wika habang nakatingin sa kalsada.
Hindi ko sinagot ang sinabi nito. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Kaya ganyan ang reaksyon niya at may punto rin siya. Pero gusto ko lang din sila na makita. Wala sa sariling tinignan ko ang buhok nitong mahaba. Black wavy hair ‘yan ang hairstyle niya ngayon. Ang ganda lang.
“Saglit lang ako roon, Daisy. Magpapakita lang ako tapos aalis na,” tugon ko at nahahapong sumandal sa kinauupuan ko.
Bumuntong hininga lang siya sa sinabi ko. Kumuha ako ng snacks sa plastic bag at binuksan ‘yon.
“If that’s what you want. I respect your decision,” tugon nito bago ako tignan. “Masaya ka nga na makita sila pero ang tanong masaya ba sila na makita ka?”
Natahimik ako sa sinabi niya at napanguso. Sumubo lang ako ng pagkain at nakinig sa sinasabi nito.
“Hindi kita pinipigilan, Cattalina. Sinasabihan lang kita, ayaw lang kitang masaktan. Naaawa na ako sa ‘yo tuwing umiiyak ka sa akin,” salita nito at humigpit ang paghawak sa steering wheel dahil sa pagkainis.
“Thank you, Daisy,” I whispered.
Huminga siya ng malalim at nilingon ako. “You’re welcome, Catt. You’re my bestfriend s’yempre mag-aalala ako sa ‘yo.”
Napangiti na lang ako sa sinabi nito. Kumuha ako ng pagkain at sinubo ‘yon sa kanya. Tinanggap naman niya ‘yon at kinuha pa ang nadikit na cheese sa daliri ko kaya naiinis na bintukan ko siya. Tinawanan niya lang ako at tinuon ang pansin sa pagmamaneho. Alam niya lahat ng paghihirap na naranasan ko sa pamilya ko. Nagpapasalamat na lang ako sa kanya na dinadamayan niya ako sa tuwing nag-be-breakdown ako.