HALIYAH ISABELLE’S POV
“Hindi ko po alam… baka may iuutos lang po sa akin,” usal ko at bahagyang yumuko.
Hindi ko maiwasan.
Nakasanayan ko na.
Sa tuwing kaharap ko ang isa sa kanila, kusa na lang bumababa ang ulo ko, parang natural na depensa ng katawan ko laban sa bigat ng presensya nila.
Mula sa gilid ng paningin ko, kitang-kita ko ang paggalaw ng mga paa niya.
Isang hakbang.
Dalawa.
Palapit.
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
“Stop doing that.”
Napakunot ang noo ko. “P-po?”
“Stop bowing your head like that,” ulit niya, mas malinaw ngayon ang tono.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
At sa sandaling iyon, tila may kung anong nagbago sa hangin.
Nakangiti siya.
Hindi iyong ngiting may bahid ng panunuya.
Hindi rin malamig. Kundi isang magaan, halos nakakaaliw na ngiti. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bahagyang nawala ang kaba ko.
“Hindi mo kailangang yumuko sa akin,” dagdag niya, mahina pero diretso ang tingin sa mga mata ko.
Bago pa ako tuluyang makapag-isip, bigla niyang inabot ang kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
Mainit ang palad niya kumpara sa malamig kong mga daliri.
“S-Sir…?”
“How about…” marahan niyang sabi, halos parang imbitasyon lang sa isang kaibigan, “you accompany me to the garden?”
Hindi pa ako nakakasagot.
Hindi pa man ako nakakaisip ng maayos na dahilan para tumanggi, ay nagsimula na siyang humakbang.
Bumaba kami sa hagdan, ang tunog ng sapatos niya ay malinaw sa marmol na sahig. Hawak pa rin niya ang kamay ko... hindi mahigpit, pero sapat para hindi ako makawala sa pagkakahawak niya.
Paglabas namin sa likod ng mansion, sumalubong ang malamig na hangin mula sa bakuran.
Naroon ang garden.
Tahimik.
Malawak.
Punong-puno ng mga halaman at bulaklak na maingat na inaalagaan.
“Relax,” marahang sabi niya habang patuloy kaming naglalakad sa pathway na bato. “Hindi kita kakainin.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mas kabahan.
Maya-maya pa ay dahan-dahan kaming naupo sa kahoy na bench sa ilalim ng malaking puno. At saka niya lang binitawan ang kamay ko nang nakaupo na rin ako sa bench.
Sa sandaling kumalas ang palad niya sa akin, hindi ko napigilang makahinga nang mas maluwag.
Parang ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.
Tahimik ang paligid. Maririnig ang mahinang paggalaw ng mga dahon tuwing hinihipan ng hangin. May ilang ibon na dumapo sa malayong bahagi ng hardin.
Sa gitna ng katahimikan, muli siyang nagsalita.
“I’m sorry about what happened the other day," panimula nito sa mababang boses.
Agad akong napalingon ako sa kanya.
Diretso ang tingin niya sa unahan, hindi sa akin. Nakapatong ang mga siko niya sa tuhod, magkadikit ang mga kamay, tila ba maingat ang pagpili ng mga salita.
“Hindi dapat nangyari iyon,” dagdag niya, mas mababa ang boses. “And I’ll make sure it won’t happen again.”
Bahagyang nanikip ang dibdib ko.
Hindi ko inaasahan iyong sinabi niya.
“S-Sir… hindi naman po--” magsasalita sana ako pero marahan niya akong pinigilan.
“It doesn’t matter,” putol niya sa sasabihin ko. “You were humiliated under this roof. That alone is enough.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Habang nakikinig ako sa kanya, dama ko ang kabaitan sa tono niya. Walang panunuya. Walang lamig. Walang halong pagmamataas.
Ibang-iba siya.
Mas magaan ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko. Hindi tulad kay sir Azrael na bawat salita ay parang may patalim sa dulo na siyang bumaba0n sa dibdib ko.
Pero kay sir Havoc, nakakahinga ako nang maluwag... para bang hindi ko kailangan mag todo ingat sa bawat galaw na gagawin ko kasi hindi siya gano'n ka strikto.
Napangiti ako.
“Salamat po,” mahina kong sagot.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay kitang-kita ko ang pagkurba ng isang maliit, ngunit totoong ngiti sa kanyang labi.
“You don’t have to be afraid here,” sabi niya. “At least… not when I’m around.”
Ilang segundo kaming nanatiling tahimik. Ang hangin ay marahang humahaplos sa mga dahon sa itaas namin, tila ba sinasabayan ang bigat ng sandaling iyon.
Pagkaraan, dahan-dahan siyang bumaling sa akin.
“Haliyah…” tawag niya, mas seryoso na ngayon ang tono.
Napatingin ako sa kanya.
“Can I ask you something?” maingat niyang tanong. “The truth.”
Biglang nanikip ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang bumalik ang kaba na kanina lang ay nawala.
“Kung okay lang sa’yo,” dagdag niya agad. “At kung hindi… you don’t have to answer. You can pretend I didn’t ask.”
Sandaling tumahimik ang paligid.
“About what, Sir?” mahinang tanong ko.
Hindi siya agad sumagot. Nakatitig muna siya sa malayo, saka muling ibinalik ang tingin sa akin.
“About that night,” sabi niya sa wakas. “May ginawa ba siya sa’yo? May sinabi ba siya na hindi ko alam?”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya... pero malakas ang pakiramdam ko na si sir Azra ang tinutukoy niya.
“Hindi ko po maintindihan…” pilit kong sabi, pero halata sa boses ko ang pag-iwas sa usaping iyon.
“Haliyah,” marahan niyang ulit, “I’m not asking as your employer. I’m asking because I need to know if you’re safe and if you're okay..."
Matagal ko nang hindi narinig ang salitang iyon na para bang may pakialam ang nagsasalita.
Nanlambot ang mga daliri ko sa ibabaw ng palda ko.
Wala naman talagang ginawa si Azrael.
Walang pisikal. Pero ang mga salita niya… ang paraan ng paglapit niya… ang titig niya.... Hindi iyon madaling kalimutan.
“Kung hindi mo kayang sabihin,” dagdag ni Havoc, mas marahan ngayon, “okay lang. Hindi kita pipilitin.”
Napabuntong-hininga ako nang mahina.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagsalita ako.
Pero sa unang pagkakataon, may taong handang makinig sa akin kaya hindi ko hahayaan na masayang ang pagkakataong meron ako ngayong araw.
“Wala po siyang… ginawa,” maingat kong sagot. “Wala pong ganon.”
Saglit siyang tumahimik.
“Pero?” marahan niyang tanong.
Napayuko ako.
“Pero… hindi po magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya.”
Tahimik ang garden matapos kong sabihin iyon.
Walang paghuhusga sa mukha ni Havoc.
Walang galit.
Tanging isang malalim na pag-unawa.
“I see,” mahina niyang tugon.
At sa simpleng sagot niyang iyon....
Parang gumaan ng kaunti ang bigat na matagal ko nang kinikimkim.
Nanatili pa kami ng ilang minuto sa garden, at bigla itong nagbiro kaya hindi ko napigilang mapahalakhak ng malakas. At gano'n din si sir Havoc.
"You looked even more pretty when you're laughing," biglang puri nito sa akin.
Dama ko ang pag-init ng mukha ko, hindi ko maitago ang hiya sa paraan ng pagtawa ko. At nang mapansin niya ang relasyon kong iyon ay mas lalo niya akong inasar.
"Come on... show me that blushing face of yours..." usal niya pilit na inaalis ang palad ko na nakatakip sa aking mukha.
"Sir Havoc naman...." asik ko, mula sa aking pagkakaupo ay tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya.
Akala ko ay titigil na ito at hahayaan akong umalis. Ngunit laking gulat ko ng sumunod ito sa akin... nagsimula siyang tumakbo kaya tumakbo din ako at para kaming batang naghabulan sa garden.
Napuno ng aking malakas na tawanan ang bawat sulok nitong garden. Patuloy lang ako sa aking pagtakbo, habang siya ay walang tigil sa kakahabol sa akin.
At sa mga sandaling iyon ay nawala lahat ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Nabura lahat ng problema... lahat ng iyon ay hindi ko naisip. At ang tanging nasa utak ko lang ngayon ay ang masayang sandali na ito.
Kung saan si sir Havoc ang kasama ko at hindi si sir Azra.
TO BE CONTINUED.....