Nakabalik ako sa classroom at naabutang nakangiti nalang si Maddi habang may binabasa sa kaniyang cellphone. Mabilis akong pumunta sa likuran niya para silipin kung ano 'yun pero napansin niya ang presensya ko kaya agad niya itong itinago. "Huy, ano 'yan? Kanina lang para kang nawalan ng five hundred tapos ngayon may pa ngiti ngiti ka riyan?" Umupo ako sa tabi niya at nilapag doon ang mga biniling pagkain. "Wala 'yon, huwag kang chismosa, pwede ba?" sungit-sungitan niyang sambit kasabay ng pag-irap. Kinurot ko siya sa braso ng mahina at natatawang inabot sakanya ang pagkaing alam kong hindi niya tatanggihan. "Pasalamat ka at mahal na mahal kita bilang kaibigan, kung hindi baka tinusok ko na 'yang mata mo sa sobrang taray!" Napalabi naman siya at binuksan ang bigay kong cheeseca

