CAROLINE POINT OF VIEW Umaga na naman at abala ako sa paglilinis sa kwarto ni Sir Lysander. As usual, ang daming gamit na parang hindi naman ginagamit pero gusto pa rin niyang nandoon. Ayos lang, challenge accepted. Isa pa, kahit nakakainis siya minsan, at least interesting ang trabaho ko. Habang naglalampaso ako sa sahig, napansin kong nakasabit sa gilid ng aparador ang isang itim na suit. Mukhang bago at ang linis ng pagkakakabit. Ang daming nakasabit doon, pero iba ang dating nito—parang sobrang importante. Hmm, mukhang ito ang paborito niya. Dumiretso ako sa mesa at nagsimulang maglinis doon. Sa paggalaw ko, natumba ang isang baso ng tubig, at tumilamsik ang tubig papunta sa gilid ng aparador. Napamulagat ako nang makita ang suit na nadaplisan ng tubig. Napatigil ako. Tumakbo ako

