LYSANDER POINT OF VIEW Malamig ang hangin sa dining hall habang tahimik akong kumakain ng hapunan. Ang tanging tunog na naririnig ay ang kaluskos ng kubyertos at ang mahinang pagkalansing ng baso. Tulad ng dati, mag-isa akong nakaupo sa mahabang mesa, pero ngayon, may isa pang tao sa kabilang dulo—si Coraline. Pinilit kong huwag siyang pansinin habang sinasabay niya ang bawat subo sa pag-tap-tap ng daliri niya sa mesa. Parang musika na naman ang nasa utak niya. Sa gilid ng mata ko, nakita kong umiikot-ikot ang tinidor niya, parang may balak siyang gawin na naman na hindi ko magugustuhan. Tumikim ako ng steak at natahimik. Perfect as usual. Hindi man ako mahilig magbigay ng papuri, pero dapat kong tanggapin na magaling siyang magluto. Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hi

