IPINARADA NI Anton sa parking lot sa labas ng mall ang kanyang kotse. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan niya si Nanay Rosa upang sabihin na nasa labas na siya at maghihintay na lamang siya roon. Hindi na siya papasok sa loob ng mall dahil kapag ginawa niya iyon ay magtatagal pa sila ni Enid sa loob. Hindi niya matatanggihan ang kanyang anak kung hihilingin nitong umikot muna sila. Maaari nilang gawin iyon sa weekends. May pasok pa ang anak bukas at hindi maaaring magpagabi masyado.
Nasabi na minsan sa kanya ni Nanay Rosa na nagtatampo na yata ang kanyang anak dahil kakaunti na ang oras na inilalaan niya para rito. Plano niyang sorpresahin si Enid sa susunod na buwan. Dadalhin niya ang anak sa Hong Kong Disneyland upang matuwa naman ito. Gantimpala na rin nito iyon dahil matataas ang grado nito.
Umibis si Anton sa sasakyan at sa labas naghintay. Hindi naman siya naghintay nang matagal. Mayamaya pa ay natanawan na niya ang anak at si Yaya Rosa. May kasama ang mga itong isang batang lalaki at isang babaeng matangkad. Napansin kaagad niya ang magandang ngiti sa mga labi ng kanyang anak. Hawak-hawak nito ang kamay ng matangkad na babae. Nasa anak niya ang kanyang atensiyon kaya hindi niya gaanong napagtuunan ng pansin ang mukha ng babaeng kasama nito. Mukhang nakahanap talaga ng bagong kaibigan si Enid.
Nang malapit na ang mga ito sa kanya ay napatingin siya sa mukha ng babae. Napatda siya sa kanyang nakita. Hindi niya alam kung nagha-hallucinate lamang siya sa sobrang pagod. His heart raced so fast he couldn’t breath.
“Chenie,” hindi makapaniwalang naiusal ni Anton.
Hindi siya maaaring magkamali. Hindi niya kailanman ipagkakamali ang mukha ng asawa niya sa iba. Memoryado niya ang magandang mukha nito. Nakaukit ang mukhang iyon sa utak niya. Naging matured man ang mukhang iyon ay sigurado pa rin siya na mukha iyon ng asawa niya. Hindi siya makapaniwalang nakikita niyang muli na buhay si Chenie.
Kung nananaginip lamang si Anton, ayaw na niyang magising. “Chenie,” tawag niya.
Napatingin si Chenie sa kanya.
He couldn’t describe he felt at that moment. Nais niyang tumawa. Nais niyang umiyak. Nais niyang magtatalon sa tuwa. Nais niyang lumuhod at pasalamatan ang langit sa himalang ibinigay sa kanya.
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay nito. Nakatingin ito sa kanya sa paraang tila hindi siya nito kilala, na tila noon lamang sila nagkita.
Sa malalaki at mararahas na hakbang ay nilapitan ni Anton si Chenie. Tinitigan niya ito nang husto sa malapitan. Hindi nga siya dinadaya ng kanyang paningin. It was really his wife.
Nakatingin lang ito sa kanya, salubong pa rin ang mga kilay.
“Dad,” masayang bati sa kanya ni Enid.
Hindi magawang alisin ni Anton ang mga mata sa mukha ng kanyang asawa upang batiin ang kanyang anak. Ni ayaw niyang kumurap at baka maglaho na lang ito bigla. Kailangan niyang siguruhin sa kanyang sarili na totoo si Chenie, na nasa harapan na niya ito uli.
Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Ikinulong niya si Chenie sa kanyang mga bisig. It felt so great. He felt like he could finally beathe again. Hindi na siya nag-isip pa. Bago pa man ito makahuma, sinakop na ng mga labi niya ang mga labi nito. He felt like he was about to burst any moment now. Her lips still tasted the same. They were still sweet and soft like marshmallows. She was really back in his arms.
Hinigpitan ni Anton ang pagkakayakap kay Chenie. Hindi na niya ito pakakawalan. Hindi na niya hahayaan na mawala itong muli sa kanya.
HINDI makagalaw si Cheryl habang nasa bisig siya ng isang lalaking ngayon lamang niya nakita. Lalong hindi siya nakagalaw nang hagkan nito ang mga labi niya. Tila naparalisa ang kanyang buong pagkatao.
Pilit niyang inuutusan ang kanyang katawan na kumilos at itulak palayo sa kanya ang lalaking ito. Wala itong karapatang yakapin at hagkan siya. Hindi niya ito kilala. Ngayon lamang niya ito nakita.
Ngunit bakit tila pamilyar ang lalaki sa kanya? Hindi lamang ang mukha nito, kundi pati ang halik at yakap nito ay pamilyar din.
Nahihirapan siyang huminga. Kumikirot ang puso niya. Naluluha siya.
The sudden rush of so many unexplicable emotions overwhelmed her.
Nais niyang mamangha nang maramdaman niyang tila nais niyang tumugon sa mga halik nito. She even felt like she finally come home. Pakiramdam niya ay nahanap na naman niya ang isa pang bagay na matagal na niyang hinahanap.
Bakit siya nakakaramdam ng ganoon? Sino ang lalaki? Sino ang mga taong ito?
Sa wakas ay nagawa nang makagalaw ni Cheryl. Marahas niyang itinulak palayo sa kanya ang lalaki. Bago pa man ito makapagsalita ay nasampal na niya ang mukha nito.
“How dare you!” singhal niya habang hinihingal. Nagsisimula nang manakit ng kanyang ulo.
Hinawakan niya ang kamay ni Enzo na tulala dahil sa eksenang nasaksihan. “Let’s go, Enzo. Baka hinahanap ka na ni Iarah.”
Bago pa man sila makalayo ni Enzo ay nahawakan na ng lalaki ang braso niya.
“Miss Cheryl,” tawag sa kanya ni Enid. Nilingon niya ang bata. May matinding lungkot na nakabadha sa mukha nito. Nais niya itong lapitan at haplusin ang pisngi. Nais niyang sabihin na huwag na itong malulungkot.
“Chenie,” sabi ng lalaki. “Chenie, please, don’t go. I won’t let you go ever again.”
Iwinaksi ni Cheryl ang kamay nitong nakahawak sa kanya, ngunit hindi nito hinayaang makawala siya. Muli nitong nahawakan ang braso niya at hinila siya palapit.
“I am not Chenie!” halos sigaw na ni Cheryl. Bakit ginugulo ng taong ito ang isip niya? Bakit kung anu-anong eksena mula sa mga panaginip niya ang nagsasalimbayan sa isip niya ngayon? Bakit apektadung-apektado siya sa halik at yakap nito? Why does she felt like she missed him terribly? “I’m Cheryl Arpilleda. Hindi kita kilala. Hayaan mo na kaming makaalis ni Enzo. Hindi ako ang babaeng sinasabi ninyo.”
Umiling ang lalaki. “You are Chenie. You are our Chenie. Chen, please, don’t do this to us. I’m your husband!”
Huminga siya nang malalim at pinilit na magpakahinahon. “I am not Chenie. Whoever she is, I don’t know her. I am Cheryl. I am the secretary of Vann Allen, the celebrity. I’ve never been married. I’ve never gotten pregnant. Hindi nga ako lumaki rito sa Pilipinas. I was born and raised in America. I’m sorry, Sir, but I am not the woman you are talking about,” she patiently said. “I don’t know you. I’ll forgive you for kissing me, just let us go. I’ll forget all about this. Iisipin ko na lang na isang panaginip lamang ito. Iisipin kong nadala ka lang ng pangungulila mo sa asawa mo.”
Sinadya niyang sabihin ang mga bagay na iyon upang mapayapa na ang lalaki. Siguro ay talagang kahawig niya ang sinasabi ng mga ito na Chenie kaya napagkamalan siya. Halos sigurado na siya na paiimbestigahan siya nito upang makumpirma ang lahat ng sinabi niya. Malalaman nito na hindi talaga siya ang babaeng sinasabi nito.
Nang ayaw pa rin nitong pakawalan ang braso niya ay sinalubong ni Cheryl ang mga mata nito. Kahit na hirap na hirap siya dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa uri ng tingin nito ay pinilit niyang magpakatatag. Kahit na nais niyang haplusin ang pisngi nito ay pinigil niya. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?
“I don’t know you,” ani Cheryl sa matatag na tinig habang magkasalubong pa rin ang mga mata nila.
“I’m Anton Quan,” anito sa pormal na tinig. “Your husband.”
Kahit na tila may sumuntok sa sikmura ni Cheryl pagkarinig ng pangalan nito ay sinikap niyang magmukhang kaswal. Huminga siya nang malalim. “I don’t know you.”
“Let go, Dad,” ani Enid sa ama. “She said she’s not Mom.”
“Anton, magkamukha lamang sila,” sabi ni Yaya Rosa sa mahinahong tinig. “Sa palagay mo ba ay hindi ka makikilala ni Chenie kung sakaling buhay pa nga siya? Ikaw ang lalaking pinakamamahal niya, ang tanging iniibig niya. Hindi ka kilala ni Cheryl.”
Doon nagawang pakawalan ng lalaki ang braso niya. Kaagad niyang hinila si Enzo palayo sa lugar na iyon. She knew she would break down if she failed to get out of that place as soon as possible.
“Miss Cheryl,” tawag uli sa kanya ni Enid bago pa man sila tuluyang makalayo.
Inutusan ni Cheryl ang sarili na huwag tumigil sa paglayo, na huwag nang lilingon. Ngunit hindi niya magagawa iyon sa bata kahit na ano ang pilit niya. Tila hindi kaya ng puso niya na basta na lang iwan si Enid.
Tumigil si Cheryl at lumingon. Tumatakbo si Enid palapit sa kanya. Bahagyang hinihingal na tumigil ang bata sa kanyang harapan.
“I am sorry Dad acted that way,” anito. “Kamukha mo lang po kasi si Mom. Hindi niya po sinasadya.”
Nginitian nang masuyo ni Cheryl si Enid. “It’s okay.”
Kinusut-kusot nito ang laylayan ng blusa. “A-ano po... p-puwede p-po b-bang pa-kiss?” nag-aalangang hiling nito sa kanya.
A tear fell. Hindi na pinigilan ni Cheryl ang sarili. Niyakap niya ang bata nang mahigpit at pinupog ng halik sa buong mukha. Nagmamadali siyang tumuwid pagkatapos. Hinawakan niyang muli ang kamay ni Enzo at sa malalaking hakbang ay tinungo nila ang kinaroroonan ng sasakyan nila.
Pagpasok sa loob ay hindi na niya napigilan ang mapahagulhol. Sana ay alam niya kung bakit siya umiiyak nang ganoon. Sana ay naiintindihan niya ang mga damdaming umaalipin sa kanya. Pilit niyang pinapatahan ang kanyang sarili ngunit tila lalo lamang bumubukal ang mga luha niya sa tuwing pinipilit niya. Nahihirapan na siyang huminga.
Who are those people?
Ang Anton bang iyon at ang Anton sa panaginip niya ay iisa?