Maaga nagising si Nadia kinabukasan—Lunes, kaya marami siyang kailangang asikasuhin.
Paglabas ng silid niya at pagpasok sa sala, agad niyang napansin ang kumpol ng malalaking paper bag na nakalagay sa gilid. Maingat niya itong tinignan isa-isa. Mga mamahaling tatak—LV, Chanel, Dior—ang nakasulat sa bawat isa. Makinis ang papel, elegante ang disenyo, at halatang hindi basta nabibili.
Biglang bumukas ang pinto ng isa pang kwarto at lumabas ang mag-inang Bridget at Tita Lalaine niya. Nakabihis. Pati suot na mga damit ay makikita mong mamahalin din. At kumikinang ang mga suot na alahas.
“Huwag mong hahawakan ang mga ’yan,” mariing sabi ni Bridget, may halong pagmamataas ang boses. Tumango naman si Tita Lalaine, sabay dagdag, “Mahal ang mga ’yan. Hindi basta-basta nabibili.”
Napatingin si Nadia sa maliit na tag na nakabitin sa isang LV bag. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang presyo—humigit-kumulang isang daang libong piso… para sa iisang bag lang.
Napakunot ang noo ni Nadia.
“Binibenta mo ba ’to online?” tanong niya, bahagyang nakataas ang kilay habang muling sinusuri ang mga paper bag.
Agad napasimangot si Bridget at umirap. “Hindi, no. Personal kong gamit ’yan,” sagot niya na may halatang yabang sa boses.
Ramdam ni Nadia ang pasaring sa tono ni Bridget, pero pinili na lang niyang manahimik.
Pero napaisip si Nadia habang tinitingnan ang mga mamahaling bag. Kung may pera naman pala sina Bridget at Tita Lalaine para bumili ng ganito, bakit hindi man lang sila makatulong sa mga gastusin sa bahay?
Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyang nagsalita.
“Alam niyo, kung kaya niyong gumastos ng ganito kalaki sa mga gamit, siguro naman kaya niyong mag-ambag kahit konti sa bayarin dito sa bahay,” aniya, diretso at walang paligoy.
Biglang tumigas ang ekspresyon ng mag-ina.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” singhal ni Bridget, halatang nasaktan ang pride.
Si Tita Lalaine naman ay agad sumabat, “Wala kang karapatang diktahan kami kung paano namin gagastusin ang pera namin.”
Ramdam ni Nadia ang bigat ng titig ng dalawa, pero hindi niya binitiwan ang pagkakatayo.
Nagpatuloy pa ang mag-ina, hindi alintana ang bigat ng mga salitang binibitawan nila.
“Aba, wala na kaming pakialam sa’yo, Nadia,” mariing sabi ni Bridget, sabay krus ng mga braso. “Kung iniisip mo na obligasyon naming tulungan ka, nagkakamali ka.”
Sumingit si Tita Lalaine, mas malamig pa ang boses. “At para malinaw, malapit na rin kaming umalis dito. Hindi mo na kami kailangang intindihin… at kami, hindi na rin mag-aaksaya ng oras para sa’yo.”
Parang may kumurot sa dibdib ni Nadia, pero pinanatili niyang tuwid ang likod at hindi nagpatalo sa titig ng mga ito. Sa isip niya, Kung ganyan naman pala ang ugali niyo, baka mas mabuti ngang umalis na kayo.
Pagkasabi ng mabibigat na salita, agad humarap si Bridget sa ina.
“Ma, tara na. May appointment pa tayo sa embassy, baka ma-late tayo,” yaya niya, habang marahang inaayos ang isa sa mga paper bag na tila ayaw niyang may ibang makahawak.
Tumango si Tita Lalaine at muling sinipat si Nadia mula ulo hanggang paa bago umiwas ng tingin. Kinuha nila ang ilan sa mga bag at nagmamadaling lumabas ng pinto, iniwan si Nadia na nakatayo sa gitna ng sala—tahimik pero mabigat ang dibdib.
Naiwan si Nadia na nakatingin sa pinto matapos silang umalis. Paulit-ulit tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Bridget.
Embassy?
Napakunot siya. Ibig sabihin… may pera nga sila. At may appointment pa sila, ibig sabihin mag-a-abroad ang mag-ina.
Napaupo si Nadia sa sofa. Saan kaya galing ang pera ng mag-ina?
Muling bumalik sa alaala niya ang sinabi noon ni Jaden. Baka totoo nga, na nagbebenta si Bridget ng p*k* nito online.
Napabuntong-hininga siya, ramdam ang halo ng inis at pagtataka. Kung gano’n nga, iyon siguro ang pinagmumulan ng pera nila… bahala sila ang importante makaalis na sila dito sa bahay.
Napailing na lang si Nadia, pilit itinataboy ang mga haka-haka sa isip niya. Wala rin naman siyang mapapala kung iisipin pa iyon buong araw.
Kaya tumayo na siya mula sa sofa, inayos ang buhok at naglakad papunta sa kwarto para magbihis. May trabaho pa siyang papasukan, at mas mabuting doon niya ituon ang oras at lakas kaysa ubusin ito sa pag-iisip tungkol sa mag-ina.
Habang inaabot ang bag at sapatos, bumulong siya sa sarili, Bahala na sila sa buhay nila…
******************************************
Walang humpay na binabayo ni Jaime si Bridget. Halos mapigtas na pareho ang kanilang mga ugat sa leeg sa kakaungol.
Hanggang sa labasan sila pareho. Hinugot ni Jaime ang *r* niya mula kay Bridget at pinasirit ang k*t*s nito sa likuran ng babae. "Ohh, f*ck Bridget, napakasarap mo talaga!"
Napaungol din si Bridget.
At nilabasan na rin ito. Parang nangingisay pa sa sarap.
Pareho silang napasandal sa headboard ng kama.
Nagsalita si Jaime.
“Ngayon,” sabi niya, seryosong nakatingin kay Bridget, “nasaan na ’yung kopya ng ID ng stepsister mo? Kailangan ko na ’yon para sa plano natin.”
Bahagyang ngumisi si Bridget, saka tumayo at kinuha ang maliit na pouch.
Mula roon, dahan-dahan niyang inilabas ang isang papel.
Kinuha iyon ni Jaime, pinagmasdan sandali, at tumango. “Perfect. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang pagproseso… at wala siyang kaalam-alam.”
******************************************
Makalipas ang ilang araw.
Sa maliit na mesa sa loob ng opisina ni Jaime, nakalatag ang ilang dokumento—Death Certificate ng ama ni Nadia, photocopy ng lumang titulo ng bahay at lupa, at isang makinis na folder na naglalaman ng bagong papel na may malaking titik.
“Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Real Estate Mortgage.”
Si Jaime mismo ang may hawak ng mga papeles, hawak din ang ballpen na ginamit niya para gayahin ang pirma ni Nadia. Malinis, eksakto, at halos imposibleng makilala na peke.
“Kompleto na,” wika ni Jaime na may ngisi sa labi. “Pwede na natin itong ipasa sa bangko. Sigurado ako, hindi na nila tatawagan si Nadia. Ang makikita lang nila, pumirma siya at pumayag.”
Napangisi si Bridget, nakasandal sa sofa at hawak-hawak ang tasa ng kape. “Sabi ko sa’yo, wala talagang kahirap-hirap ‘to. Pag na-approve ang loan, may pambayad na kami ni mama sa iyo."
Tumango si Tita Lalaine, halatang kuntento. “At may sobra pa para sa mga gusto natin. Hindi na kailangang malaman ni Nadia hanggang huli na.”
Habang nasa Baguio kasi si Nadia para sa dalawang araw na seminar, samantala abala si Bridget at Tita Lalaine nito sa lihim nilang plano. Alam nilang nakalock ang kwarto ni Nadia, pero hindi iyon naging hadlang—gumamit si Bridget ng manipis na wire at kaunting tiyaga na tinusok ito hanggang sa marinig niya ang mahinang click ng seradura at nabuksan ito.
Maingat niyang hinanap ang mga papeles: ang original owner’s duplicate copy ng titulo, tax declarations, RPT clearance, at iba pang dokumentong pinaghirapan ni Nadia kolektahin. Isa-isa niya itong isinilid sa envelope. At doon din sa kwarto ni Nadia ay ginawa ni Bridget ang kalokohan niya. Sa kama ni Nadia naghubad si Bridget at nagpakita ng katawan sa mga kausap online. Isa na doon si Cole. Pagkatapos, marahan niyang ibinalik sa dating ayos ang silid para walang halatang may pumasok.
Kaya wala pang kaalam-alam si Nadia na pagbalik niya mula sa Baguio, wala na sa kanyang mga kamay ang mahahalagang dokumentong iyon—at hawak na lahat ni Bridget.
******************************************
Makaraan ang ilang linggo, nagsimula ng magtaka si Cole kung bakit bigla na lang hindi nagpaparamdam si Nadia sa kanyang mga messages. Marami na siyang naiwan na messages at paulit-ulit na rin siyang nagpadala ng missed calls, pero wala ni isa man ang sinagot.
Noong una ay si Nadia pa yong nag-memessage sa kaniya. Ngayon hindi na.
Sa una, inisip ni Cole na baka abala lang ito sa trabaho. Kasi mga huli nitong message ay sabi nasa seminar siya. King hindi naman gawaan na daw ng grades ng mga estudyante. Pero habang tumatagal, ramdam niya na may kakaiba.
Lalo pa itong nakakapagtaka dahil dati, kahit gaano ka-busy si Nadia, hindi ito pumapalya sa pagbibigay ng maikling reply o emoji man lang.
Sa gitna ng kanyang pag-iisip, unti-unting sumingit ang matinding duda sa isipan ni Cole—baka nga may katotohanan ang sinabi ni Robert.
Baka scam lang si Nadia… Pagkatapos makuha ang gusto, bigla na lang naglaho. Pinirahan lang ako. Ang pagpapakita niya ng katawan niya —baka modus lang para magtiwala ako at makuha ang simpatiya ko.
Mas lalong kumulo ang dibdib ni Cole habang binabalikan ang mga nangyari. Nagpadala na ako ng pera… sampung milyon. Dahil may problema siya. Nagtiwala naman ako. Ang tanging hinihiling ko lang kapalit nito ay mahalin niya ako. Iyon lang naman ang gusto ko, bulong ng kanyang isip.
Biglang bumigat ang dibdib ni Cole.