Nakatayo ako sa gilid ng infinity pool ng Presidential Casita. Madilim na ang paligid, tanging ang mga underwater lights ng pool ang nagbibigay ng kulay asul na liwanag sa tubig. Pagod na pagod ako. Kanina sa construction site, nagpakita ako ng tapang. Dinurog ko ang ego ni Devon sa harap ng mga tauhan niya. Pero ngayong wala na ang audience, naramdaman ko ang pagbigat ng balikat ko. Nakakapagod magsuot ng maskara. Nakakapagod magpanggap na Lau Valez. "You look like you're carrying the weight of the world, Lau," isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan. Lumingon ako. Si Lucien. Lumabas siya mula sa veranda ng kabilang villa. May hawak siyang dalawang baso ng scotch. Suot niya ay simpleng itim na t-shirt at shorts, pero kahit anong suot niya, dala pa rin niya ang aura ng pagi

