Ngayon ay October 30, 2019 na. Limang araw ang lumipas simula noong ihatid ng Ate Alona niya si Blythe sa kanyang bahay at anim araw na rin simula ng makasama niya si Ashton sa kanyang bahay. Dahil sa kagustuhan ni Ashton na samahan siya sa kanyang bahay ay kasama niya itong umuwi galing trabaho ngunit kagabi ay tumawag ang ate niya na susunduin na nito si Blythe kaya ngayon ay nagliligpit siya ng mga gamit ng pamangkin niya. Mabuti na lang ay wala siyang pasok ngayon. Si Ashton naman ay kauuwi lang din galing trabaho at dito na dumiretso. Sobrang mami-miss niya ang kanyang pamangkin dahil sobrang napaka-matured ng mag-isip nito. Naalala pa niya noong araw na hindi niya kinikibo si Ashton ay gumawa ito ng paraan para magkabati sila kahit hinalikan siya ni Ashton noong araw na 'yon

