Habang naglalakad sina Ashton, Autumn at Blythe ay bigla na lang may babaeng lumapit sa kanila. Hindi mapigilang mapatingin ni Autumn sa babaeng nasa harapan niya. Kitang-kita sa tindig, porma at itsura ng pagiging sopistikada nito. "Sino siya? Tanong ni Autumn sa kanyang isip. "Hi Ashton! Small world! Hindi ko alam na mahilig ka rin pa lang mamasayal dito." "Oh! Hi Kylie! I did not expect that you're here also." Gulat na sabi ni Ashton. "Kylie, si Autumn pala girlfriend ko saka pamangkin niyang si Blythe." dagdag pa niya sa kausap. Nakita niyang kinawayan naman ni Autumn si Kylie, at ganoon din naman si Blythe. " Kita naman sa mukha ni Alexa ang bahagyang pagkadismaya dahil sa sinabi ni Ashton na mayroon na itong kasintahan. Simula kasi ng ipakilala ng bestfriend niyang si Margaret

